Matakot Ka Sa Karma

323 13 5
  • Dedicated kay Jenny D'santos Fallaria
                                    

Pagmamahal na di ko mawari

Pagmamahal na puno ng pagkukunwari

Pagmamahal na umaapaw sa panghi

Dulot lang nito sakin ay pighati

MAHAL KITA ngunit.... Pasyensya ayoko na!

Sabi nila ang pag mamahal ay masarap

Pero bakit kabaliktaran ang aking nalasap?

Hindi ko mabilang ang mga naisip kong pangarap

Na kasama siya, Sa altar nakaharap

Ngunit ang lahat ng iyon ay nawala at nawasak.

Hindi ko alam kung bakit,

Pinuno niya ang puso ko ng mga luha at sakit

Pagdurusa at pagluha malimit kong tinitiis

Tama na AYOKO NA.... ako lang ay naiinis!

Sapagkat sa dinami dami ng mamahalin ikaw pang manhid!

Ngunit ano pa nga ba ang magagawa?

Babae sayo ay parang isang manika

Laruang walang katapusan, hindi nasisira

Walang damdamin walang konsyensya wala kang AWA

LALAKI MATAKOT KA SA KARMA!

-rachelle anne dela cruz :)

Matakot Ka Sa KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon