♥ Six ♥

52 2 2
                                    

 Isang hakbang, isang tao ang pwedeng mawala.

 Pagkabalik ko ng table namin, wala si Kendra. Tamang tama. Napatigil naman sa paginom si Jude at tumitig sakin na para bang takot na takot. Tss. Anong arte to? "Tara, sa labas tayo mag-usap." aya ko dito. Pagkalabas namin, hinarap ko agad 'to at tinanong.. "Seryoso ka? Mahal mo kapatid ko? Kailan ka pa natuto gumamit ng salitang 'yon?" 

"Sobra. Tol--" 

"Wag mo ko matawag niyan." warning ko sa kanya.

Tumayo ito ng diretso at tsaka nagsalita. "Kellan.. alam mong gusto ko si Kendra, una pa lang--"

"At sinabihan din kita una pa lang na wag mong ituloy kung anong balak mo." sabi ko dito.

"Kellan, mahirap yang sinasabi mo. Palibhasa kasi hindi mo pa nararanasan maging ganito."

"Sigurado ka Jude? Ha? sigurado ka sa sinabi mo?" napaubo naman ito pati na din si Luc na nasa tabi ko lang na handang pumagitna in case na may magawa akong hindi ko gusto. Jude.. Nakakalimutan niya na ba ang nangyari sakin noong college kami? tss.

"Tol--Kellan. Hindi ko alam gagawin ko para mapapayag ka. Alam kong sira na pagkakaibigan natin pero pakinggan mo muna kami ni Kendra. Mahal na mahal ko kapatid mo. Sobra. Una pa lang nakita ko--"

"Stop. 'Wag mong ituloy yang linya mo na ginagamit mo sa mga taong naloloko mo. 'Yang mukha mong maamo, wala ng bisa sakin yan. Pag may tinataguan kang babae, sa bahay kita pinatitigil. Alam ko na ibig sabihin niyan. Hanggang kailan mo ba balak paglaruan si Kendra? Gagamitin mo din ba one week rule mo sa mga babae sa kanya? t*ngina, gawin mo lang yun alam mo na kung anong mangyayari sayo." sunod sunod kong sabi. Napatigil lang ako ng marinig kong magsalita si Kendra na nasa likod ko na ngayon..

"Kuya.." lumingon ako sa likod ko. Si Kendra.. sa tono pa lang ng pagsabi niya nun, hindi ko maiwasan manglambot. Bakit si Jude pa? 

"Ito ba gusto mo? Ha Kendra? Ito ba?" Tanong ko sa kapatid ko.

"Sobra." Sagot nito. Ano bang meron ang salitang 'sobra' at parehas pa silang ganito sagot. Mukhang nagpractice lang ah. Pero ano bang gagawin ko sa kanila? Una pa lang naisip kong hindi ito magiging problema sakin dahil alam kong hindi ako tataluhin ni Jude. Kaya lang, ano ngayon..

"Ok." sabi ko na lang bigla. Ibig sabihin lang nito, pumayag ako at payag na din akong isa sa kanila ay mawala na din sakin ng tuluyan pag dumating ang oras.

"Kuya??"

"Kellan?"

"Dre?" sabay sabay nilang sabi. Masyado bang nakakagulat? ni ako din nagulat sa sinabi ko. Pumagitna na si Luc. Akala niya siguro ay susuntukin ko si Jude. Kahit papaano nakontrol ko ang mga kamao kong dumapo sa mukha ni Jude, para kay Kendra. "Gusto niyo 'to di ba? So.. ok."

"Salamat Kell--" lalapit sana sakin si Jude..

"Pero.. Kalimutan niyo ng kapatid at kaibigan niyo ako." Alam ko isang paghakbang ko, isang tao din ang mawawala anytime. Pumayag na ako.. ano pa nga bang magagawa ko? Naglakad na ako papunta kung saan nakapark sasakyan ko. "Luc, ano sasabay ka ba?" sumunod na lang ito at wala na akong narinig na nagsalita sa kanila.

***

 Habang nasa byahe ako.. biglang nagflash back sakin 'yung mga panahong magkakasama kami ni Luc, Jude at Kendra. Bigla akong nagsisi dahil sa pagpayag ko. Ibig sabihin din kasi nun, hinayaan kong masaktan ang kapatid ko.. sa ngayon hindi pa pero dadating ang araw iiyak siya sa harap ko at sasabihing tama ako. Hindi sa wala akong tiwala kay Jude, magkasama na kami nyan ng halos 12 years. Mabait si Jude, oo aminado ako pero pagdating sa mga babae, hindi. Sana nga mali ang iniisip ko. At sana nga din totoo sinasabi niya sakin.

"Dre.. totoo ba talaga 'yung sinabi mo? 'yung 'kalimutan' part." tanong ni Luc habang naglilipat siya ng stasyon ng radyo. Hindi na lang ako umimik. Hindi na din ito nagsalita pa. Paikot-ikot ang utak ko. Pero isa na lang ang ikakasiguro ko sa sarili ko.. 'Bahala na si God.'

Hinatid ko na lang si Luc sa bahay niya.. sabi ko kung bigla uli siyang palayasin ni Diane, nasa kanto lang ako ng subdivision nila. Nagantay ako ng ilang minuto ng magtext si Luc na ok na daw kaya umalis na ako. 

Habang nasa daan ako, nakakita ako ng isang bar. Naisipan kong pumunta na muna dun dahil gusto ko muna isipin lahat at tsaka umuwi para makatulog ako ng ayos. Ayokong hihiga sa kama ko tapos tsaka magpapaikot-ikot mga iniisip ko sa buhay. Gusto ko pag higa ko, tulog.

Iniisip ko.. sa dami kasi talaga ng pwedeng maging karelasyon ni Kendra, si Jude pa. Paano na lang kung maghiwalay sila? pwedeng parehas silang mawala sakin. Hindi ba nila naiintindihan 'yon? Kaya lang naman ako nagkakaganito dahil ayokong may mawala sa kanila ni isa. Ayoko.

"boss.. gusto mo babae?" tanong ng matandang lalaki. May itinuro naman siya sakin, pagtingin ko akala ko nakakita ako ng multong bakla. Tsk. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ako o hahambalusin kong 'tong lalaki sa harap ko. Haay buhay..

  Alas dos na ng madaling araw ng maisipan kong umuwi na. Hindi ko na nagugustuhan mga tao sa bar. Masyadong maiingay ang mga lasing doon, yung iba naman ay nagwawala na. Gusto ko sana maguwi ng chix (pero hindi 'yung itinuro ng lalaki..) ngayon pero baka hindi ko din maenjoy kaya diresto uwi na ako. Matapos kong ipark sasakyan ko, sumakay na ako ng elevator. Para bang hinihila na ako ng kama ko. Pagdating ko sa unit, nagpahinga lang ako saglit at naligo din. Pagkatapos kong maligo, nagisip pa ako kung magtetext ba ako kay Kendra ng magingat siya pauwi o hindi.. pero napagdesisyonan kong wag na. Humiga na lang ako at pinatay ko na mga ilaw.

Humikab na ako at papikit na.. pipikit na lang sana ako. Konting konti na lang eh biglang may kumatok sa pinto ko. Alas tres kwatro na ng umaga, may kumatok pa. Kung sino man 'to masasapak ko. Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako kasi security guard ng condo nasa harap ko ngayon at may hawak na HT (handheld transceivers) at tila may kausap na isa pang guard na sa parking area nakapwesto.

"Uhm.. anong kailangan mo?"

"Sorry po Mr. Munoz, kailangan niyo pong pumunta sa sasakyan niyo ngayon."

"Bakit? Anong nangyari sa sasakyan ko?" kinabahan ako. Hummer H3T sasakyan ko, mainit sa mata kaya posibleng nanakawan o kaya naman nabangga. Wag naman sana.

"Sir. Wag po kayo magalala, ok lang po sasakyan mo." buti naman pero..

"Eh bakit nga?"

"Sir.. puntahan niyo na lang po. May naiwan po kayo sa sasakyan nyo."  May naiwan ako? tsaka ano naman kung may maiwan ako? eh sasakyan ko naman 'yun.

May naiwan nga ba ako?

Miracle on Table No. 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon