Cristine Dela Vega
"What's with the face at mukhang galit na galit ka? "
nagtataka si grace ng biglang mag-iba ang ekspresiyon ng mukha ko. L
Nakatalikod na ang taong tinitingnan ko, kaya't hindi rin nakita ni grace kung sino ang mga ito.
At isa pa hindi pa rin naman niya nakikilala si Sofia. Paano ba nagagawa ng babae na 'to na makipaglandian sa mga pampublikong lugar tulad nito, to think na isa siyang doktor at teacher ang asawa ko, maaring may makakilala sa kanya, at sa ginagawa niya ngayon.
Hindi naman ako ganito mainis pero talagang nadadala ako ng emosiyon ko samahan pa ng mga mood swings ng tulad kong buntis, kaya halos patayin ko na si sofia sa isip ko.
Siya lang naman ang nagiisang tao na naiisip kong maaring puntahan at uwian ni william maliban sa pamilya niya. At ito siya ngayon may kasamang ibang lalake.
"Sandali lang hah.. Punta lang ako doon, may kakausapin lang ako"
paalam ko kay Grace as I am pointing out my fingers to sofia, who is currently taking her orders.
Umalis ang kasama nitong lalaki at lumabas ng pinto. I've noticed na hindi na malaki ang tiyan ni Sofia at marahil nga ay nanganak na ito.
Inayos kong mabuti ang sarili ko habang papalapit ako sa puwesto niya.
Saktong pagkadating ko ay natapos na rin siyang mag-order sa waiter, kaya't malaya na kaming makakapagusap.
She seemingly surprised by my sudden appearance, at napatayo siya sa puwesto niya at nakipag-beso sa akin.
"Have a seat, bakit hindi mo kasama si William?"
Tanong ni sofia na siya namang ikinagulat ko.
"Obviously ,hindi ko siya kasama. I am with a friend...At ikaw, bakit hindi si William ang kasama mo ngayon?
Bakit mo nagagawa sa kanya ang bagay na ito? ".
Seryosong sagot at tanong ko sa kanya, at hindi ko na inabalang umupo pa. Dahil aalis rin naman ako agad matapos ng paguusap na ito.
"Wait... I don't know what you are talking about, akala ko nakapag-usap na kayo ng asawa mo... Wala kaming anumang relasiyon ni William. Magka-ibigan lang kami... "
"Gusto kong malinawan kaya nga tinatanong kita, sino ka ba talaga sa buhay niya?"
"What ever your husband did tell, walang katotohan iyon, kung sinabi man niya na siya ang tatay ng anak ko at may relasiyon kami hindi iyon totoo.
Hindi ko kasama si william because he and his family went to canada 3 months ago.
That is why I got confused kung bakit hindi mo siya kasama ngayon, we are friends and he is one of our patient, that's it.
Kaya siya nagpunta ng canada ay para magpagamot, ilang buwan na ang nakalipas, even before the accident of your daughter, nagkita kami ni William sa hospital.
Isa ako sa mga doktor na tumingin sa kondisyon ng asawa mo. And he was diagnosed with Leukemia.
One of its symptoms ay ang pagkakaroon ng mga pasa, although hindi pa gaanong lumalabas sa katawan niya ang ganoon, dahil nasa stage 1 pa lang naman ito. We suggest na mag-meditate siya ng gamot para hindi na ito lumala pa. Pero habang tumatagal ay lalong nag-trigger ang sakit niya. The last time we check ay nasa stage 3 na ito.
Noong araw na nagpunta ako sa inyo, akala ko alam mo na ang tungkol sa sakit niya, william told us na alam mo na.
At pinakiusapan ako ni william na huwag ring ipaalam sa iyo. Sorry, about this Cristine. Pero hindi ko rin talaga alam.
Noong araw na nakita mo ako sa school kung saan nagtuturo si William, nagkaproblema lang talaga ako ng araw na iyon, at nagprisinta si William na makipagkuwentuhan tungkol sa problema ko.
I'm so sorry".
That revelation hits me so bad, at bigla ko namang naalala ang mga pasa sa ilang parte ng katawan ni William partikular na sa dibdib at braso.
Natulala ako sa mga sinabi niya, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Galit , lungkot at pangamba.
Asawa niya ako pero wala akong kaalam-alam. Lumapit sa gawi ko si Grace at tinatanong kung bakit ba ako umiiyak.
Bigla namang dumating ang lalaking kasama ni Sofia, at umupo na sa kabilang side niya.
"Aeron, this is Cristine .At Cristine ito nga pala si Aeron,siya yung tatay ng anak ko."
Ngumiti lamang sa akin ang kasamang lalaki ni sofia. Tumayo siya para yakapin ako , sinabi niyang magiging maayos din ang lahat, between william and I.
Buong biyahe pauwi sa bahay ni mama, ay nakatingin lamang ako sa cellphone ko umaasang tatawag ang number na ibinigay ni Sofia, para ipaalam na nasa mabuting kalagayan na siya ngayon. Binigay na rin sa kin ni Sofia ang address ng hospital, kung saan ginagamot si William.
Nabanggit ko kasi sa kanya na, hindi ko na ma-contact ang mga number ni William, o maging ang pangalan niya sa mga social media accounts ay deleted na rin.
Sa pagkakataong iyon , nang malaman ko ang totoo sa kalagayan niya ay nabuhayan muli ako ng pagaasa na makikita ko pa siya. My inner self keeps on telling me that I have to make things right. And my heart wants William back.
✌ ✌ ✌
Keep Calm and Love William
BINABASA MO ANG
Her Greatest Nightmare
Любовные романыIt's a story of undying love and the sufferings brought by love itself.