"Mama?" Tawag ng sampong taong gulang na Naomi sa kanyang ina. Nagulat ang kanyang ina sa paglitaw ng kanyang panganay na anak sa pintuan ng kwarto nilang mag-asawa.
"Mama, san ka po pupunta? Bakit nag-eempake kayo?" Tanong ni Naomi na halata talagang nagtataka. Tinignan niya ng maigi ang mga damit na nilalagay ng kanyang ina sa bagahe.
"Hindi po ba't damit namin yan ni Blake?" Dagdag na tanong niya. Tumingin siya sa ina para makita kung ano ang reaksyon nito.
Nakita niya ang pamumuo nga luha sa mga mata ng kanyang ina kaya agad siyang lumapit dito.
"Ma? Why are you crying?" Medyo nag-aalalang tanong ni Naomi. Ibinaba ng ina niya ang mga damit na ilalagay niya sana sa bagahe at hinaplos ang pisngi ni Naomi.
"Anak, titira muna kayo sa tita Hilda niyo." Nakangiting sabi ng kanyang ina na may bahid ng luha ang mga mata.
"Tita Hilda? Bakit? Bakit kami titira muna dun?" Naguguluhang tanong ni Naomi.
"Anak, di ko muna maipapaliwanag sayo eh. Baka hindi mo maintindihan."
"No ma. Kaya kong intindihin. Tell me please." Nagmamakaawang sabi ni Naomi sa ina at napahagulgol.
Ayaw niya sa tita Hilda niya dahil masungit yun at nananakit. Alam niyang ayaw sa kanila ng tita niya.
"Anak, please lang. Makinig ka kay mama. Kailangan naming umalis ng papa mo."
"Then, sasama kami ni Blake."
"No! Hindi pwede anak."
"Bakit ba hindi pwede ma?" Medyo naiinis na tanong ni Naomi pero tanging hagulgol lang ang sagot ng ina.
"Ma!" Tawag ni Naomi sa ina pero patuloy pa rin ang daloy ng luha sa pisngi.
"Wag mo ng pilitin ang mama mong sumagot Naomi." Bakas ang galit sa boses ng ama niya ng pumasok ang ama sa kwarto nila.
"But pa--"
"No buts Naomi."
"SAAN BA KASI KAYO PUPUNTA?" Galit na sigaw ni Naomi na pinakalma ng ina. Napabuntong hininga ang ama niya para mapakalma ang sarili.
"Anak, Naomi, maiintindihan mo ri--"
"Bakit po ba kasi di niyo na lang sabihin sa akin pa? Pano ko maiintindihan kung din niyo sasabihin?"
"This is not the right time Naomi Lynn!"
"Then when?" Diretsong tanong ni Naomi na nakapagpatahimik sa ama. "When is the right time? Kapag nasa bingit na kami ni Blake ng kamatayan? Aminin niyo nga pa. Kriminal ba kayo?" Seryosong tanong ni Naomi habang umiiyak pa rin.
Nagitla naman ang parehong magulang niya sa tanong at agad na napailing.
"Hindi kami kriminal a-anak. Malalaman mo rin." Pilit ang ngiti ng ina sa kanya.
Huminga ng malalim si Naomi at tumingin ulit sa kanila. "Kailan kayo babalik?" Malumanay na tanong niya.
Hinimas ng ama ang buhok nga anak at bumaling sa bintana ng kwarto para tignan ang malakas na ulan kasabay ng pagkidlat.
"Medyo matagal din iha. Wag kang mag-alala. Di ka pababayaan ni Hilda."
"Can w-we just stay here ni Blake?"
Napatingin ang mag-asawa sa anak nila na nagtataka. "Is there something wrong dear?" Tanong ng ina.
"Nothing ma pero ayaw namin kay tita Hilda. At isa pa po, kaya naman po namin ni Blake ang sarili namin."
"Pero masyadong malaki ang mansyon anak tapos dadalawa lang kayo ni Blake."
"We're fine ma. Just give us money." Malumanay na sabi ni Naomi. Napatawa ng bahagya ang mag-asawa sa inasta ng kanilang anak.
"Okay then. Alam mo naman kung paano magwidraw sa banko diba?" Tanong ng ama kaya napatango si Naomi.
"Meron rin naman kayong own account sa banko ni Blake diba?"
"Yes po."
"Naglagay kami ng mama mo ng 1 million dun at every year ay dadagdagan na lang namin yun."
"So, it means na matagal talaga kayo?" Tanong ni Naomi na siyang ikinatango ng magulang niya.
Napabuntong hininga si Naomi at ngumiti nga pilit. "Okay then, see you soon mama--papa."
***
So yan na nga mga Goldies... tapos ko na ang prologue. Chapter na sa next chapter😊
BINABASA MO ANG
Vampire's Life
VampireA handsome vampire... A simple yet elegant woman... A mysterious vampire... A cheerful guy... Ano na lamang ang mangyayari sa magkapatid na Avril pagkatapos nilang makasalamuha ng mga bampira? Bampirang halimaw... Bampiranv umiinom ng dugo ng tao...