CHAPTER 1

0 0 0
                                    

SOPHIA'S POV

"SOPHIA! GISING NA AT BAKA MA LATE KA SA FIRST DAY OF SCHOOL MO!" sigaw ni Yaya Soleng galing sa baba. Ako pa talaga ang sinabihan nyang male-late ha?! Like duh! Kami kaya ang may-ari ng school!

"OO NA! 5 MINUTES PA KASE 'YA!" I shouted back, at mukhang narinig niya dahil hindi ko siya narinig na sumagot pabalik.

After a few seconds, nabigla na lamang ako nang may kumakalabog sa aking pintuan at hindi na ako magtataka kung sino dahil sila lng naman ang kasama ko sa aming bahay.

"Sophia, bumangon kana diyan at maghanda-handa ka na at pumunta ka na sa school" sabi ni Yaya Nimpa ng mahinahon. "Eto na! Babangon na!" I replied, at dumeretso na ako sa banyo para mag toothbrush at maligo.

May lima kaming maids sa bahay, or i should say, mansion. The first maid is Yaya Nimpa, ang pinaka matanda, she's been working in our mansion in  5 years and counting and she's like my grandma. The second maid is Yaya Soleng, medyo tumatanda narin kase halata na sa kanyang mga buhok and kumukulubot na din ang kanyang mukha and we're close. The third one is Yaya Niña, nasa mid 30+ sya and months palang siyang nagtratrabaho sa amin. The fourth maid is Yaya Cely, she has a lot of similarities with Yaya Niña, they are like bestfriends or I should say bestfriend nga sila. The last one is Yaya Marie, newbie sya and about a few days palang siyang nagtratrabaho sa amin.

Nag tataka siguro kayo kung bakit wala ang mga parents ko 'noh! As usual, palagi silang nasa mga business trip. They are both busy with that fvckin' business, halos wala na nga silang time sa akin e! I'm their only child so they must focusing on me. I have a little bit tantrum to them because sometimes they are not giving their attention to me but I'm thankful to them because they gave me a life just like a princess.

I'm wearing a floral dress from H&M and a cream high hills and a bag from Channel. I took a few pictures and post it in my social media accounts. For y'all to know, I have a lot of fans in our school and I have a lot of followers too because I'am a Beauty Queen. I participate all the pageants in our school and gladly, I always win because I have a Beauty and Brain. I'm a Top 1 also in our class or I should say I'm a deanlister.

After I prepared all my things, I went downstairs to eat my breakfast. "Yaya Marie, sabihin mo kay Manong Ace na ihanda na ang kotse dahil mabilisang kain na lang ang gagawin ko ngayon" sabi ko nang pababa na ako sa hagdan. "Sige po mam" tukoy niya ate dumiretso na sa garahe.

Nang patapos na akong kumain biglang nagsalita si Yaya Soleng, "Mag text ka sa amin kung anong oras ka susunduin ni Ace sa school niyo at wag kang pupunta ng kung saan-saan at baka kami ang malintikan sa mga magulang mo" mahaba-habang sermon niya. "I'm already in 3rd year college. I have my limits already and I have a discipline mind. So, pls lemme' handle myself alone" I replied and rolled my eyes. "Pero~" magsasalita na sana ulit si manang pero pinigilan ko siya at tumungo na sa kotse.

By the way, we also have a 2 gardeners and we also have a 2 drivers. Si Manong Ace, matagal narin siyang nagtratrabaho sa amin at siya ang naghahatid sundo sa akin sa school. And, Si Manong Nestor, 1 year palang siya sa amin. I hate the thing na hindi man lang ako mabigyan-bigyan nila mommy at daddy ng kotse. Matagal ko nang hinihiling na magkaroon ng sarili kong sasakyan pero natatakot daw sila at baka mapahamak daw ako sa daan but duh! As I say, I'am a disciplined girl. I just forget it and went already to school.

SABRINA'S POV

Gumising ako ng maaga para magluto ng aking umagahan. Hindi ko na inaabala si mama para magluto at maghanda sa pagpunta ko sa school. Ako na mismo ang gagawa nun para hindi na siya mapagod. Pagkatapos kong magluto ay kumain na ako agad at tumungo sa CR para maligo.

Pagkatapos kong maligo ay nakita ko si mama na naghuhugas ng aking pinagkainan. "Ma, ba't gising ka na?" sabi ko habang nagpupunas ng aking basang buhok. "Syempre first day of school mo. Dapat aasikasuhin kita ng mabuti, pero mukhang hindi na kita maaasikaso dahil napaka aga mong gumising. Dapat ay ginising mo na lang ako." mahaba-habang sabi ni mama. "Ano ka ba ma. Ok lang ako at tsaka ako na diyan ma at magpahinga kana ulit para maging malakas pa kayo sa trabaho niyo mamaya, marami pa naman akong time." sabay kuha ng pinggan na kanyang hinuhugasan pero bigla niya itong nilayo sa akin. "Ok na ako, ano ka ba! Magbihis-bihis ka na at pumunta kana sa school mo. Mag-iingat ka papunta doon hah? At tsaka umuwi ka nang maaga ee baka may manloko sa iyo sa daan." bilin ni mama at yinakap siya sa likod. "Mag-iingat po ako para sa inyo ma. Mag-iingat din kayo huh? Paki sabi na din kay kuya at papa." saad ko at hinalikan siya sa pisngi at agad tumakbo papunta sa kwarto para maka pag-ayos.

Una palang alam ko nang ampon ako, pero kahit na ganun thankful padin ako sa kanila dahil inasikaso nila ako at napalaki ng maayos. May time na namimiss ko ang aking tunay na magulang pati na rin ang aking kapatid. Hangad kong makita ko sila ulit sa buhay na aking haharapin.

Pagkatapos kong maghanda at mailagay ang aking uniform sa trabaho ay tumungo na ako sa school. Hayst! Sana ay maging mabuti sa akin itong araw na ito.

Pagdating ko sa school ay agad kong nakita ang aking bestfriend. Si Christine Flojo pero tinatawag ko siya sa pangalang 'tinny'. Just like me, nerd din siya kase parehas kaming may eyeglass and palaging may hawak na libro. Mabait siya at mapagintindi. Tumakbo ako papunta sa kanya at tinawag ang kanyang pangalan. "Tinny!" malakas na pagkasabi ko. "Nandiyan ka pala! Hinahanap kita kung saan-saan ee" sabi niya na parang naiinis. "Ano ka ba! Ee' kararating ko lang ee" sabi ko na nakangiti. "Oh tama na! Tama na! Punta na lang tayo ng cafeteria at kumain ng pang-umaga doon" yaya niya sa akin at hinila pa ako. "Kumain na ako sa bahay" saad ko sa kanya pero bigla siyang sumimangot. Nagpapa-awa nanaman ito para lang samahan ko siyang kumain. "Oh! Sige na nga! Kakain na lang ako ulit" sabi ko na pilit at ito namang bruha na ito ay napakasaya na parang bata na na nakabili ng candy.

Pagka-order namin doon ay nag-aagawan kami nung spaghetti na inorder ko kase nga naubos na niya yung sa kanya. "Pahingi naman Sabi! Kahit konti lang! Gutom pa ako ee!" nagpapa-awa nanamang saad niya. "Itigil mo nga iyang pagpapa-awa mo. Sinamahan na nga kita tapos aagawin mo pa itong kakainin ko." sabi ko at inilayo sa kanya iyong spaghetti pero pinipilit niya pa itong kunin. Hanggang sa natapon yung spaghetti sa floral dress at bag ng isang babae.

"Halaa Sabi!" sabi ni Tinny. Linungon ko iyong babae at nabuo na ang galit sa kanyang mukha. Mukhang mamahalin yung dress niya at pati yung bag niya. Patay ako nito!

~~~~~~~~~~
Hey ya' guys! Pls, support my story and I hope my story will be inspiring y'all!♥️

If you want to know if what happened next, pls keep on reading!😊

I hope you enjoy and like it!💋

~quinayra❣️

The Beauty and The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon