22

134 6 1
                                    

Crunch:

Bakit ka agad umalis kanina nung nakita mo ako?


Crunch:

I'm so sorry, Arnold.


Crunch:

Ah, alam ko na. Nagulat ka siguro. Nagulat ka sa akin.


Crunch:

Sorry kung nagulat ka. Sorry kung hindi ako nagpakilala simula palang. Sorry kung hindi ko sinabi na ako si Coleen. Ang Coco mo.


Crunch:

Alam ko namang matalino ka kasi mapapansin mo agad kung sino ako. Bukod sa favorite chocolate mo ang Crunch, kaya Crunch yung ginamit kong codename kasi maaalala mo ako dahil tinatawag mo akong Coco.


Crunch:

Coco Crunch. Naalala mo ba? Ikaw lang tumatawag sa akin n'on. Ang special sa akin nun.


Crunch:

Ito na naman tayo. Nasasaktan ako tuwing ganito ka.


Crunch:

Please naman.


Crunch:

Ayoko nang hindi mo ako pinapansin, Arnold.


Crunch:

Arnold naman. Arnold?


Crunch:

Arnold... Text me back.


Crunch:

Please? Kahit dot lang.


Ako:

Burahin mo na number ko sa cellphone mo. Buburahin ko rin number mo sa cellphone ko.


Crunch:

Wag ka namang ganyan, o. Kahit na burahin mo number ko, hindi ko buburahin number mo. Ayoko.


Crunch:

Arnold, ayoko. Please.


Ako:

Niloko mo ako, Coleen.


Crunch:

Alam ko. Sorry na.


Ako:

Tangina, halos mabaliw na ako kakaisip kung sino ka.


Crunch:

Wag kang magmura. Please. Sorry na.


Ako:

Coco!!


Crunch:

Bakit Arnold? Sorry na please.


Ako:

Tangina. Pinagtripan mo lang ba ako?


Crunch:

Hindi. Hindi kita pinagtripan o pinagtitripan. Believe me.


Ako:

Wag mo na ako itext.


Crunch:

Ayoko.


Ako:

Ang tigas talaga ng ulo mo!


Crunch:

Alam ko.


Ako:

Bahala ka.


Ako:

Ang kulit mo!


Crunch:

Ieexplain ko.


Ako:

No need.


Crunch:

Arnold naman, e!


Ako:

H'wag kang mag-inarte jan. Akala mo naman tayo. Kayo kaya ni Neil! Umayos ka nga.


Ako:

Siya pala yung sinasabi mo. Hindi ka na nakuntento kay Neil. Pinagtripan mo pa ako. Sabi mo ka-MU lang, ayun pala boyfriend. Tapos si Neil pa!


Ako:

Tropa ko si Neil na boyfriend mo! Paano mo nagawa ito? Paano mo siya napapayag na man-2 time ha? Grabe ka.


Ako:

Sinungaling ka.


Ako:

Tangina talaga.


Crunch:

Makikilala mo nga kasi ako kapag sinabi ko. Baka iwasan mo rin ako.


Crunch:

Sorry.


Ako:

Huwag mo na akong itetext. Pakiusap lang.


Crunch:

Pero arnold.


Ako:

Nakikiusap ako. Itigil na natin 'to.


Crunch:

Ang ano?


Ako:

Itong pagtetext.


Crunch:

Hindi ko kaya.


Crunch:

Arnold, please. Hindi ko kaya.

Arnold & Crunch (Ineedit ng bonggang-bongga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon