Sa gitna ng kadiliman ay nakarinig ako ng isang sigaw ng babae na humihingi ng tulong. Nasa kalagitnaan kase ako ng aking pagsasanay sa mahika kaya naman ako ay nasa kagubatan. Sabay sa sigaw ng babae ay ang ungol ng isang halimaw. Di ko alam kung tutulong ba ako o hindi pero dapat gawin ko kung ano ang tama.
Dali dali akong pumunta sa pinaggagalingan ng sigaw at talaga namang nabigla ako sa aking nasaksihan. Ang babae nakatali sa puno at ginagahasa ng isang halimaw.
"Tulong! Parang awa niyo na ! Ah! Ah!" Pumapatak ang luha ng babae sa paglapastangan sa kanya ng halimaw.
Tumingin siya sa akin. Tutulong ba ako? Pero natatakot ako lalot ang halimaw na ito ay isang werewolf. At di hamak na mas malaki ito sa akin. Pero nagmamakaawa ang mga mata ng babae. Bahala na.
Binuksan ko ang aking libro upang mag cast ng isang engkantasyon. Tumalsik ang halimaw ngunit huli na ang lahat para sa babae. Mukhang wala na itong buhay.
Bumalik ang tingin ko sa werewolf. Galit na galit siya sa akin. Agad itong sumugod sa akin. Bago pa ulit ako makapag bitaw ng spell ay inatake na ako nito at sinira ang aking libro. Kasabay nito ang pagtalsik ng dugo sa aking dibdib dahil sa sugat na likha ng matatalim nitong mga kuko.
Agad akong bumagsak.
Kainis, kung malakas lang sana ako edi sana nailigtas ko ang babae. Pero mahina ako, lampa at walng kwenta. Naiiyak ako habang patuloy na sinusuntok ng werewolf. Wala na ata akong pag asang mabuhay.Hanggang sa muling tumalsik ang werewolf. Di ko alam kung bakit. Napalingon ako sa kinalalagyan ng babae. May isang lalaki na nakaupo at kinakausap siya.
"Patawad" sabi ng babae na naintindihan ko base sa kanyang bibig nung nagsalita siya. Hinaplos naman ng lalaki ang buhok nito bago tuluyang mamaalam sa mundo ang babae. Pagkatapos nito ay dahan dahang naglakad ang lalaki sa papasugod na werewolf.
Napakabilis ng pangyayari. Patay ang halimaw. Pero di ko man lang nakitang inatake siya ng lalaki. Naglakad lang ito papalapit.
Sana ganoon din ako kalakas tulad ng lalaki...
BINABASA MO ANG
LUX INVERNUS (SEASON ONE COMPLETED)
FantasyLux Invernus Isang sandatang ginamit ng mga tao laban sa dios ng digmaan na may basbas ng ibang mga dios noong unang panahon. Isang alamat at pambatang istorya. Pero sabi nga ng matatanda, bawat alamat ay may tinatagong katotohanan..