Nagising na lang ako na puno na ng benda ang aking katawan. Hindi ko alam kung sino ang nagdala sa akin dito kase nawalan na ako ng malay pagkatapos na mamatay ang halimaw. Maya maya pa ay may pumasok sa aking kuwarto."Cloud, anak, kamusta ka na?" Tanong ni Papa. Ngayon ko lang ulit nakita si Papa kaya naman sobra akong natuwa. Si Papa kase ay isang scholar, mga mananaliksik tungkol sa pinagmulan ng mundo o ng mga alamat. Kung may katotohanan ba ang mga iyon o wala. Kabilang siya sa labindalawang scholar na tinatawag ding mga ELDERS sa aming kaharian.
"Papa, ayos lang po."
"Ano ba ang nangyari? Minsan na nga lang akong bumisita ganito pa ang malalaman ko"
"Ah eh Pa, may iniligtas akong babae kaso nabigo ako." Naiiinis pa din ako sa sarili ko. Kulang pa kase ang kaalaman ko pagdating sa aking kapangyarihan. Isa akong mage, ngunit dahil sa nasira na ang aking libro pangkaraniwan na lamang ako ngayon.
"Wala na rin ang iyong libro ng mahika." Napayuko na lamang ako nung sinabi iyon ni Papa. "Anak, makinig ka sa akin. Mas mabuti nang maging normal ka kesa may kapangyarihan. May digmaang nakatakdang maganap sa mga susunod na araw. Gusto kong maging ligtas ka."Huh? Anong digmaan? Napaka payapa ng aming kaharian. Pero ang sunud sunod na pag ataki ng mga halimaw nitong mga nagdaang araw ay palatandaan na may kalaban sa paligid. Pero diba mas maganda na may kapangyarihan ako para maprotektahan ko ang sarili ko?
Lumabas na ng kuwarto ang aking ama upang magluto ng umagahan. Kami na lang kase ang magkasama sa buhay. Namatay ang aking ina nung akoy dalawang taong gulang pa lamang. Si Papa naman ay laging wala, kaya natuto akong maging independent. Di naman kase ako nawawalan ng makakain.
Pagkatapos kumain ay pumunta na si Papa sa kanyang study room. Sumunod ako dahil gusto kong malamn kung ano ang kanyang pinag aaralan. Di tulad ko, si Papa ay hindi mage, at hindi magiging mage. Si Mama ang mage kaya namana ko ito sa kanya.
Natawa ako sa nakita kong binabasa ni Papa. Isa kase itong istoryang pambata."Pa, seryoso? Binabasa mo ang Lux Invernus?"
"Bakit, masama bang maglibang sa mga ganitong babasahin?"Hahaha. Nakakatuwa kase na ang isang scholar ay nagbabasa ng ganito. Ano nga ba ang istorya ng lux invernus? Ah, isa itong sandata na ginamit ng mga tao laban sa dios ng digmaan at ang mga kampon nito. Ang sandatang ito ay may bendisyon ng ibang mga diyos kaya naman nagtagumpay ang mga tao na matalo ang dios ng digmaan.
Pero pambata lamang iyon. At tuwang tuwa ako dati pag pinapakinggan ko iyon kay Papa.
"Anak, tandaan mo ito. Bawat alamat ay may tinatagong katotohanan. Itatak mo yan sa isip mo, maliwanag?" Eto na naman si Papa, di ko na naman maintindihan ang mga pinagsasasabi.
***
Kinagabihan ay naisipan kong magpahangin muna sa labas. Kami ay nakatira malapit sa kakahuyan kaya naman mas na eenjoy ko ang atmosphere sa paligid. Sa aking paglalakad ay may naramdaman akong sumusunod sa akin. Lumingon ako sa likod pero wala akong nakita. Pinapakiramdaman ko ang paligid at alam kong merong nakatitig sa akin.
Ang pag ihip ng malaks na hangin ang hudyat ng aking pagtakbo pabalik sa aming bahay.
May kalaban!!!
Sa aking pagtakbo ay may sumalubong sa akin na isang halimaw. Katulad ito ng halimaw na nakalaban ko kagabi. Isang werewolf. Wala akong laban dito kaya naman baka mamatay na ako dito.
Di lang isa ang nagpakita kundi tatlo."May pagkain na naman tayo" sabi nung isa.
"Anong tayo? Ako ang unang nakakita sa kanya kaya akin siya"
"Hindi ikaw kundi ako" sabi naman nung huli.Nagkainitan ang tatlong werewolf at silay naglaban. Sinamantala ko ang pagkakataon upang makatakas. Di rin nagtagal ay napagtanto na rin nilang tumatakbo na ako papalayo kaya namn hinabol na nila ako. Nakikita ko na ang bahay namin. Malapit na nila akong maabutan.
Kainis, naririnig ko na ang mga ungol nila.
Ilang hakbang nalang at makakararating na ako sa aming bahay.
Sa bilis ng aking takbo ay di ko namalayan ang nakausling sanga sa daan dahilan upang akoy matalisod.
"Anak!!!" Sigaw ni Papa.
Di ko alam kung anong nangyari pero ang mga werewolf na humahabol sa akin ay naging pira piraso ang katawan nila. Kahit masakit ang aking tuhod ay nagmadali akong pumasok ng aming bahay. Mabilis na sinara ni Papa ang pintot mga bintana.
Binuksan ni Papa ang secret door na nangangahulugang may mas malaking panganib na paparating.
"Anak, magtago ka rito."
"Pa, pero bakit?"
"Basta anak. Cloud, magtiwala ka kay Papa, okay?" Sabi niya sabay abot ng puting libro sa akin. " Tandaan mo mahal na mahal ka ni Papa ha."
"Pa, ano bang pinagsasasabi mo? Magtago ka na rin!" 19 years old na ako pero para akong batang maiiyak na dahil sa mga pinagsasasabi ni Papa. "Saka ano ba itong libro na ito?"
"Regalo yan sa iyo ni Papa. Gamitin mo sa kabutihan ha. Maligayang kaarawan, Cloud, anak ko."
"Pero Pa-" di ko na natapos ang aking sasabihin dahil sinara na ni Papa ang pinto. Sa butas ay tiningnan ko si Papa. May hawak siyang espada at alertong nakatingin sa pinto. Di nagtagal ay nasira din ito.Nagulat ako dahil sa isang taong pumasok. Di ako maaaring magkamali, ang Dark King ang pumasok sa aming bahay. Kasama niya ang mga anino na hugis tao na pumasok sa loob.
"Ibigay mo na sa akin ang kailangan ko"
"Wala, wala kang makukuha sa akin" matapang na sabi ni Papa.Mabilis na sumugod ang mga anino at hinawakan si Papa.
"Kahit na anong mangyari, di mo makukuha ang hinahanap mo!"
"Wla ka rin palang silbi"Parang bumagal ang oras nung nagkatititigan kami ni Papa habang sinasabi niya ang katagang MAHAL KITA sa kin. Pagkatapos nito ay pinatay ng Dark King ang aking Ama.
Tinakpan ko ang aking bibig habang umiiyak. Sa loob ng maliit na kuwartong aking kinalalagyan ay nagliwanag ang mga mahika na isinulat ng aking ina. Ito ay nagsilbing proteksyon sa akin upang hindi maramdaman ng Dark King ang aking presensya. Patuloy ang pagpatak ng aking luha at hinihiling na sana umalis na sila.
"Hanapin niyo ang anak ng hampas lupang ito. Kailangan kong makit ang hinahanap ko."
Patuloy sa paghahanap ang mga anino hanggang sa isang anino ang sumilip sa butas na kinalalagyan ko...

BINABASA MO ANG
LUX INVERNUS (SEASON ONE COMPLETED)
ФэнтезиLux Invernus Isang sandatang ginamit ng mga tao laban sa dios ng digmaan na may basbas ng ibang mga dios noong unang panahon. Isang alamat at pambatang istorya. Pero sabi nga ng matatanda, bawat alamat ay may tinatagong katotohanan..