#day1atJeju
ISIAH's POV
Dahil tulog pa si Miyu nauna akong lumabas. Napakatahimik ng dagat, since private ito ay kami lang ang tao dito. Pero sa kabilang dako madaming naliligo, nag-aagaw na ang dilim at liwanag, sa tsansa ko mag-a-alas 6 na.
Matagal akong naglibot, mayro'n pang namulot ako ng starfish, pero binabalik ko agad kasi dilikado para sa kanila ang malayo sa tubig. Nilalaro ng paa ko ang alon ng dagat, napakaganda ng dagat lalo na ang hangin dito. 'Yung ilaw ng palubog na araw na nagsasalamin sa linaw ng tubig.
"Napakaganda ng likha ng Diyos."
Mayroon pang napapapikit ako't nilalanghap ko ang sariwa ng hangin na nanggagaling sa hilaga. Napakasariwa, wala kang ibang maaamoy kundi ang alat ng dagat.
Sana naging serina ako, para kaya kong sisirin ang lalim ng dagat, at makita ko kung ano mayro'n sa pusod nito. Sabi nga nila makikita mo ang perlas sa puso ng dagat... Pero kung may puso ang dagat nagmamahal at nasasaktan din ba sila?
Sa kabilang dako may nakikita akong mag nobyo na naglalambingan sa isa't isa, napapatingin ako sa kanila kasi ang saya-saya nila.
May iba-ibang mukha talaga ang pag-ibig, dahil may kanya-kanya silang anyo. Pagka ang dalawang taong nagmamahalan at kapwa nila napapangiti ang isa't isa ay masasabi mong wagas ang nararamdaman nila. At mayro'n ding pag-ibig na isa lang ang nagmamahal, minsan nasasaktan pa.
Napapapikit ako sa iba-ibang tao na nakikita ko sa imahinasyon ko.
Sa slambook natin kapag nag papa sign ka, may nilalagay na defined love, pero ang totoo wala naman talagang defination ang love. No one can define love, kasi if you can define it, it's not love.. Kasi ang love walang kahit anong bagay o salita ang pwedeng i-tumbas, like when you love people without any reason.
Sabi nga 'di mo malalaman pa'no magmahal kung 'di ka nasasaktan, ibig ba sabihin niyan kailangan mo muna masaktan bago ka matutong magmahal? Ani ko tawa ng bahagya Kalokohan 'di ba?
"Baka naman matunaw ang dalawang 'yan kaka titig mo? Naiinggit ka ba? Nasa'n pala ang finacé mo?"
Nagulat ako sa boses na narinig ko, kasi kahit 'di ko siya lingunin alam ko kung sino siya, kilalang-kilala ko ang boses na 'yon, and those voices always make my heart beat too fast.
"Nagyabang ka pa na limang language alam mo? Pasikat?"
'Yan naman kilala ko din, masaya nga ako walang mga maldeta sa buhay ko, pero parang may pumalit pa. Nilingon ko silang dalawa, magkasama ang nagkakahawaan ng ugali.
"Ano ba ang problema n'yong dalawa? Nagpunta lang ba kayo dito para asarin ako?" Ani ko sa kanila.
'Di pa man ako nakakabwelo dumating na agad ang mga saklolo ko, si Steven, si Seven at Miyu na naka pang swimming na.
"Hun dito ka lang pala, oh ba't 'di kapa nakapang swimming?"
'Di na ako nagsalita pa nang si Miyu tumakbo na papunta sa dagat at naglalangoy na.
"Ang smart pala ng Fiancée mo... Five laguage ang alam." Nakakalokong wika ni Victoria.
"Paano kung five nga? Baka higit pa nga sa five." Pagmamayabang ni Steven.

BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romance"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...