Chapter 23

58 3 0
                                    

Cristine Dela Vega

Tinatanong ko ang sarili ko, paano ko ba nagawang maka-survive sa apat na buwang wala ni anong komunikasiyon kay William at maging ang kinaroroonan niya ay hindi ko rin alam.

Wala na rin akong balita maging sa pamilya niya. Unti-unti na ring lumalaki ang aking tiyan , indikasiyon na talagang buntis nga ako, at sa ilang beses na pagpapatingin ko ay palaging nandiyan si mama, siya rin ang nagtutustos sa mga pangangailangan namin ng anak ko.



Sa kanya na rin ako nakatira ngayon dahil na rin sa kagustuhan niyang makabawi sa akin, at ni hindi namin binabanggit sa usapan ang anumang bagay na magpapa-alala sa pamilya ni William.



Gawa na rin ng kuryosidad ay nalaman kong kaya pala umasenso si mama ay sa lalaking napangasawa niya matapos niyang iwan si sir Philip.


Binata ito at kasing edaran niya, namamasukan noon si mama bilang empleyado nito sa isang kumapanya at nagkaroon sila ng relasiyon.

Sa una ay tutol ang mga magulang ng boss ni mama pero sa huli ay natanggap rin nila. Hindi rin sila mapalad na nabiyayaan ng anak at ang masaklap pa ay namatay ang lalaki, kaya't sa kanya ipinamana ang mga ari-arian nito.

Sinabi rin sa akin ni mama na , binalak niya noon na bumalik sa amin ni papa pagkatapos niyang makipagkalas kay Sir Philip, kaya lang bukod sa natatakot siyang hindi namin tanggapin ni papa ay dahil na rin sa kahihiyan, pakiramdam niya daw ay wala na siyang mukha pang maihaharap sa'min ni papa, hanggang sa mawalan na siya ng balita tungkol sa amin.


At tutal ay marami na rin namang impluwensiya si mama ay ginamit niya ang pagkakataong iyon upang mahanap  at paimbestigahan ang sitwasiyon ko.


Gustuhin ko mang magalit sa kanya ay wala na rin namang magbabago, at isa pa'y nakaraan naman na iyon, napatawad ko na si mama hindi pa man kami nagkakakilala ni William.




Si mama na lang ang natitirang pamilya ko bukod kay grace. Sila na lang ng anak ko ang mayroon ako ngayon.



Grace has been my companion sometimes, tulad ngayon at sasamahan niya  ako sa pagpunta sa hospital. Sa apat na buwan, ay parang nagbalik sa normal ang buhay ko tulad ng dati, malaya 'kong nagagawa ang gusto ko ng walang nagagalit at sumisigaw sa tuwing may maling bagay akong nagawa.



Masyadong normal at masyado ring malungkot. Paano ba  ako nagawang tiisin ni William ng ganoong katagal. May mga pagkakataon pa nga na hindi ako makatulog sa gabi at nakakatulugan na rin maging ang pagiyak.



"Ma, huwag ka sanang ma-offend sa itatanong ko, pero nung time na naghiwalay kayo ni papa does he know na kaya mo kami iiwan ay dahil sa may iba ka na?"



Bigla kong tanong kay mama noong pumasok siya sa kuwarto para ayusin ang ilan sa mga gamit ko.


"Yes, actually Joaquin is a childhood  friend. And he finds out  my affair with philip 1 year after I gave birth.

But did you know what he did during that time? He just hugged me and whisper on my ear how sorry he was for hurting me,

dahil pinilit daw niya ang sarili niya sa akin at ikinulong ako sa isang kasal na hindi ko naman ginusto.


Wala akong sumbat na narinig mula sa kanya, hindi niya ako nagawang saktan…

Pero alam mo anak, doon ko napagtantong tama ang laking pinakasalan ko na mahal ako ng papa mo.



Kaya lang hindi naman lahat ng tama ay iyon ang gusto.




Maaring si Joaquin ang tamang tao para sa akin, pero si philip ang mahal at gusto ko.


Noong araw na matuklasan niya ang sa amin, hinayaan niya akong pumili at ito nga, pinili kong iwanan ang sarili kong pamilya para lamang sa mga pansarili kong interes at kagustuhan sa buhay.




Mahal ko si Joaquin bilang kaibigan at hindi sa paraang gusto niya. At nagpapasalamat ako dahil sa mga kabutihang ginawa niya.



I was so devastated noong iwan ako ni Philip at nalamang magpapakasal na siya sa iba. Hanggang  sa nangyari na nga ang lahat, nandiyan ang papa mo para damayan ako, pareho kaming nakainom nang panahong iyon, may nangyari samin.

At inalok ako ng papa mo ng kasal dahil sa nabuntis ako sa iyo noon. Doon ko rin nalamang matagal na akong mahal ng papa mo.


Maniwala ka man o sa hindi pero sinubukan ko pa rin na mahalin siya. Pero mahirap turuan ang puso anak, sobrang hirap..."



Hindi ko rin naman masisisi si mama, maging ako ay kinakain ng guilt. Kung hindi lang sana ako nabuo hindi naman hahantong sa ganito. Makakasama ni mama ang taong mahal niya.
...


"Lalahatin ko na ah... Pero parang sa mga buntis na kakilala ko parang ikaw yung hindi nagbabago eh ,ganda mo pa rin"


pambobola ni grace habang nandito kami sa isang coffee shop, galing sa mall .


"You're saying that because I'm your friend".

.sabi ko na lang habang hinihimas ang aking tiyan


"Sus, don't me ha! My parents didn't raised me to be a liar.

Ikaw lang 'tong pa-humble. Anyways, maiba nga tayo, pinirmahan mo na ba yung annulment papers niyo ni William?"


  Sabi ko na nga ba't itatanong niya iyan, halos magdiwang pa si Grace ng malaman niyang si William pa ang mismong gumawa ng paraan para maging posible na ang paghihiwalay naming dalawa.



"I have no plans of signing that papers. Wala ng dahilan para pumirma pa ako. Mukhang hiwalay na nga talaga kami sa sitwasiyon namin ngayon".


Totoo naman, I don't know his whereabouts o kung may balak pa ba siyang panindigan ang anak namin.


"Agree! Alam mo kasi yang asawa mo...or your soon to be EX-HUSBAND rather. May pagka-selfish,buti na lang wala siyang heart disorder o di kaya sakit sa puso. Baka yun pa ang ikamatay niya, palagi kasing galit.."



My thoughts suddenly vanished when I saw someone who is few meters away from  us, they just enter the coffee shop at halatang masaya silang dalawa.

Her Greatest NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon