Chapter 20: Who Are You?

16 0 0
                                    

(A/N: Si Chase Azerkyle po ang nasa media...Happy reading!)

Xian' POV

"Tris...I need to go. Pasensya na talaga, something came up at-----" Pinatigil niya ako sa pagsasalita.

"Okay lang, Xie. Pero, next time, ah? Bonding tayo." Pag-iintindi niya.

"Sure! No prob. Sige na, I need to go." Sabi ko at lumabas na ng mansion. Mabilisan kong pinaandar ang kotse ko papunta sa airport.

Pagdating ko dun ay agad akong sinalubong ng butler ko. Binigay niya sakin ang passport at ticket ko...nung tinignan ko 'to..

"What the heck? Nasa London siya?!"

Ryle's POV

"You, Chase...and Cassy. You were like a perfect family." Sabi ni Hannah habang nakangiti.

"Ahh...t-talaga? Hmm, hindi rin naman ako ganun kahilig sa mga bata pero ang gaan ng loob ko kay Chase. Ang cute niya kasi."

"Ahh...na-uuhaw ako, Ryle. Pwede bang kunan mo ako ng tubig?" Agad naman akong tumango.

"Just wait here, okay?" Tumayo ako at naglakad sa kung saan. Nakasalubong ko naman si Tristan.

"Hey, man!" Salubong ko sa kanya pero mukhang na-ilang siya.

"Uh...hi, I guess?" Sabi niya pa kaya natawa ako.

"Anyway...sa'n yung water dispenser niyo?" Tanong ko nang walang paligoy-ligoy.

"Nasa kitchen...grabe ka, uhaw na uhaw? Ni hindi man lang tayo nagkamustahan."

"Pasensya, para sa prinsesa ko 'to, eh." Hindi ko alam kung guni-guni lang ba 'yun pero mukhang sumeryoso siya dahil sa sinabi ko.

"So...nakamove-on ka na talaga?" Nagtaka ako sa tanong niya.

"Saan naman ako makakamove-on? Eh, all my life...si Hannah lang ang totoong minahal ko ng ganito. Natigilan siya sa sinabi ko.

"A-ahh..w-wala." Sabi niya at tumalikod na. Ako naman ay nagkibit-balikat lang at nagmadaling pumunta sa kitchen.

Agad ko namang nadatnan ang mag-inang nagkakasiyahan. Tinatapunan kasi nila ng flour ang mukha ng isa't isa.

"Tito Ryle! What are you doing here?" Englishero talaga siya, hayss.

"I'll just get some water." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Ah...Chase, can you play with your friends for a while? I'll just have a private talk with you tito Ryle."

Hindi ko alam kung paanong kiniliti ang puso ko sa pagsabi niya ng pangalan ko.

Bakit ba ganito nalang ang nararamdaman ko?

Bakit ganito nalang ang epekto mo sa'kin?

"Kamusta ka na?" Pagsisimula niya. Napansin kong nakaalis na pala si Chase.

"Okay naman."

Grabe, ang awkward ng sitwasyon...

"Uh...pasensya ka na kay Chase. Five years na ang batang 'yun pero napaka-immature niya sa age niya."

"No....normal lang naman 'yun, eh. Ang dapat lang ay i-explain sa kanya ang mga bagay-bagay." Sabi ko pa.

"So...you're happy now?" Tanong niya na ikinangiti ko.

"Oo naman! Nandyan ang gang...at si Hannah." Sinserong sagot ko.

"So, maybe this was really meant to happen. Maybe God made a way to separate us apart..because we're really not meant for each other." Nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka.

Destined to a GangsterWhere stories live. Discover now