Love or Infatuation?
Date Published: ---
---------
Love or Infatuation?
Yan yung laging tanong sa isipan ko simula nung nakilala ko si Ian Serrano Layson, 22 years old, lives in Porac Pampanga and born on May 3, 1992. Tall, white and handsome, a Certified Public Accountant, and he's currently working in Sycip Gorres Velayo & Co. o mas kilala sa tawag na SGV as an External Auditor... Oh diba ang sosyal nya?! ^_____^ Bukod sa ang talino nya.., tall, white and handsome pa sya.. As in super gwapo nya..
Hmmmm..
Pano ko sya nakilala?
Well, nagtetraining kasi ako sa ITOCHU Corporation sa Ayala Avenue sa Makati nung summer.
Nirecommend ako ng tito Roderick ko sa kompanyang pinagtatrabahuhan nya.. Yung tito ko isang driver ng hapon. Yes, puro japanese ang mga boss dun sa ITOCHU.. Company trading yun..
At ang headquarter ng ITCMNL ay sa Tokyo, Japan... Oh diba sosyal na naman? :)
"Sherly, ipapakilala pala kita sa auditor namin kapag pumasok na sya dito.. Taga SGV yun..." sabi ni Ms. Sheila, isang accountant.. "Gwapo yun..at bata pa..siguro 21-22 lang si Ian.." dagdag nya..
Napatingin naman ako sa kanya at nabitawan yung hawak ko.. E kasi naman nakakagulat nga.. Ang bata pa, CPA na agad..
Nakakabilib naman... At bukod sa nakakabilib, sinabi pa ni Ms. Sheila na gwapo si Ian..
Napangiti na lang ako kay Ms. Sheila at binaling ko ulit yung atensyon ko sa ginagawa ko...
Habang nagbobrowse ako ng files ng ITOCHU, may nakita akong SGV folder..
Syempre interesado ako dun sa sinasabi nyang Auditor slash Gwapo slash CPA na si Ian..
Imbes na Ian ang makita ko, Ivan yung nakita ko.. Siguro Ivan ang real name but Ian yung nickname..
Kaya I searched him in facebook, gmail and google.. Sinearch ko din yung SGV kung may Ian or Ivan ba talagang nagwowork dun..
Ilang araw ko din tinry magsearch kasi nagbabakasakali ako na makita ko agad yun.. But then, wala akong nakuhang result.
Kasi, imposibleng makita ko yun.. E andaming Ian ang name dito sa mundo at di ko alam kung ano ba yung SGV..at isa pa, di ko pa sya nakikita kaya di ko pa alam yung itsura nya..
And I dont even know his surname.. Kaya imposible talaga..
** After a week...
Dahil trainee lang ako dito, maaga ako lagi pumapasok... 7:30am nasa office na ako kahit wala pang tao sa department namin.
At kapag dumadating na yung mga boss ko..lage kong hinahanda ang sarili ko para magtanong sa kanila kung anong pwede kong gawin.
Or baka tawagin nila ako at utusan. Kaya lage dapat akong attentive. But then..mas maraming araw akong walang ginagawa..
11:45 am na pero nakaupo pa rin ako sa harap ng computer na toh. Haist..
Tumayo ako at nagpunta ng cr.. I placed my thumb on the biometrics para makalabas ako..pero failed ng failed.hindi maread yung thumb ko.
Hanggang sa...may lumabas na isang lalaki galing sa conference room...malapit lang yun sa likod ko.. Alam kong lalaki kasi nagsalita sya. I think over the phone. So I ignore and keep placing my thumb..
Pero ganun padin. Failed. -___-
I want to ask some help sa lalaking nasa likod ko.. So, I faced him, but then..