.tsk tsk tsk... sampung minuto na kung nakaharap sa monitor pero wala pa rin akong maisip na intro para sa sinusulat ko...kinikindatan lang ako ng cursor...masyadong mabilis pumasok ng mga ideas sa utak ko, pero ni isa wala akong nae-type... sinubukan kung gumamit ng ballpen at mga scratch papers pero wala ring effect... nakatatlong tasa na rin ako ang Great Taste na White (...sana bayaran ako ng great taste sa pag promote ng product nila...*_*). Actually first time ko magsulat, dati rati kasi, mahilig lng talaga akong magbasa ng mga isinusulat ng ibang tao, especially pag true to life ang story na may temang pang MMK... award winning para sakin yun... kaya naman na isipan kung isulat ang masalimuot, makapagbagdamdamin at makulay na kwento ng buhay ko...pero san nga ba ako magsisimulang mag kwento??? hmmm....
...pero bago yan magpapakilala muna ako, napakabastos ko naman siguro pag di muna ako magpapakilala ano? (..well may mga writers naman talaga na hindi naman nagpapakilala kapag sumusulat di ba? tulad ng idol kung si BOB, sabagay hindi naman ako fulfilled na writer talaga..). Ako nga pala si Jed, short for Junius Edwyn, 21 years old, taga iloilo (..city of love..), pero sa surallah, south cotabato ako pinanganak, pero 5 years old pa lang ako e sa iloilo na ako namalagi, lumaki ako sa tiyahin ko kasi hindi ko naman kasi alam kung sino talaga ang mga magulang ko, maliit pa ko ng iniwan nila ako sa lola ko, pero mula nun eh wala na kung balita tungkol sa kanila at wala na rin naman akung balak na alamin pa..(..pasensya na medyo madrama pa sa mga pelikula ni carlo j. caparas ang buhay ko..)... at dito na ako magsisimula...
Part 1.... AKO AT ANG BUHAY SA ELEMENTARY
..tulad ng mga karaniwang tao, lahat tayo ay may kanya kanyang karanasan, (..oo tulad mo at tulad ko..), maliit pa lang ako e alam ko na na kakaiba ako, labin-dalawang taon ako noon ng makumpirma kung espesyal ako.. (..oo espesyal kasi may rainbow colored akung pakpak at mahilig akong mag slide sa rainbow at mangulekta ng pot of gold hehehe *_*..).... oo sa maniwala ka at sa hindi maliit pa lang ako eh gumagana na ang utak ko, maaga akung nagkaisip kasi teacher ang tiyahin ko sa isang lokal na paaralan sa elementary, kaya ang bahay namin eh parang nagiging extension na rin ng school namin, libro sa umaga, libro sa gabi, at bawal manood ng tv pag may pasok at pag may nakalimutan kang assignment or bumaba ang mga exam results mo, mag ooverload ang memory bank mo sa Q and A portion sa tiyahin kung daig pa si Ms. Minchin... well balik sa storyline.. oo grade six ako nuon ng malaman kung isa akung butterfly na nasa katawan ng isang ipis... miss UN yun that time (..parang uso pa rin yata ang miss UN sa mga elementary ngayon..). at dahil sa teacher ko ang tiyahin ko, walang mga parents ang umangal ng ako ang kinuhang escort para mag represent ng klase namin, medyo hiyang hiya pa ako nun kasi ang panget at ang payat ko pa (..at para namang may nagbago sa mukha ko ano?..).. para akong ene-stretch na bulate, pero wala na rin akong magawa at hindi rin naman ako pwedeng umayaw....one week ang binigay na preparation sa amin, siyempre kuntodo prepare ang partner kung babae..(...baka magtaka ka kung paano ko to naisasalaysay lahat...oo memoryado ko lahat ng parti ng buhay ko, bawat detalye ay naalala ko pa na parang nangyari lang ang lahat kahapon.. na overdose yata ako sa memoplus gold..), araw ng UN, medyo mainit kasi tanghaling tapat na that time, nakasakay pa kami sa denikorasyunang padyak at umikit sa buong school...at pagkatapos dumiretso sa school grounds na katapat ng stage.. (..hindi pa uso ang covered gym sa elementary eh,, kinapos yata sa budget...ohh baka naman naibulsa na..)... siyempre bago kami pauupuin magsasagala muna lahat ng mga participants...at iikot uli sa grounds na animo’y may ari ng hacienda luisita, at pagkatapos makaupo na ang lahat, magsisimula ng maglitanya ang lahat ng mga guest at school officials na parang kakandidato sa kongreso, kaya ako? hayun bored to death, syempre mga bata kaya imbes na makinig naglalaro kami sa upuan ng mga kapwa ko grade one din na sa ibang section, habang yung muse namin na kapariha ko e nakaupo lang sa tabi at sumisipsip ng softdrinks na nakalagay sa plastic na may straw... “arayyy” sabi ko, may tumamang bato sa ulo ko, “sino kayang walang magawa ang nambato” sabi ko sa sarili ko, luminga-linga ako pero wala akong nakita, “pokk” isa pang bato ang tumama sa ulo ko, dahil sa inis tumayo ako para tingnan kung sino ang humagis ng bato at dahil sa hindi naman ako katangkaran, pumatong ako sa kinauupuan ko at isang batang maputi na medyo chinito ang nakita kung nakangisi na nakatingin sa direksiyon ko, hindi naman sya kalayuan sa kinatatayuan ko..at may pinaglalaruan syang mga maliit na bato sa kaliwang kamay...ang sarap sanang sugurin kundi lang ako pinagalitan ng isang teacher kasi daw bawal pumatong sa silya, kaya nanahimik na lang ako sa kinauupuuan ko.
BINABASA MO ANG
Ako.... at ang Aking Kuwento..
Randomhi there ;) Me: tinatry kung magsulat ng kwento tungkol sa mga karanasan ko.sana mag enjoy po kayo ;) Inner me:(d ba nakakahiya yang gnagawa mo?) Me: hindi ah, chance ko na to baka ma diskobre ako ng mga producer. Inner Me: asa ka teh... Me: kontr...