Too much Love~(Tagalog True Story)

77 0 0
                                    

"Move on na Pare"

"Ang bilis nyo kasi eh"

"Masyado  mo kasing minadali pre eh"

Ito ang karaniwang binabangit ng akong mga kabarkada sa aking kapag pilit kong ibinabalik ang nakaraan. Halos araw araw  inaalala ko pading padin ung mga nangyari noong.... Ako nga pla si Rob, hindi ko tunay na pangalan, 1st year college at minsan lng magmahal. Loyal, seryoso sa love, sweet, at higit sa lahat NGSB dahil gumaraduate ako sa isang catholic all boys school sa Bulacan noong highschool pa ako.

So dito nagsimula ang inaakala kong inspirasyon sa pagaaral at buhay ko......

.

.

.

.

First day ng College life ko noon bilang isang Information Technology sa isang state university sa Malolos,syempre sa umpisa medyo kinakabahan sa mga mangyayaei at kung ano ang mga gagawin sa first day ng college life ko, Napansin ko kaagad ang isang kaklase ko na may nickname na Cm, cute, mukhang mabait at higit sa lahat parang naging leader namin noong first week ng college ko.

First period namin ala kagad na dumating na prof haggang last subject, kahit pa ilang oras kaming nagiintay para magklase. Nakilala kong ang dalawa kong kaklase habang nagiintay kami ng prof namin, nagkasundosundo naman kaagad kami halos sa lahat ng bagay, sinabi ko rin sa kanila na crush ko kako ung maliit na kaklase namin na tinatawag naming president, dahil nga siya halos namamahala ng mga activities na pinagawa saamin noong first week.

Second day, sa wakas dumating na rin ung prof namin, kaso pinapasabi na next week na daw kami magkaklase kaya may pinagawa nalang ung prof namin, binigyan kami ng index card at doon namin nilagay ung mga information na pinalalagay samin, syempre ang kumuha ng binigay ni Ma'am na isang plastik ng index card ay si Cm,nagtanung sya kung sino pa daw ung walang index card sabi ko " ako , wala pa", umaga pa lng buo na araw ko sa kanya.

1 pm habang ng iintay ng prof sa programming, may inaabot samin ung iba naming mga kaklase at isulat daw ung name at mobile number, syempre ilalagay ko yun kahit ilang beses pa kahit paulit ulit kong isulat ung name at mobile number ko okay lng.

8 pm ng gabi, biglang tumunog ung cp ko syempre tinignan ko kgad kung sino ung nagtxt, number lng ang nakaregistered kaya tinanong ko kung si President Cm ba ito? Syempre medyo excited kahit medyo matagal magreply okay lng, 8:12 nagreply si Cm at sinabi na Oo daw, kahit medyo matagal magreply eh nagkatext kami haggang sa matulog.

Kinabukasan, Wednesday una nya kong na recognize at napansin din. Syempre unang pagkikita inaya nya kaming mga kabarkada ko para kumain sabay sabay noong lunch  time na . Sumama kami nung lunch break haggang sa kumain kami sabay sabay, nagkatinginan lang ako sa kanya at bigla kong sinabing ang ganda mo lalo sa personal.

Thursday ,sumami ulit ako sa kanila iniwan ko mga kabarkada ko para lng sumabay sa kanila kumain.  Pinakilala nya rin mga friends nya sa akin, nung una tahimik ako , nung mga bandang patapos na ah vacant namin nakikipagbiruan na rin narin ako sa kanila at syempre sa kanya.

Simula noong araw na un araw araw na kaming magkausap, humihiwalay nako sa kabarkada ko para makasabay ko lng siya kumain, naiiwanan ko na rin ung mga kabarkada ko  lagi para lang sumabay sa kanila. Lagi ko nang sinasabayan silang kumain at kung saan nila gusto. Nagtatampo narin sakin ang barkada dahil nga lagi ko na silang iniiwan halos tuwing break at kahit may klase eh hindi ko na sila nakakausap.

Saturday after ng klase pumunta kami ng Robinsons  mga 11am para gumala at manuod ng sine sana kaso alang magandang movie na mapapanod kay gumala, umakyat at bumaba kami mula  sa ground floor haggang fourth floor  at noong pauwi na bumili na lng kami mga makakain at umakyat sa food court sa fourth floor. N agkwentuhan haggang sa dumating sa kwentong love nung nagshare na si Cm ng sa lovelife nya nakwento nya sa akin na may nagiintay nga daw sa kanya kaya ayun parang naging sweet ako sa kanya dahil ang pagkakaalam ko hndi pa nanliligaw ung lalaki sa kanyan haggang sa tinanung nung isang kabarkada nya ang tungkol kay Rikki. Napaisip ako sino si Rikki? Ex ba nya un? Syempre una ko ung naisip at chill lang sa mangyayari haggang sa sinabi ni Cm na un nga daw okay lng daw sila at nagtanung pa ung isa nyang kaibigan kung nagiilove nga daw silang dalawa at sabay sago ni Cm na...... "Oo nag iilove you na kami sa isa't isa"........

Abangan ang susunod na Kabanata! :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Too much Love~(Tagalog True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon