Tristan's POV
Haaay kay boring ng mga kasama ko dito sa room, puro aral aral aral ang ginagawa.
"Ikaw ba Tristan, wala kang dalang libro?"
Pagtatanong sakin nung isang nerd, na pogi sana kaso nerd eh.
"Meron."
Bored kong sagot sa kanila.
Pero sila mukhang na-excite.
"ANONG LIBRO?"
Sabay-sabay nilang tanong sakin.
"Twilight."
"Nye, akala ko pa naman makakatulong sa studies namin."
"Oo nga, walang kwenta yan."
"ANONG WALANG KWENTA?? Mas WALANG KWENTA yang mga binabasa niyo, BWISIT."
Pag-pasensyahan niyo na kung OA reaction ko, super fan lang kasi ako ng twilight eh, dahil kay Kristen Stewart ang ganda niya kasi diba?
Lumabas na lang ako ng kwarto at hahanapin ko muna yung mga taong unggoy kong kaibigan.
Aya's POV
Haaay, ang ganda talaga ng lugar na ito grabe, parang gusto ko na yata ditong tumira kundi lang creepy ang banyo eh.
"Huhuhuhu, bakit *sob* ang *sob* sakit huhuhu."
Sino yung umiiyak?
Nag-lakad lakad lang ako, para hanapin kung sino yung umiiyak.
At sa tinagal-tagal kong paglalakbay nakita ko na rin siya, dun lang pala sa likod ng katabing puno, kung saan ako nakatambay.
At dahil nga may pagka-chismosa ako nilapitan ko na si girlalu.
"Ahm, Miss bakit ka umiiyak."
Tinignan niya lang ako tapos umiyak na ulit siya.
Umupo na lang ako sa tabi niya.
Tatanungin ko pa lang sana siya ng bigla siyang magsalita.
"Bakit ganon *sob* akala *sob* ko nakamove-on *sob* na ako. Pero nung *sob* nakita ko siyang masaya ang sakit. Ang sakit."
Iyak lang siya ng iyak habang tinuturo niya yung puso niya.
"Miss, baka naman Mahal mo pa rin talaga siya hindi mo lang matanggap kasi may mahal na siyang iba."
BINABASA MO ANG
Instant Girlfriend (REVISING)
FanfictionAng pag-ibig ay hindi isang laro na kapag gusto mong umayaw-aayaw ka na.