6. Hangga't may natututunan

65 6 0
                                    

Susugal ako hanggang sa abot ng aking makakaya,
Magmamahal hanggat may maibibigay pa
Kakapit hangga't may nakikitang pag-asa
Magmamahal para malaman ang tama
Kung paano ang tamang paraan para magpasaya
At paanong lumaban kahit pagod na

Magmamahal ako upang hanapin ang aking halaga
At matagpuan ang lalaking higit iyong makikita
Magmamahal ako ng walang pagkukumpara
Ngunit bibitaw rin kapag ikaw na ang 'di masaya
Mamahalin kita ng walang reserba
Ngunit magpapalaya kapag ikaw na ang magsawa

Ito ang paraang aking nakikita
Upang sa pag-ibig ay maging bihasa
Nang sa ganon sa pagdating ng tamang tao ay handa na,
At batid na kung paano mo kakailanganin sa sandaling ako sa'yo'y mawala
Hindi ako maduduwag sa pagsuong
Dahil ang pag-ibig sadyang nakalululong
Ngunit hangga't may isang ikaw na naghihintay sa aking atensyon,
darating ako at iipunin ang bawat leksyon

Kaya kung manatili ka ay salamat
Kung lilisan din, bago sana ay iyong mahanap
Babaunin ko ang bawat aral at sa tamang panahon ako ay magiging sapat
Dahil hanggat may natututunan ay hindi ako matatakot magmahal
Hanggat may napapasaya'y patuloy akong susugal
At balang-araw gagamitin ko ang mga aral na ito para sa taong huli sa'king magmamahal.

100 TULA: Sa Panauhin ni KupidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon