#AGBGatKorea
ISIAH's POV
Nasa Palm Hotel kami, ang pagkakaalam ko ay ang mga Mondroadou ang nagmamay-ari nito. Napakagara naman ng hotel na 'to, subrang ganda.Habang inaayos ni Sir Sky ang magiging room namin ay naghaharutan kami ni Miyu. Ang totoo niyan, after ng victory party sa 'di malamang dahilan, ay parang biglang lumayo ang loob ni Victoria sa'kin. At madalas si Storm ang kasama niya, at halos do'n na siya dumidikit.
"Miss Isiah, ano pala ang balak mong gawin sa bakasyon natin? Alam ko balak nila Sir Sky na mag jeju island tayo." Tanong ni Miss Suzie sa akin.
Napapaisip ako, ano nga ba ang balak kong gawin? Seguro depende sa lugar o sitwasyon kung pano gaganapin ang mga plano, at isa pa sa mga gumugulo sa isip ko, ano ba ang jeju island at ano ang meron dun?
"Baket po Miss Isiah? May problema ba?" Tanong sa'kin ni Miss Suzie.
"Ah wala po, pero ano po ba ang mayro'n sa Jeju Island na 'yan po?"
Napangiti si Miss Suzie nang marinig ang sinabi ko.
"Ah, kung sa Pilipinas po, 'yon po ang pinaka boracay ng Korea. Kaya more on beach po at pasyalan talaga, sikat po 'yan dito sa Korea." Paliwanag ni Miss Suzie.
Napangiti naman ako, ngayon pa lang parang na i-imagine ko na kung anong mga events ang gagawin ko sa lugar na 'yon, at susulitin ko ang mga araw namin dito.
"Miss Suzie, Isiah, do'n muna ako kay oppa Seven ha."
Pagpaalam samin ni Miyu na 'di man lang inantay ang sagot ko. Sinundan ko na lamang siya ng tingin nang magawi ang tingin ko kay Storm na nakatingin pala sakin at si victoria naman mataray na nakatingin sa'kin. Nabigla na lang ako sa pag-iiba ng ugali ng babae na 'yan.
Pasalamat ka nga at sinama kita dito although alam ko na malayo na ang loob mo sa'kin... Para iwasan ang mga tingin nilang dalawa ay binaling ko ang tingin ko kay Sir Sky na busy sa pakikipag-usap sa front desk.
Napangiti ako at binaling ang tingin kay Miss Suzie, at pangiti akong humarap sa kanya na ikinagulat din niya pero napangiti na rin siya.
"Ah Miss Suzie may lovelife na po ba kayo?"
Nabigla man ay napangiti pa rin si Miss Suzie sa tanong ko, inayos muna niya ang buhok ko. Napansin kong napatingin siya kay Sir Sky na ikinalingon ko din pero binalik ko din agad ang tingin ko sa kanya.
"Actually Miss Isiah, no'ng 'di pa ako nag tatrabaho kay Sir, nasaktan na ako ng dalawang beses."
Hmm? Sa ganda ni Miss Suzie nasasaktan pa din pala siya? Kahit masasabi mong perfect na ang ganda niya. Ngayon ko lang na isip na 'di pala lahat ng mala dyosang kagandahan ay may happy ending.
"Kayo po?" Gulat kong tanong sa kanya. "Baket po? Maganda ka naman."
Napangiti muna siya bago napabuntong hininga.
" 'Di totoo 'yan Miss Isiah, kasi kung maganda ako ba't nila ako iniiwan 'di po ba?" May lungkot niyang wika.
"Kaya po ba 'di ka na nagmahal ulit? Sa napakahabang panahon?"
Tumango lamang siya at napangiti, 'di na ako nagtanong pa ulit, kasi ano naman ang alam ko sa pag-ibig kong ako mismo 'di ko alam kung pano masaktan. Sabi kasi nila, 'di mo malalaman ang tunay na pag-ibig kong 'di mo masubukang masaktan.
"Actually po, nagmahal na ako ulit, pero tingin ko 'di ko siya dapat mahalin." Aniyang may ngiti.
'Di dapat mahalin? Ano kaya ang ibig sabihin ni Miss Suzie? Nahuli ko siyang nakatingin kay Sir Sky, kaya napaisip ako, nilingon ko din ang taong tinititigan niya.
"Mahal mo po ba si Sir Sky?"
Napatingin sa'kin si Miss Suzie na may pagkabigla. Halatang gulat na may tanong sa isip niya kung pano ko nalaman.
"P-po? A-ano po ang ibig mong sabihin Miss Isiah?"
Sasagot na sana ako nang tawagin siya ni Sir Sky, kaya nagpaalam muna siya sa'kin at pinuntahan si Sir. Tama nga hinala ko, mahal ni Miss Suzie si Sir Sky.
Nang lingunin ko ulit si Victoria at Storm, nakita kong naka sandal ang ulo ni Victoria sa balikat ni Storm na naka pikit. Hawak ni Storm ang kamay ni Victoria, take note naka cross finger. Parang kung may anong gumuhit sa puso ko, inalis ko ang tingin ko at tumalikod na lang ako nang biglang parang kumirot ang puso ko.
Sinapo ko ang dibdib ko, baket ganito ang nararamdaman ko? may masakit sa dibdib ko, nasasaktan ba ako? Pero 'di ko dapat maramdaman 'to. Pinikit ko ang mga mata ko sa kirot na nararamdaman ko.
Sa kalagitnaan ng sakit na nararamdaman ko ay tinawag ako ni Steven, napabuntong hininga muna ako at tumayo nang salabungin niya ako.
"Control your emotion okey." Aniya
Napatango ako, inakay niya ako papalapit kila Sir Sky dahil feeling ko 'di ako makahinga sa nararamdaman ko. Paglapit namin ay nagising na si Victoria pero nanatiling magkahawak kamay sila ni Storm. Seguro napansin ni Seven ang pamumutla ko kaya lumapit siya sa'kin at tinanong ako kung okey lang ako, tango lang ang sinagot ko sa kanya.
"Isiah are you alright?" Tanong ni Sir Sky pagkalapit ko.
"Y-yes sir." Maiksing sagot ko.
Pinaliwanag ni Sir Sky ang magiging kwarto namin at kung sino ang makakasama namin, ang kasama ko sa kwarto ay si Miyu, at si Miss Suzie at Victoria naman magkasama. Habang si Seven at Steven naman magkasama sa room. Since ayaw ni storm na may kasama sa kwarto, nagsolo siya ng kwarto. Si Sir Sky at Mister Kim naman magkasama.
Kanya-kanyang punta na kami sa kwarto namin. Since magkatapat lang kwarto namin nina Steven ay hinatid muna nila kami ni Miyu sa kwarto namin, at si storm naman hinatid si Victoria.
"Okay na ba kayo dito?"
Tanong ni Steven sa'kin while si Seven ay pumasok na sa kwarto nila. Gano'n din si Storm pumasok na sa kwarto niya matapos ihatid sa pinto si Victoria. Napansin ni Steven na lumungkot ako kaya hinawakan niya ako sa ulo ko, tiningnan muna niya si Miyu na busy sa ginagawang pag-aayos.
"I told you to control your emotion, magpahinga ka na at maaga tayong aalis bukas."
Napatango lang ako at pumasok na rin sa kwarto ko para magpahinga at maaga nanaman kaming aalis papuntang Jeju Island, balita ko may vacation house sila do'n.
Kaysa naman mag-isip ako ng kung ano-ano ay mas mabuti pang ituon ko na lang muna ang isip ko sa mga gagawin namin sa Jeju para m-enjoy namin ang bakasyon namin. 'Di ko muna iisipin 'tong nararamdaman ko.
------
Hello everyone, thank you po for waiting another update,
Ano kaya ang mararamdaman ni isiah sa pagbabagong bigla ni victoria?
At pano niya lalabanan ang emotion niya na di mahalata ni storm ang nararamdaman niya.

BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romansa"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...