EPISODE 4 PART 6-BEACH

42 0 0
                                    

#atthebeach

ISIAH's POV

Maaga pa lang namili na kami nang lulutuin namin para sa Beach party. Habang ang mga katulong ay abala sa paghahanda, kami din ni Miyu ay abala sa pag-aayos ng paglalagyan namin ng pagkain sa labas.

"Lei."

Napalingon naman ako nang tawagin ako ni Miyu, pero nanatiling nakatingin siya sa gawi nila Storm at Victoria na naglalaro sa buhanginan.

"Ano palang nangyari kay Victoria at bigla na lang sumungit?"

Tanong niya na sa gawi pa rin ng dalawa nakatingin. Napatingin muna ako ulit kina Storm at Victoria. Napabuntong hininga muna ako bago bumalik ang tingin kay Miyu.

" 'Di ko rin alam, nagulat na lang din ako sa kanya eh. Pero no'ng nakausap ko siya, sinabi daw ni Storm na iwasan na tayo." Sagot ko naman kay Miyu na ikinagulat at ikinataas ng kilay niya.

"Talaga? at naniwala ka naman? Sa tingin mo sasabihin talaga ni Young Master Storm 'yon?" Aniya sabay irap.

"Malay mo." Wika ko naman na sinamahan ko pa ng isang buntong hininga. "Eh nagkakahawaan na nga 'yang dalawa na 'yan eh."

Maya lang napansin naming paparating si Seven dala-dala ang mga barbeque na ginawa nila ni Miyu kanina.

"Miyu, Isiah, heto na 'yong barbeque oh, pinakuha ko na kay Steven ang pang grill." Aniya

Napatango lang ako at kinuha naman ni Miyu ang dalang mga tupperware ni Seven, at naging abala sila sa pag-aayos.

Nang mayamaya lang ay magkasamang dumating si Steven at Mr. Kim dala-dala ang paglulutuan ng barbeque.

"Miyu ayan na ang pag lulutuan ng barbeque." Wika ko kay Miyu habang nakatingin sa paparating na si Steven at Mr. Kim.

Nilapag naman ni Mr. Kim ang pag gi-grillan ng barbeque, at sinimulan na ni Miyu na painitin to. Samantalang ako busy ako kakatimpla ng iba pa naming lulutuin.

"Seven can you help Isiah?" Pakiusap ni Steven sa kapatid.

"Sure." Maiksing saad naman ni Seven.

At tinulungan nga ako ni Seven sa mga ginagawa ko. Habang abala kaming lahat dumating na si Miss Suzie at Sir Sky dala ang iba pang mga gulay at inumin na gagamitin namin sa Korean barbeque namin.

"Miseuteo Kim bagjwi, neo ajigdo jeongsig-iya? jigeum os ib-eo."
(Mr. Kim ba't naka-formal ka pa? Magbihis ka na ng pang-swimming)

Tanong ni Sir Sky kay Mr. Kim. Napatingin naman kami lahat kay Mr. Kim, at oo nga nakapang formal wear nga ito.


"Oo nga Mr. Kim, 'wag kang kj ngayon." Wika kong nakangiti sa kanya. "Lahat tayo susulitin natin ang bakasyon natin." Dugtong ko pa.

"Pero po Y-young Mas---" 'di niya natapos ang sasabihin dahil agad na pinutol ni Sir Sky ang sasabihin niya sana.

Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon