Chapter 2

67 3 0
                                    

"May mga maliliit na butas ang bahay na ito, malamang isa sa mga iyan ang pinagtataguan ng binata, silipin niyo, bilis!" Utos ng Dark King.

Di pa nga ako tapos sa pag iyak sa ama ko tas heto na naman may panganib na naman sa buhay ko. Akala ko aalis na siya pero hindi pa pala. Anong gagawin ko? Isa isa na nilang sinisilip ang mga butas. Pag sumilip siya dito, malamang katapusan ko na.

May tiwala ako sa yumao kong ina. Alam kong ang mahikang pumoprotekta sa akin dito ay matibay. Pero ang Dark King na ang pinag uusapan natin dito. Gaano ba kalakas ang protection spell na ito at gaano ba kalakas ang Dark King?

Parang nag bumagal ang takbo ng oras nang dahan dahang sumilip ang isang anino sa kinalalagyan ko. Hindi ko maialis ang mata ko sa butas. Ang anino, walng mukha, pero may pulang mga mata. Nakaramdam ako ng takot at pangamba. Para akong kakainin ng mga titig niya.

Tulungan niyo ako pakiusap!!!

Maya maya pa, mula sa butas ay sumingaw ang kulay itim na usok. Kainis, ang tanging magagawa ko para makaalis ay ang buksan ang pintong ito. Ngunit pag ginawa ko iyon, katapusan ko na.

Kung malakas lang sana ako. Ito na ang pangalawang pagkakataon na may namatay dahil sa akin. Hindi ko sila nailigtas dahil mahina ako.

'Gusto mo ba ng kapangyarihan?'

Huh? Kanino galing ang tinig na iyon?
'Bakit hindi mo ako gamitin?'

Naramdaman ko ang puting librong ibinigay sa akin ng aking ama. Tumitibok ito na para bang may puso. Kung gayon ay sa kanya din galing ang tinig na iyon. Ngayon lang ako naka encounter ng nagsasalitang libro.

'Gamitin mo na ako. Buksan mo ang libro'

Ang boses niya, parang nanunukso na kapag sinunod ko siya ay mapapasailalim ako ng kanyang kapangyarihan lalot boses babae ito.

'Di ba gusto mong maging mas malakas. Gamitin mo na ako"

Masyadong malakas ang temtasyong dala ng boses na iyon. Ano na ang aking gagawin? Tiyak kong ang usok na ito ay may lason dahil nararamdaman ko na ang pagkahilo ko. Tinakpan ko ang aking ilong at bibig at ipinikit ko na ang aking mga mata.

"Buksan mo ang libro, buksan mo ang libro, buksan mo ang libro..." Ang paulit ulit na tinig na iyon habang ang lason ay patuloy na pumapasok sa aking katawan ay indikasyon na malapit na akonh mapahamak kung di ko pa gagamitin ang libro na ito. Bahala na, kung ano man ang tulong na maibibigay ng librong ito ay sana mailigtas ako.

Tatlo.
Dalawa.
Isa.

Heto na!!!

Ngunit,
Bago ko pa mabuksan ang libro ay nagliwanag na ang buong paligid. At ang sunod ko na lamang nalamn ay nasa gitna na ako ng kagubatan.

"Yes! Umabot tayo sa oras" sabi ng isang lalaki.
"Okay ka lang ba?" Tanong ng isang babaeng naka salamin. Sa tingin ko ay isa rin siyang mage dahil sa suot nitong sumbrero at hawak na libro. Ang lalaki naman ay mukhang detective pero ang tattoo na letter Z sa kanyang leeg ay...

"Teka, ikaw ang legendary bounty hunter na si ZEIG." Tanong ko.
"Detective Zeig" sabi niya. "Heto naman si Tina, ang assistant kong mage"

Bigla kong naitapon ang puting libro na ikinagulat ng dalawa.

"Bakit mo itinapon ang sandata mo? Baliw ka ba? Lampa ka na nga may pagka bobo pa!" Sabi ni Zeig habang pinupulot ang libro. Nataranta kase ako nung naalala kong nagsasalita ang libro.
"Nagsasalita kase ang libro." Nahihiya kong sabi. Natatakot ako sa libro na yun.
"Baliw ka nga talaga," natatawang sabe ni Zeig sabay abot sa akin ng libro. Nag alangan man ako pero kinuha ko na rin. After all, regalo ito sa akin ng aking ama.
"Hindi nagsasalita ang libro, dala iyon ng itim na usok na nalanghap mo sa loob. Nagkaroon ka ng halusinasyon dahil sa lason na dala niyon kaya iniisip mo n kinakausap ka ng libro" paliwanag ni Tina.

Hayyys, buti naman.

"Salamat nga pala sa pagliligtas niyo sa akin" sabi ko.
"Wag ka munang magpasalamat. Hindi pa tayo ligtas"

Pagkatapos nito ay nakarinig kami ng mga alulong ng lobo...

LUX INVERNUS (SEASON ONE COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon