Chapter 39: The PROPOSAL

1.7K 96 0
                                    

Colleen POV

Nagising ako ng wala na si zack sa tabi ko kaya naman bumangon ako at nag tungo sa kusina baka sakaling naroon siya.

Pagpunta ko roon ay wala akong nakitang zack maski anino niya ay wala! Tss malamang ay nasa trabaho na yun! Kainis ang sabi niya kasi sabay kaming papasok! Humanda talaga siya sakin mamaya!

"Ma'am colleen, si sir zack po ba ang hanap ninyo?"- ani manang seli.

"Opo!"- tipid kong sagot.

"Kaninang alasais pa po siya umalia dahil may aasikasuhin daw siya"- ani manang seli.

"Ganun po ba?"- anas ko, tumango lang ito saakin at nagtungo sa garden upang diligan ang mga halaman.

Kaninang alasais pa pala siya umalis! E alasotso pa ang pasok niya ah? Ano naman kaya ang aasikasuhin ng kumag na yun?!

Bumalik na ako sa kwarto at nag tungo sa banyo upang maligo, mabilis akong kumilos dahil ilang oras nalang. Pwede naman akong mag palate e dahil dadaan pa ako sa coffee shop, ako na kasi ang nag mamanage ng coffee shop dahil saakin pinamana iyon ni mommy at ang kumpanya dito na pinalago ni daddy ay saakin rin pinamana. At si Cheyenne naman ay nasa london dahil andoon ang ibang business nila daddy at mommy at si ate angelou naman ay siya na ang humawak sa mga negosyo na naiwan ng parents niya, maraming malalagong business ang parents ni ate angelou kaya kinailangan ng tulong ni daddy at ng asawa niya.

Ng matapos ako sa pagaayos ay lumabas na ako ng kwarto at nag paalam kay manang seli, nagpahatid nalang ako sa driver dahil nakakatamad mag drive.

Pagpunta ko sa coffee shop ay naroon si nica at jeffrey mukang ginawa pa nilang dating spot amg coffee shop ko!

"Ehem!"- tumikhim ako upang mapansin nila.

"Uyy... Colleen pa connect muna kami sa wifi ah?"- natatawang sabi ni jeff.

"Ehem! Baka naman gusto mong manlibre ng coffee?" Ani nica.

Tss! Grabe talaga tong dalawang to!, Sanay na ako sakanila dahil madalas dito tumambay ang mga kaibigan namin, pero silang dalawa ng madalas kong makitang nakatambay dito!. Pumasok ako sa may counter at ako mismo ang gumawa ng coffee nilang dalawa.

"Oh!may lason yan ah!"- natatawa kong sambit.

"Salamat"- ani nilang dalawa. Tinignan ko kung ano ang pinagkakaabalahan nilang dalawa, tss nag mobile legends pala sila!

"Osiya mauna na ako sainyo!"- ani ko at tumango lang silang dalawa saakin at ako naman ay lumabas na ng coffee shop at nagpahatid ulit sa driver.

Bumaba na ako ng sasakyan ng makarating kami sa kumpanya, isang ngiti lang ang naging tugon ko sa mga taong bumabati saakin.

Ng makapunta ako sa office ko ay tambak ang mga papeles na kailangan kong pirmahan! Tsk! Parang gusto ko nalang ulit mag aral!

Zack POV

"Sir zack dumating na po yung mga inorder niyong flowers"- ani ng stuff.

"Paki arrange nalang kamo"- anas ko.

Sinipat ko ang wrist watch ko at dalawang oras nalang bago mag alasais, balak kong ngayon mag propose kay colleen.

"Sir zack naka ready na po ang lahat para mamaya"- ani ulit nito.

Tumango lang ako sakanya.

~~~~~

"Bro! Tinambakan na namin siya ng trabaho"- ani nate.

"Good!"- anas ko.

Colleen POV

Anong oras na pero andito parin ako sa office nauna na ngang umalis ang secretary ko e! Letcheng mga papeles kasi to ang dami! Kung hindi lang to importante malamang kanina ko pa to pinagsususunog!

Maya maya pa ay biglang namatay ang ilaw kaya naman nag panic na ako! Shete naman oh! May tao pa dito! Langya!

Ilang segundo pa ay may naramdaman akong nag takip saakin dahilan para mawalan ako ng malay. Tsk! Paanong may nakapasok dito!?

~~~

Nagising nalang ako na nakapiring ang mata ko, tsk! Sino ba ang may gawa nito! Naka tali din ang kamay ko.

"Saan niyo ako dadalhin?!"- inis kong tanong.

"Manahimik ka lang diyan!"- sigaw nito. Maya maya pa ay huminto na ang sasakyan, nilabas nila ako na nakapiring parin ang mga mata ko, tanging malakas na simoy ng hangin lang ang ramdam ko at ang huni ng mga ibon. Sa ilang minuto na paglalakad namin ay huminto na kami sa paglalakad kasabay ng paghinto namin ang pag tunog ng violin at piano, tinanggal nila ang piring sa mata ko.

Ng luminaw ang mata ko ay nakita ko si zack na tumutugtog ng violin at si dave na tumutugtog ng piano.

Habang naglalakad ako mula sa red carpet ay napapaligiran ito ng mga kandila at puno ng mga rosas. Napa romantic ng gabing ito para saakin,naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko mula sa mga mata ko. Ng malapit nako kay zack at nakatitig lang ito saakin habang nag va-violin maya maya pa ay biglang may bumagsak na mga roses petals mula sa taas at kasabay non ang pag dating mg helicopter na may banner.

Will you marry me?

Napaka effort niya talaga, tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko at nilingon ko si zack na nakaluhod at may hawak hawak na singsing.

"Will you marry me colleen?"- aniya.

Tumango muna ako bago mag salita "yes!"- sagot ko. Sinuot niya sa daliri ko ang singsing at niyakap niya ako, kasabay ng pagyakap niya ang paglabas ng mga fireworks.

"I lOVE YOU ZACK!!"- Sigaw ko.

Napangiti ako ng biglang dumampi ang malambot na labi ni zack sa labi ko, sheet! Kinikilig talaga ako sa ginawa niya!!! Waaahh! Soon to be MRS. PERKINS!!!

TO BE CONTINUED...

WAAAHH!! THANK YOU GUYS NG MARAMI 1K READS NA WAAAAHHH!! SALAMAT SA SUPORTA NIYO!!! ALABYU ALL!! THANK YOU TALAGA NG SOBRA!!

SANA AY MAENJOY NIYO ANG CHAPTER NA ITO! WAG NIYONG KALIMUTANG MAG VOTE KUNG NAGUSTUHAN NIYO!!

ENJOY READING!SARANGHAE!💕

Gangster Meets Ms.Maldita |JINSOO|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon