"ano? Boss mo na naman ang lokong yon?" Oa na react ni Kaye ng ibalita ko nagkita na muli kami ni Kiroshi
And worst sa boss ko ulit ito
Paikot ikot pa ito sa harap ko habang ako nakaupo at umiinom ng tsaa
"Pero nakakapagtaka lang Kaye bakit may sarili na siyang company? Yes syempre mayaman sya pero diba may Empire naman na sila at yung business ng tito niya sya ang ceo dun?" Takang tanong ko sa kaibigan
Umupo naman ito sa isang silya at humarap sakin
Bumuntong hininga ito bago nagsalita
"Basta ang alam ko lang nag resign siya sa pagiging President sa company ng tito niya,nangyare yung nung nakaalis kana dito sa Pinas" sagot nito "at balita balita na yung kuya niya na ang pinaka may ari ng Empire dahil sa kuya niya Pinamana dahil namatay na si Mr.Monterey 8 months din nakalipas simula naghiwalay at pumunta ka sa Japan" dagdag pa nito
Pero halos napatayo ako sa gulat sa sinabi nito
"Come again?"
"Huh? Anong come again girl?" Taka nito sakin, "pakiulit yung sinabi mo"
"Ang alin? Yung sa kuya niya pinamana?"
"Hindi.. P-patay na si Mr.Monterey? Si tito Kiel?" Halos maghina ako sa pagkasambit
Tumango naman ito "bakit hindi mo binalita sakin?"
"S-sorry Crisha, sabi mo kasi ayaw mo na makarinig kahit anong balita sa kanya" paumanhin nito "kaya hindi ko na lang din naibalita sayo nangyare sa father in law mo"
Nanghina ako sa sinabi nito kaya naman nagsimula na din tumulo ang mga luha ko
I'm sorry Papa Kiel kung hindi ko man lang kayo nakita sa huling pagkakataon
Naalala ko naman yung mga mabubuting pinakita nito sakin noon mag asawa pa kami ng anak niya
At paano niya ako tulungan mahanap ang nanay ko
Kinabukasan naghanda na ako sa pagpasok ko at niready ko na din sarili ko dahil panigurado magkikita na naman kami
Nagpaalam muna ako sa anak ko bago ako sumakay sa kotse para makaalis na
Hindi na pala kami sa hotel tumutuloy ngayon buti nakahanap ako ng bahay na mauupahan para samin dalawa
Kumuha na din ako ng taga bantay ni Miracle dahil baka masyado ko na naiistorbo ang mag asawa pero alam ko naman mahal nila si Miracle
Makarating ako sa kumpanya ni Kiroshi may nag assist naman agad sakin saan magiging opisina ko
"Ito rin po pala yung project niyo" may inabot sakin na folder yung babae na nag assist sakin na assistant naman ni Kiroshi
Tumango ako rito "salamat"
Bumati naman ako sa ibang architect na kasama ko,at pinag usapan na namin yung mga dapat gawin
Sakto pagtapos namin pag gawa sa pagiging proposal namin nag lunch break na
"Tara Architect Salcedo sabay na tayo kumain" anyaya ng isang Architect na sa tanda ko ang pangalan Architect Lopez
"Sige susunod na lang ako may tatawag lang ako saglit" tumango naman ito at umalis na ito kasama ang isa pang Architect
Bago ayusin ang gamit ko kinuha ko muna ang cellphone ko para matawagan ang taga bantay ni Miracle para makamusta siya
Naka ilang ring ito bago sagutin
"Ay hello ma'am? Bakit po?" Sagot nito sa kabilang linya
"Ate Lisa pakausap naman po sa baby ko" narinig ko ang pagtawag nito sa anak ko
BINABASA MO ANG
His Wife
General FictionBata pa lang pinangarap ni Crisha Salcedo magkaroon ng masaya at kumpleto na pamilya na hindi niya naasam sa buhay nya, lumaki sa bahay ampunan simula iwan sya ng kanyang ina limang taon gulang pa laman sya at wala din sya kinikilalang ama. Kaya nam...