My Beks-Boyfriend

87 0 0
                                    

Madalas akong napagkakamalang tomboy. Nakakatawang isipin, pero hindi po ako tomboy. May mga crush akong lalaki, gaya nila Zac Efron at Logan Lerman. Sadyang hindi langa ko maarteng babae at hindi pala-ayos. Nagiisa lang din akong babae saming 5 magkakapatid, lumaki ako kasama mga lalaki, ano pa ieexpect mo? 

Madalas naman, ang mga kasundo ko ay mga bakla. Tatlo sa mga kabarkada ko, bakla din. Nakakatuwa kasi silang kasama eh. Mas komportable ako kapag bakla kasama ko. 

"Wow teh. senior na tayo. Pero di ko bet, malapit na tayo grumaduate." -Billy sa umaga, Bethy sa gabi. 

Fourth year high school na kami, nakakatawang isipin na kinayanan namin yung system sa school kahit ang hirap hirap. Hindi naman kasi ako honor student o kasama sa top, average lang, naghihirap din sa grades. 

"Magandang umaga. Ako nga pala si Luke Mendez, sana maging okay tayo." umupo siya sa tabi ng isa kong kabarkada na si Gilbert, na Gelen kapag gabi. Tahimik lang siya. Well, gwapo siya. Mukhang matalino. at mukhang iretable pa kay Gilbert. 

--

"Alam mo mabait si Luke. I like him." -Gilbert 

"Agad agad teh? Ang bilis mo naman."

"Eh teh, the face naman kasi, kabighabighani." nagtawanan naman kami.

"Ano ba yan, ang bibilis niyo kumilos ha."

"Bakit type mo ba?"

"Hahaha! Pwede na."

"Ang arte mo beh. Hahahha!" 

--

"Paturo naman sa Math" Favorite subject ko kasi ang math, pero sa dami ng matatalino samin, bakita ko pag nilapitan niya? Tinuruan ko naman siya, majoke din siyang tao, lalaking lalaki yung kilos at galaw, nakakatuwa. Magkakacrush na ata ako dito. First time ah?

"Salamat Arianna." Nagulat naman ako kasi alam niya yung pangalan ko, though hindi pa ko formally nakikipagusap sa kanya. "Ria nalang." sagot ko.

--

After weeks. 

"Hi teh." lumapit siya sakin, iba yung aura niya, nagulat ako.  Anong nangyari sa taong to!? 

"Ha? Anong nangyari sayo?"

"Ano ke be, this is me. This is really really is me." ang arte ng pagkakasabi, parang bakla. bigla naman siyang umamin sakin. Akala ko pa man din, lalaki siya, anyway, may crush akong bakla. :O 

"Beki ka!?"

"daig pa ang pagkapink ng bag mong mabulaklak teh." ngiti niya sakin, natawa naman ako sa sarili ko kasi totoo nga, may crush akong bakla. Hahaha!

Tanggap ko naman siya, madalas napapasama na rin siya samin ng barkada ko. Hindi pa rin naaalis yung pagkacrush ko sa kanya, ang gwapong bakla kasi. Sayang siya eh. Well minsan, feeling ko, hindi siya bakla, sana nga hindi eh, para pwede kami. :D

--

Valentine's Day:

Pumasok ako ng maaga dahil may surprise daw kami sa adviser namin dahil valentines day nga, pumunta na ko sa may mga locker at kinuha gamit ko, pagkabukas ko ng locker ko, may nahulog na letter. Binasa ko at nagulat ako. aba, may lovelife na si Billy! Nakakatawa, natawa pa ko, kashare ko nga pala ng locker si Billy. Nagulat ako, walang nakalagay na dear ekek eh, pero wala namang magbibigay sakin, wala namang may gusto sakin.

Maya maya dumating si Billy sa may lockers.

"Oy bruha ka! Naunahan mo pa ko magka-lovelife. Corny mo! madaya ka, bt hindi mo sinasabi sakin? May paloveletter pa kayong nalalaman ng boylet mo. Sino to ha? Nakakaloka." 

"Cheh." hinila niya ko at naglakad lakad lang kaming dalawa, hanggang mapunta kami sa room.

"Ikaw kasi eh, bakit kasi hindi mo kinukwento, sino ba to ha? anong kaarte----" nagulat ako sa room namin, nagtransform.

Full of roses, full of red roses, seriously, anong meron!?

"Hindi ko alam kung bakit, pero gusto kita. Ay mali pala ko, mahal pala kita. I love you." nagulat ako nung nagsalita si Luke, as in yung Luke na straight yung boses, yung Luke na naringan ko ng boses kapag may klase lang kami. I was shocked.

"SI LUKE!?" nagulat ako, si Luke at si Billy!? HA!? tinignan ko si Billy. "LOKA!" binatukan naman niya ako.

"Kahit kelan ka talaga Ria, ang kulit mong babae ka. Kaya ang cute mo tignan eh. Anyway, back to what I was saying...

Months na rin ang lumipas at sinasabi ko sayong mahirap magpanggap na beki. Nakakahinga ko sobra ng maluwag kapag nasa room tayo at may klase dahil dun lang ako nagiging ako. Pero ayos lang, masaya ko kasi dahil sa ganung paraan, naging close tayo."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Eh kase, tinanong niya, bakit ang close nating dalawa. Sabi ko sakanya, magaan loob mo sa mga beki. Tapos sabi niya, crush ka daw niya, at kung ano ano pang pambobola, kaya ayan si totoy, nagpanggap ang lolo mo." natawa nalang ako at tumingin ulit ako pabalik sa kanya.

"Hay!" nagbuntunghininga pa siya. "Arianna, hindi po ako beki, dahil ako ay in love sa isang babaeng, nung una ko palang nakita, parang tinamaan na ko." 

"Ang corny mo!" sigaw ko sa kanya at ngumiti lang siya.

"Arianna, I love you sagad sa bones." lumapit ako sa kanya, at inakap ko siya, "Akap lang?" 

"Ano!?"

"Walang bang?" ngumuso naman siya.

"Sikmuraan kita diyan eh." binatukan ko naman siya. "beki beki ka pa diyan ha. I love you too!" 

"Anong sabi mo?"

"I love you tehh!" inakap naman niya ko.

---

"Odiba, hindi ko inakala na ang boboyish boyish na katulad ko, kakain-love-an ng isang poging lalaki." joke ko sa kanila. 

"Mas pogi ka pa nga sakin eh."  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Beks-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon