Meet my new boardmate

211 8 1
                                    

Lyanne's P.O.V

Excited na ako! Sabi kasi ng Nanay

Marta (landlady ko) may bago akong boardmate pero sa kabilang room siya pero at least hindi na all by my self ang peg ko.May makakakwentuhan na ako.Sana babae para magkasundo kami.Hindi na ako makapaghintay na makilala siya.Mamaya daw siya darating kaya maghihintay nalang muna ako.

Habang naghihintay ako ay ipapakilala ko muna ang sarili ko sa inyo.Ako nga pala si Lyanne Cacho.Kumukuha ako ng kursong Bachelor of Secondary Education major in Social Studies sa isang pampublikong unibersidad.Nagpasiya akong magboarding house dahil malayo ang bahay namin mula dito.Kailangan mo pang bumiyahe ng tatlo o higit pang oras.

Maya maya ay may narinig na akong ingay mula sa baba.Parang may kausap iyong landlady ko.Dahil may pakiramdam akong siya na nga iyong bago kung makakasama dito sa boarding house ay agad agad akong bumaba para makita.Ngunit,laking gulat ko ng makita kong lalaki pala ang makakasama ko dito.Nanlumo ako bigla.Akala ko may makakasama't makakausap na ako,hindi pala.Tatalikod na sana ako ng mapansin ako ni Nanay Marta (landlady ko) kaya agad niya akong tinawag.

Ly,dumating na iyong boardmate mo.Halika dito at ipapakilala kita alam ko naman na kanina mo pa siya hinihintay magmula nong sinabi ko sayong may bago kang boardmate.

Kahit labag sa kalooban ko ay lumapit parin ako.Hindi ako pinalaking walang modo ng mga magulang ko.

Ly,si Shawn nga pala.

Shawn,siya naman si Lyanne.

Iniabot ko ang kamay ko kahit napipilitan lang ako.Pero......nagulantang ako ng tinignan niya lang ang kamay ko sabay sabing, "Nag-alcohol ka na ba"?.Literal na napanganga ako at naramdamdan ko nalang na parang biglang umakyat ang dugo ko sa ulo.

Hindi lang ako ng alcohol naghand sanitizer pa ako with safeguard pa.sagot ko sabay irap.Maya maya nagsalita ulit siya.

Nanay Marta,akala ko po sobrang ganda ng makakasama ko dito sa boarding house,hindi naman pala.Iyon po kasi ang sabi mo sakin noong nag-inquire ako.

Ah ganun ba?Pasensya ka na ah.Hindi kasi ako kagandahan.Kaya kung gusto mo,maghanap ka nalang ng bagong boarding house at pwede ka ng lumipat agad agad.Pwede?

Mahirap kayang maghanap ng boarding house no.Dito nalang ako.Pagtitiisan ko nalang dito.Kahit nandito ka pa.,sagot niya

Talaga namang pinapainit ng taong ito ang ulo ko ah.Ngumiti nalang ako ng peke at nagpaalam na kay Nanay Marta.Paakyat na ako ng hagdan ng marinig ko din siyang nagpaalam kay Nanay Marta kaya binilisan ko ang paghakbang sa hagdan.

Walang hiya muntik na akong atakihin sa puso ng makita ko siya sa likod ko.Gaano ba kahahaba ang legs nito at kung makahakbang daig pa ang kabayo.Ang lalaki ng hakbang.

Sisiguraduhin kong hindi ka mag-eenjoy dito.Gagawin kong miserable ang buhay mo.Iyong ikaw na ang magkukusang umalis.Tandaan mo yan!

At binalibag ko ng pagkalakas lakas ang pinto ng kwarto ko.Nanggagalaiti ko sa inis.Nag-isip ako ng mga paraan kung paano ko siya iinisin at gagalitin para umalis na siya dito.Bukas na bukas din ay uumpisahan ko na ang aking plano.

Makikita niya.Lilipat din yan agad.Tignan natin kung makatiis siya.WAHAHAHAHAHAHAHA.(*insert evil laugh)

Shawn's P.O.V

Hay! Sa wakas natapos din akong mag-ayos ng mga gamit ko.Anong oras na ba?Mag-aalas nuebe na pala.Dahil sa sobrang pagod ay nahiga ako sa kama ko.

Naririnig ko Lyanne na tumatawa.Baliw naman na yata siya.Nakakita lang ng gwapo eh,nabaliw na agad.Siguro tuwang tuwa siya kasi gwapo pala kasama niya.Kunwari pa siyang naiinis at aayaw ayaw pero ang totoo naman pala gustong gusto niya.

Muntik ko ng hindi mapigilan iyong tawa ko noong nakita ko iyong muka niya pagkatapos kong sabihin na "Nag-alcohol ka na ba"?,

That was a priceless reaction! Hindi maipinta iyong mukha niya. Kahit siguro ang pinakamagaling na painter hindi kayang ipinta yon.Nagulat talaga siya with nganga pa,hindi niya siguro akalain na ganun ang sasabihin ko..

Supposed to be,makikipagkamay naman sana ako sa kanya eh kaso naisipan ko lang siyang pagtripan.

At nagtagumpay nga ako.Parang gustong gusto ko siyang pagtripan.Araw arawin ko nga ang pang-aasar sa kanya.Siya pa ang may ganang takutin at balaan ako.Tignan lang natin kung umepekto sakin ang mga sinasabi niya.

A/N:  Naku may balak silang dalawa sa isa't isa.Si Shawn,iinisin si Lyanne.Si Lyanne naman gagawa ng paraan para mapaalis niya si Shawn.Sino kaya ang magtatagumpay sa kanilang dalawa?Abangan!!Quess who?

                 -Penelope0414

#TeamAbangers

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Away! Bati?.Ano ba talaga?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon