Ilang araw mula ng bumaba ako sa may bodega namin ay hindi na nawala sa aking isipan ang litrato ng isang batang babae na nag ngangalang agatha. Hindi pa din malinaw para sa akin ang ibig sabihin ng letrang F. Sa pangalan nito.
"Lestine, halika na at baka abutan pa tayo ng traffic" pagtawag sa akin ni papa.
Nagmadali akong lumabas ng aking kwarto at bumaba palabas ng aming bahay.
"Anong oras ang uwi mo?" Panguusisa ni papa sa akin habang nasa byahe kami paluwas ng manila.
"Depende po sa magiging takbo ng play pa...pero may kasabay naman po akong uuwi mamaya" paninigurado ko sa kanya.
Ibinaba ako ni papa sa may sa baba ng Lrt monumento station. Mula roon ay babyahe ako papuntang intramuros. Galing din kasi sa iba't ibang probinsya ang aking mga kaklase kaya naman iba iba kaming ng pang gagalingan.
Dahil hindi naman rush hour ay nakakuha ako ng magandang upuan malapit sa entrance ng bagon. Wala sa sarili akong napapikit at muli kong naalala si celestina at si ginoong antonio.
Si ginoong antonio...
Nanatili akong nakapikit, hanggang sa makaramdam ako ng pagkailang na para bang may nakatitig sa akin. Sa pagmulat ng aking mga mata ay hindi na ako nagulat pa ng masilayan ko ang maamong mukha ni ginoong antonio.
"Batid ko ang labis na pagod mo binibini" malambing na saad niya.
Napayuko lamang ako at pinilit na ngumiti sa kanya. "Pagod lang siguro ako dahil sa mga nangyayari, hindi ko kasi maiwanag hindi isipin" sagot ko sa kanya.
"Hindi mo naman kailangang madaliin ang mga bagay bagay...darating din iyan" sabi niya pa sa akin.
"Ikaw nga nagpakamatay pa eh" pangaasar ko sana sa kanya pero ako na din mismo ang nanahimik ng marealize ko na hindi magandang biro iyon.
Pagkadating sa may intramuros ay nanduon na ang iba kong mga kaklase. Inihahanda na din nila ang mga gamit na kakailanganin namin.
"Lestine!" Tawag nila mae at kristel sa akin.
Kaagad silang yumakap sa akin. "Alam mo ba, badtrip si andrea" pagbabalita nila sa akin kaya naman kaagad kong iginala ang paningin ko para hanapin siya.
Pero imbes na si andrea ang makita ko ay si ginoong antonio ang nakita ko. Naglalakad ito palayo sa amin, mukhang may sinusundan siya. Napakunot ang noo ko, pero imbes na masipat ko siya ng maayos ay kaagad akong hinila nila mae at kristel sa kung saan.
"Sabihin mo nga sa amin, may alam ka ba tungkol kay theresa at kay edward?" Panguusisa nilang dalawa.
Nanlaki tuloy ang aking mga mata. "Syempre wala!" Giit ko aa kanila.
Mas lalo tuloy nagmukhang problemado ang mga ito. "Hindi rin naman kasi sila nagkwekwento, ayan tuloy hindi tayo updated!" Giit pa nung dalawa kaya naman pareho ko silang inirapan.
"Tama na chismis, magumpisa na tayo" utos ko sa kanila at tsaka ko sila kaagad na tinalikuran.
Nang makawala ako kina mae at kristel ay naglakad ako papunta sa direksyon kung saan ko nakitang papunta si ginoong antonio kanina, pero ilang hakbang pa lang ang nagawa ko ng humarang na sa harapan ko ang nakabusangot na si andrea.
"May problema ako" seryosong sambit niya at mukhang stress na stress na.
Gusto ko man siyang pagtawanan dahil sa itsura ay hindi ko na nagawa dahil sa takot na baka mas lalong mabadtrip ito.
BINABASA MO ANG
His last Comeback
Historical FictionHanggang saan mo kayang ipaglaban ang iyong pagibig na hinubog ng mahabang panahon? "Muli tayong mabubuhay, at hinihiling kong muli tayong magkita mahal ko..." "Susubukan ko" nakayukong saad ng lalaki. Sunod sunod na tumulo ang luha ng babaeng ngay...