"Andrew"
"Brent
"Buddy"
"Barbie"
"Carlo"
"Chad"
"Daren"
"Dianne"
"Edison"
"Edward"
"Finn"
"Gabriel"
"Gina"
"Harry"
"Harold"
"Jake"
"Jennylyn"
"Jasper"
"Katie"
"Katie??"
"KATIE!!!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pangalang Katie sa contact list ng iphone 6 ng boyfriend ko. Sino ba iyang Katie na iyan bakit hindi ko siya kilala? Wala namang nagngangalang KATIE sa circle of friends namin ah. Wala ring Katie sa section namin. Taga kabilang section kaya siya? Anong year level? Single or Taken? Pangit or Maganda? Bakit ba may number ang boyfriend ko sa kanya!
"Babe? Tapos ka na bang makitext?"
"Aye puwet ng kabayong malandi!" Muntik ko ng mahulog ang iphone dahil sa matinding pagkagulat. Nang-iangat ko ang aking paningin ay nakita ko ang ubod ng gwapo kong boyfriend na si Nigel. Nakatayo siya sa harapan ko ngayon na para bang isang model at ako iyong maswerting photographer na kukuha ng picture niya. Shet, sinalo niya ata lahat ng kagwapuhan sa mundo! Oh, Nigel ko...
"Okay ka lang ba, babe?"
"Ha?"
Ilang ulit kong kinurap kurap ang aking mga mata. Paano ba naman kasi ay natulala na naman ako sa kagwapuhan niya. Kahit na magkasintahan na kami ay may mga pagkakataon rin gaya ngayon na napapanganga parin ako sa tindi ng charisma ni Nigel. Iyong tipong kahit nakasuot lamang siya ng school uniform eh para siyang anime na kababaliwan mo. Kaya naman ang daming pa-epal sa love story namin!
Magdadalawang taon narin kaming magkasintahan at sa loob ng panahong iyon ay naging abala ako sa pagtanggal ng mga lintang gustong sipsipin ang boylet ko! Tsk! Ang hirap talaga kapag heartthrob ang kasintahan mo. Bukod doon captain ball pa siya sa basketball team, rank 1 sa klase at president ng student body organization! Oh ha! Siya na si Mr. Perfect.
"Babe, yohhhooo?" Kumaway kaway na si Nigel sa harapan ko.
"Ah, ano nga ulit iyon sinabi mo? Hehe."
"Okay ka lang ba babe?" Yumukod si Nigel kaya naging magkapantay na kami. Bumilis naman ang pagtibok ng puso ko dahil sa pagkakalapit ng mga mukha namin. Mabilis kong iniiwas ang aking paningin habang mahigpit kong hawak ang kanyang iphone 6."
"Ahh? Ou hahaha okay lang ako. Hi-hindi pa pala ako tapos maki-text. E-hehe" Pagsisinungaling ko sa kanya sabay kunwari pindot pindot sa screen ng cellphone para sabihing may ginagawa pa ako. Naku naman, Ni-nyerbos naman ako! Hindi niya dapat malaman ang ginagawa kong general inspection sa iphone niya. Ayaw kong magalit siya sa'kin. Huhuhu
"Ah okay, just let me know kung tapos kana kasi tatawagan ko si Mommy." Nakangiting sabi ni Nigel. Ghad, parang model lang siya ng toothpaste! Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa mapuputi at pantay pantay niyang mga ngipin. May imperfections din kaya 'tong lalaki ito?
"Umm, labas muna ako babe huh."
"Sige." Naka-smile na sabi ko. Nakahinga naman ako ng maluwag nang tuluyan ng makalabas ng classroom si Nigel. Wew, muntik na'ko dun ah! Pinasadahan ko muna ng tingin ang buong classroom, Check. Walang disturbo!
BINABASA MO ANG
Miss Selosa Meets Mr. Playboy (ONE-SHOT STORY)
Short Story"Should you change yourself for the one you love?" Copyrights ⓒ PlainVanillaGirl 2015. All rights reserved. Do not plagiarized.