#AGBGBROKENHEART
ISIAH's POV
Masaya kaming naglalangoy sa dagat at naglalaro kami ng habulan. Habang sila Sir Sky at Suzie ay nag-uusap at si Mr. Kim naman panay kain.
"Oh isiah I catch you!" Wika ni Seven na panay ang tawa ng mahuli ako. "ikaw na ang taya!"
"Ha? Gulat kong tanong sa kanya. "Nahuli mo ba ako?" Wika kong pakamot-kamot pa sa batok ko. "Ang daya mo naman Seven!"
Pag-aapela ko habang sila Seven tawa nang tawa, at sabay sabay silang naghiwahiwalay para 'di ko sila mahuli.
Habang hinahabol ko si Miyu, nakita kong nasa unahang bahagi ng dagat si Storm at Victoria, naghahalikan. Kanina pa 'tong dalawa na 'to nagpapalitan ng laway, 'di pa sila nag sasawa? Napapailing ako sa mga nakikita ko.
Sa kakatitig ko sa kanila 'di ko namamalayan na nag-aantay na pala sa'kin ang mga ka laro ko, nasa likod ko sila tinatanaw din ang tinatanaw ko.
"Isiah, baka naman malusaw 'yang tinitignan mo." Wika ni Steven sa'kin.
Nabalik ako sa sarili ko nang marinig yung sinabi ni Steven. bago ako napalingon sa kanila, inilubog ko muna ang ulo ko sa tubig pero hinila ako ni Steven.
"Tama na 'yan." Wika niyang sabay yakap sa akin "c'mon umahon muna tayo."
Tumango lang ako, nagpaalam muna si Steven kay Miyu at Seven at tumango lang ang dalawa at nagpatuloy sa paliligo. Umupo kami sa tabi nila Sir Sky dahil may burn fire silang ginawa at para 'di kami ginawin.
"Oh? Are you done swimming?"
Tanong ni Sir Sky nang makalapit na kami. Sinabi naman ni Steven na nilalamig na ako kaya umahon muna kami, binigay niya sa'kin ang twalya para suporta sa lamig.
Tahimik kaming nakaupo ni Steven nang tumayo ito at kumuha ng soujo at umupo ulit sa tabi ko.
"Lets drink."
Inabot niya sa'kin ang soujo, pero tinanggihan ko. Pinilit niya ako kaya tinanggap ko nalang din, total nasa legal age nako kaya pwede na.
Habang tahimik kaming nag-iinuman, naririnig ko namang seryosong nag-uusap si Sir Sky at Miss Suzie about sa trabaho, kaya nilingon ko silang dalawa na ikinatigil nila sa pag-uusap at napalingon sa'kin.
"Ba't naman puro trabaho pinag-uusapan n'yo?"
Napalingon na rin si Steven sa likod ko nang marinig ang tanong ko kay Sir Sky at Miss Suzie.
"Oo nga ba't nga ba?"
Panggagatong naman ni Steven sa sinabi ko, kaya naman nagkatinginan sila Sir Sky at Miss Suzie.
"Dapat po ang pinag-uusapan n'yo ay ang about sa inyong dalawa." Wika ko sa kanila.
Lalong nagkatinginan and dalawa, pagkatapos ko masabi 'yon ay tumalikod ulit ako at humarap sa iniinum namin ni Steven.
Nasa kalagitnaan kami nang tahimik na pag-iinum ay nakita naming papalapit si Storm at Victoria. Naramdaman kong hinawakan ako ni Steven sa kamay at pinisil niya ito tanda nang pagsasabi na i-control ko sarili ko.

BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romance"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...