CHAPTER 17 SHOULDER TO CRY ON

1.4K 94 29
                                    

***NIKKO***

Inihatid muna kami ni kuya sa hospital para tulungan ang nanay ko sa pagbabantay kay tita Ramona at saka siya umalis para asikasuhin ang trabaho niya sa school.

Nabanggit niyang magpafile muna siya ng leave para makapagconcentrate sa pag-aasikaso sa kaniyang mama.

Medyo kulang pa kami sa tulog dahil maaga kaming nagising.

Naikwento ko kay nanay ang nangyari kaninang umagang paghahanap kay Xeven at yung naabutan naming tumutugtog siya ng violin sa harap ng kama.

Maging si nanay ay naiyak sa kwento ko.

Hindi ako makapaniwala na parang isang eksena sa pelikula ang nangyari sa magkapatid.

Pinapahanga talaga ako ng alaga ko.

Kahit hindi ko siya kadugo,proud ako.

Nakakainggit ang isang kapatid na kagaya ni Xeven.

Maswerte si kuya Simyeon.

Samantalang ako wala.

Pagnawala na ang mga mahal ko sa buhay ako na lang pala mag-isa matitira.

Kaya lalong napamahal sa akin si Xeven.

Nagkaroon din ako ng pagkakataong masilip ang tita Ramona.

Kahit narito na sa ospital ay mas nakakaawa siyang tingnan dahil sa mga tubong nakapasok sa kaniyang bibig at ilong.

Iba ang kaniyang kulay. Hindi normal dahil sa paghina ng kaniyang atay.

Nilapitan ako ngnisang nurse at nagsabing kailangang makausap nila ang pamilya nito.

Kinabahan ako.

Doon sa labas kami kinausap ng doctor.

Nag-iiyak na ang nanay ng malaman niyang wala ng pag-asa ang tita Ramona.

Isa o dalawang araw na lang ang ilalagi nito.

Wala ng pag-asa at tanging makina na lang ang bumubuhay sa kaniya.

Hindi na pala nagpafunction ang kidney ng tita at kumalat na rin sa atay niya ang cancer cells.

Operahan man ay wala rin magandang resulta dahil mahina ang katawan ng pasyente dahil sa cancer.

Sa komplikasyon pala mawawala ang tita.

Napaupo ako dahil dama ko na ang mararamdaman ni kuya Simyeon oras na malaman niya ang masamang balita.

Napaiyak na ako sa awa sa batang nasa harapan ko.

Awa para sa kanilang tatlo.

Bakit ba nila nararanasan ang ganito?

Mabait naman si kuya,si tita Ramona,si Xeven.

Ganoon nga siguro?

Pagmabait ka,kinukuha ka na agad.

Ang sakit naman tanggapin kung paanong paraan kukunin ang tita...

Tiningnan ko si Xeven.

Sa kawalan siya nakatingin at hindi batid na mamaya, o bukas,o sa makalawa ay mauulila na talaga siya ng tuluyan sa magulang.

Naalala ko ang sinabi niya na kanina sa kaniyang kuya na "we'll be all right".

Parang mas nakahanda pa siyang tanggapin ang mga mangyayari sa kanilang ina.

Hindi ko pa sila kamag-anak pero apektado na ako. Paano pa kaya kung nauunawaan na ni Xeven ang lahat.

Lalo ako naiyak sa awa sa kaniya.

TAKING CARE OF XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon