GLYZEL’S POV
“Tagal naman ni Avery! Isang oras na siyang wala oh! Susunod pa ba ‘yun?” naiinis na sinabi ni Sam sabay tingin sa relo niya at ginulo ang buhok niya .
“Chill lang Sam. Antayin na lang natin siya, baka maya-maya dumating na din yun. Alam mo naman yung si Avery diba, kung mag-aral, lubus-lubusan.” sagot ni Coleen
“Paano dadating ‘yun eh hindi nga niya alam kung nasaang lupalop tayo ng mall.” sabi ni Sam na medyo tumataas na ang boses. Magsasalita pa sana si Sam nang biglang tumunog ang cellphone nito.
“Si Avery, nag-text papunta na daw siya.” sabi ni Sam habang nagta-type sa cellphone niya. “Eh di replyan mo na! Atat na atat ka kanina diba?” pang-aasar ko kay Sam.
“Eh ano ba ‘tong ginagawa ko?” naka-taas ang isang kilay ni Sam habang sinasabi iyan.
“Okay okay, sorry na. Eto naman. Nagjo-joke lang eh.” sabi ko habang naka-taas ng kamay na parang sumusurender.
“Ayan! Sinabi ko kay Avery na nandito tayo sa KFC.” sabi ni Sam habang nilalagay ang cellphone niya sa bag niya.
“Oh tara na hanap na tayo ng upuan. Baka maubusan pa tayo eh.” sabi ko kila Sam sabay lakad. Naka-hanap kami ng pwesto na parang kutson ang upuan. Si Sam ang kaharap ko at katabi niya si Coleen para katabi ko daw si Avery dahil baka masabunutan niya ng wala sa oras. Baliw talaga itong babaeng ito.
“Oh ayan na pala si Avery eh.” sabi ni Sam sabay turo kay Avery na nasa pintuan ng KFC.
“AVERY! DITO!” sigaw ni Sam sabay tayo at wagayway ng kamay niya kaya naman pinagtinginan siya ng mga tao. Kami naman ni Coleen pinipigilan naming tumawa. “Ayy.. Sorry po” nahihiyang sabi ni Sam sabay upo at tungo sa lamesa.
“Ikaw kasi eh, bakit kailangan mo pang sumigaw? Eh pwede ka naming kumaway na lang.”sabi ni Coleen kay Sam habang nagpipigil ng tawa niya.
“Ano Sam? Keri mo pa” sabi ni Avery sabay upo sa tabi ko. Tinaas ni Sam ang ulo niya at tinaasan ng kilay si Avery.
“Hoy ikaw bruha ka! Anong oras na?! Tinadtad mo nanaman ang sarili mo sa pag-aaral.” sumbat ni Sam habang naka-cross arms at naka-taas ng kilay.
“Sorry na nga eh! Na-carried away lang ako sa pag-aaral. Hindi ko namalayan ang oras.” sabi ni Avery na naka-taas ang mga kamay na parang sumusuko na.
“Okay Fine! Um-order na tayo. Nagugutom na ako.” sabi ni Sam habang naka-tingin sa counter.
“Osige! Kami na lang ni Glyzel ng bibili libre ko na bilang pag-sorry.” sabi ni Avery sabay hatak sa akin papuntang counter. Alam naman namin ang gusto ng bawat isa eh kaya hindi na namin tinanong sila Sam. Medyo mahaba din ang pila, tumingin ako sa table namin kung nasaan sila Sam at nakita ko na nagse-selfie pa ang dalawa. Hayy nako.. Nagpapaka-hirap kami sa pagpila samantalang sila puro selfie lang “Avery, tignan mo yung dalawa oh.” sabi ko kay Avery saba turo kila Sam.
“Hayaan mo na. Alam mo naman yung dalawang ‘yan, mga mahilig mag-selfie tapos hindi naman shine-share lahat sa FB o kaya Instagram.” sabi ni Avery. Lumingon ulit ako kil Sam at nakita ko na ay dalawang lalaki na lalapit sa table namin. Pupuntahan ko sana sila pero pinigilan ako ni Avery.
“Hayaan mo sila. Kaya na ni Sam yang mga yan, walang laban kay Sam yan” sabi ni Avery sabay bitaw sa braso ko. Eh kasi naman maganda kaming lahat noh.. Tinignan at pinanood ko na lang sila Sam habang naka-pila pa kami. Dalawa pa ang nasa harap namin at ang babagal ng mga clerk.
SAM’S POV
“Ang pangit naman niyan Sam! Isa pa bilis!” sabi ni Coleen.
“Shut Up will you?! Hinaan mo nga ‘yang boses mo. Oo na oo na.” sabi ko at tinapat na ang cellphone ko sa amin.
BINABASA MO ANG
The Prom Bet[ON HOLD]
Novela JuvenilMakakaya mo bang magpa-inlove within a month sa isang taong isang araw at gabi mo lang nakasama? Dahil lang sa isang bet gagawin mo ba lahat ng ito? Ano ang gagawin mo kapag na-inlove ka na sa kaniya? Pero hindi kayo magkakasama dahil ang kalaban ni...