Parallel: Where I Belong

0 0 0
                                    


Third Person:

Kung bibigyan ka ba ng isang pagkakataon upang baguhin ang lahat ng pagkakamali mo sa buhay? Tatanggapin mo ba ang hamon na ibibigay sa'yo ng mundo?

Tutulad ka ba sa bida ng storya na ito na sumabak sa hamon na ibinagay sa kanya? Isang hamon kung saan s'ya ay nakapasok sa Parallel Universe at nakilala ang kaniyang sarili 9 years ago upang itama ang kaniyang mali.

Subaybayan ang kaniyang ekstraordinaryong paglalakbay sa Parallel Universe at tingnan kung nais mo bang makapasok din sa kamaibang mundo na pinasok ng ating bida.


Minulat ko ang aking mata nang marinig kong nagring ang cellphone ko.

Ugh. Sino ba tong natawag? Pinuputol yung tulog ko, rest day ko pa man din ngayon.

"Hello?" Sagot ko. Naririnig ko naman sa kabilang linya na medyo maingay kaya napakunot ang noo ko.

"Hello? Ito ba yung number ni Ash Geonzia?" isang babae ang sa wakas na nagsalita, sinilip ko naman ang number pero hindi ito pamilyar.

"Sino to?" tanong ko

"Ash, kung ikaw man to, wag ka sanang magugulat pero nalaman ko na patay na si Kaito." agad akong kinabahan.

This is a work of fiction.
All rights reserved.
Where I Belong

Parallel: Where I BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon