Matapos ang School Gala ay sinubukan kong ituon ang buong atensyon ko kay Kyle.
Alam ko kasing mas mahihirapan akong nakamove on kung palagi kong naiisip si Rein. At ayokong maging unfair kay Kyle, umaasa sya sakin at pinipilit nyang mahulog ako sa kanya pero hindi ko rin tinutulungan ang sarili ko na mahalin sya.
Naglalakad ako sa corridor papunta sa klase ko ng makita ko si Rein sa kabilang dulo ng corridor.
Hindi ko alam kung sinasadya na ba ng tadhana na palagi kaming nag k-krus, pero mas madalas na talaga kaming magkrus ngayon.
Lumihis agad ako ng daan na palagi ko namang ginagawa kapag naglalandas kaming dalawa. Nagmadali na akong tumakbo dahil male-late na ako. Mas mahaba kasi yung dinaanan ko eh.
"Aray!"
Dahil sa kakamadali ay nabunggo ako bigla. Nahulog tuloy yung mga librong hawak ko sa sahig.
"Fudge! Bakit kasi hindi ka tumitingin sa daan?!" inis na sabi ko at pinulot ang mga libro ko.
"You're not watching your way too"
Napatigil ako at biglang napaangat ang tingin ng marinig ko ang boses ni Rein.
"Aray!/Ouch!" Pareho kaming napahawak sa noo namin dahil nagkauntugan pa kaming dalawa ng i-angat ko ang tingin ko.
Nagkatinginan kaming dalawa pero umiwas agad ako at nagmadaling kunin ang mga libro ko. Tinulungan naman nya ako sa pagpulot at inabot sakin ang iba.
"Here.."
Napatingin ako sa kanya, tumibok na naman ng mabilis ang puso ko kaya medyo nagpanic ako.
Ruan, you need to retreat!
"S..salamat!" Agad kong hinablot yung libro at nilagpasan sya pero nagulat ako ng hilahin nya ako ulit at pinunasan ang mukha ko ng panyo nya.
"May dumi ka sa mukha"saad nya.
I feel electricity as he touch my face, naramdaman kong bigla akong namula kaya napatago agad ako ng mukha.
"I..I can do it!" Awkward kong sabi at pinunasan ang mukha ko. Pero ang totoo, tinatago ko lang talaga ang pag b-blush ko.
Argh! Bakit kasi ang bilis kong kiligin pagdating sa kanya?!
Napansin ko ang pagkagat nya ng labi, like he's trying to stop himself from smiling. Pinilit kong mag sungit at samaan sya ng tingin para hindi nya ako mahalata.
"A..aalis na nga ako!"sabi ko at tuluyan ng umalis.
Nang makalagpas ako ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapangiti pero ng marealize ko yun ay binatukan ko ang sarili ko.
"Isipin mo nga si Kyle, Ruan!!"sabi ko sa sarili ko. "Iwasan mo si Rein! Psh!"sabi ko pa.
Pumasok na ako sa room ko kahit medyo na-late ako, buong klase ay lutang na naman ako. Ewan ko ba, ang dami kong iniisip na kung ano ano—including Rein.
Nang mag dismiss ay inayos ko agad ang bag ko. Siguradong susunduin kasi ako ulit ni Kyle ngayon.
"Jett! Pwede ba tayong mag usap?"
Napatingin ako kay Min ng lapitan sya si Jett. Ang seryoso ni Min.
"Sure.. ngayon na ba?"saad ni Jett.
"Sa garden, hihintayin kita"saad ni Min at umalis na agad.
Napakunot naman si Jett dahil medyo nawiwirdohan sya sa kilos ni Min. Pero sinundan nya si Min at lumabas na.
Oh my... ngayon na kaya nya sasabihin?
Paglabas ko ng room ay bumungad agad sakin si Kyle. Nakangiti na naman sya as usual.
BINABASA MO ANG
✔The Playboy S.A
Teen FictionRein Lucas Anderson is a handsome and hot chick-magnet playboy on their campus. Girls like him a lot; they would even throw themselves on him even without him doing anything, but things got twisted when a student assistant named Ruan Lacsa entered h...