TLR | 32

73 3 1
                                    

~Nathaniel Blythe Lai~

"Ma... nakausap ko si Tito ngayon" sambit ko

"Anong sabi?" Tanong niya

"Tss. May balak pa siya na ireto ko sa anak ng kaibigan nila ni Papa" sambit ko

"Anak... magiingat ka sa Tito mo... hindi ko pa pala nasasabi na... nainvolve na yan sa patayan 3 years ago..." sambit ni Mama at nanlaki mata ko sa gulat

"Po? Patayan?" Tanong ko

Napaupo ako sa may upuan nandito na ako sa labas ng kwarto ni Althea

"Oo... nagdudrugs kasi yan... tapos nakapatay yan ng babae kaso dahil nga mayaman nabayaran niya at napagtakpan ang kaso niya... kaya ikaw at ang iba binabalaan ko na magiingat kayo sa kanya..." sambit ni Mama

"Sige po" sagot ko

Sabay ibinaba ko na tawaganat pumasok na ako sa kwarto ni Althea habang dala-dala yung Carbonara niya

"Althea?" Sambit ko

Sabay bumangon siya...

"Nath? Ayos ka lang bakit parang namumutla ka?" Tanong niya sabay hawak sa pisngi ko

"Ayos lang ako... nakausap ko si Tito kanina... Althea... magiingat ka rin... binalaan na ako ni Mama tungkol kay Tito... mamamatay tao Tito ko" sambit ko sabay niyakap ko siya

"Oo... magiingat ako" sagot niya sabay niyakap niya ako pabalik

"Poprotektahan kita" sambit ko sabay niyakap ko siya ng mahigpit

"Huwag ka magalala magiingat ako Nath" sambit niya sabay ngiti

"Kain na tayo?" Aya niya sabay ngiti

"Sige" sagot ko sabay naupo ako sa upuan at tinulungan siya sa paghahain

Nang medyo matulala ako sa kanya...

Sobrang ganda nya talaga...

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang mapatingin siya sakin...

"Oh... baka naman matunaw na ako sa titig mo ah" natatawa niyang sinabi

"Sinong tumititig? Ako?" Tanong ko

"Oo.. ikaw" sagot niya sabay tawa

"Ganda mo kase." Bulong ko sa sarili ko

"Huh? May sinasabe ka?" Tanong niya

"Ahh wala haha sabi ko ang gwapo ko" sambit ko

"Hay nako..." sambit niya sabay tikim sa Carbonara nya

~Breidann Lauren Ong~

"Tumawag si Tita... nasa hospital daw si Althea and nandoon si Nath" sambit ni Prince

"Hmm.. dalawin natin" sambit ni Kean

"Ako na magdadrive" sambit ni Kyle

"Liam dito ka na muna sa bahay ah huwag ka lalabas pupuntahan lang namin Ate Althea mo" sambit ko

"Kuya.. gusto ko sumama" pagmamakulit ni Liam

"Sorry Liam pero hindi pwede mas mabuti na magstay ka na lang dito... medyo gabi na baka hanapin ka samin ng Kuya Nathan mo" sagot ko

"Haist. Sige po pakisabi kay Ate Althea na magiingat siya palagi... and mahal na mahal ko siya..." sambit ni Liam

"Sige makakarating ang mensahe mo sa kanya" sagot ko sabay ngiti

Sabay lumabas na kami...

"Bakit kaya tumakas si Althea?" Tanong ni Drake

"I mean this is her special day sabay tatakbuhan niya" dagdag ni Drake

The Last RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon