CHAPTER 1

1 0 0
                                    


" Teri! Mag hugas ka na ng pinggan"

"Bakit ako, si J.A na sya naman huling kakain"

" Tulog pa !!"

"Edi Gisinggin problema ba yun?!"

Hmmm, ang aga aga ang iingay nila
Narinig ko pa yata pangalan ko ? Ahh! Bahala na
Ang sarap matulog e
.
.
.
.

" BANGON NA J.A !!!!"

Dahil sa malakas na boses na iyon bigla akong napabangon
At kamalas malasan nauntog pa ako sa kisame ng kama ko

"Ouch!" Sabi ko habang himas himas ang ulo ko
Tiningnan ko ng masama ang babaeng tumawag sa akin

" Anong nginingiti-ngiti mo jan?"

" Hahaha J.A for the record 56 times ka na nauuntog jan sa kisame ng kama mo HAHAHA "

" Kasalanan ko ba e palagi nyo akong ginigising ng pasigaw! Pwede naman akong kalabitin o yugyugin na lang"

Tumawa lang sya ng tumawa habang hawak ang tyan nya samantala ako himas himas pa rin anf ulo ko habang masama ang tingin sa kanya sana lang di ito bumukol

" J.A kapag ganun dina masaya dito HAHAHA o sya bumangon ka nga dyan mag almusal ka at pagkatapos hugasan mo ang mga pinggan ha"

Sabi nya habang ngiting ngiti at sinarado ang pintuan ng kwarto

Hindi pala guni guni ang narinig ko kanina hayts !

Bumangon na ako at inayos ang kama ko pag katapos ginawa ko ang dapat gawin pag umaga

Hawak hawak ko na ang door knob ng kwarto ko bubuksan ko na sana pero bumuntong hininga muna ako

Umpisa na ng nakakapagod na araw

Pag bukas ko sumalubong sa akin ang tatlong babaeng daig pa ang pwet ng manok sa kaingayan?

" Good Morning Athena" bati ni Yuri

Yuri Wrag ang pinaka maamo sa aming apat, mabait, matalino maputi mahaba ang buhok na straight na staight at super black, 5.6 ang height at masasabi kong pinag kalooban ng kalusugan ang kanyang hinaharap well sabihin nating isa syang dyosang bumaba para maging anghel naming tatlo dahil kong wala sya paniguradong sabog na sabog na itong boarding house namin

" Good morning din Yuri" sabi ko sa kanya habang nag tutuloy sa kusina dahil nasa sala sya at nanonood, bawat kwarto namin pag labas mula doon ay sala, sa bandang kaliwa ng sala nandokn ang c.r namin at tapat ng sala nandoon ang kusina sa bandang kaliwa ng kusina nandoon ang labasan.

Pag pasok ko ng kusina sumalubong sa akin ang dalawang kalderong nag babangayan

" Kire akala ko ba ginising mo na si J.A ?!" Sabi ni teri ,habang nag e- exercise, sa kakambal nya

Oo mag kakambal sila at talaga nga namang malalakas ang trip ng dalawang ito mag kakambal man sila at least hindi sila mag kamukha yun nga lang talagang mag kaparehas sila ng pag uugali.

Kire Jodarm ang panganay sa kambal, madaldal, makulit, pasaway, sutil, mapang asar, malakas mang trip, kakaiba topakin , madaldal, matapang, laging nasa gulo kasi maski sya magulo -_- pero mabait naman sya yun nga lang mabait sya pag hindi ka nya kaibigan o kaaway, morena, hanggang balikat ang buhok at masasabi kong sexy yung pwede na pang model ang ka sexyhan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 09, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Sacrifice Where stories live. Discover now