°°°°°°°° One Episode story°°°°°°°°°°°°°
True based story
Shared
Credit to the OwnerItago nyo nalang po ako sa pangalang April.
Third year High School ako noon ng may unang lalakeng nagpaparamdam sa akin ng paghanga. Binibigyan pa niya ako ng mga love letters, sya si Randy. Ka-Batchmate ko ngunit hindi ko siya classmate, magkatabi lang kami ng classroom na pinapasukan.Habang nagkaklase kami ay napansin kong panay ang sulyap niya sa akin, ngunit hindi ko lamang iyon pinapansin. Hanggang isang araw ay may inabot ang aking classmate na isang letter. Galing raw ito sa kanyang pinsan doon ko nalaman na pinsan pala niya ang lalakeng panay ang sulyap sa akin tuwing kami ay nagkaklase.
Sa sulat na iyon, ay inamin ang kanyang nararamdaman para sa akin, crush niya raw ako, kaya panay ang sulyap niya sa akin. Ilang araw pa ay nagpakilala na siya sa akin ng personal, siya raw si Randy. Napangiti naman ako at nagpakilala rin sa kanya, kasama ko ang mga kaibigan ko ng mga oras na iyon pilit nila akong kinukulit na tabihan si Randy sa pag-upo at kausapin ko raw ngunit tanging ngiti na lamang ang naisagot ko dahil narin nahihiya ako ng mga oras na iyon.
Siya ang unang lalakeng nagpakilala at nagtapat ng nararamdaman sa akin, ngunit binabaliwala ko lamang iyon. Dahil sa mga panahong iyon ay wala pa akong alam sa mga ganoong bagay. Ilang araw din na nakikita at nakakasalubong ko siya sa Fat way ng school namin ay tamang ngitian lang kami, hindi naman ako nagsasalita sa tuwing nagkikita o nagsasalubong kami ng landas. Ilang Love Letter din ang naiabot sa akin ni Randy, sinabi ko naman sa kanya na wala siyang pag-asa sa akin dahil wala akong nararamdaman sa kanya at tanging pag-aaral lang ang nasa aking isipan ng mga panahong iyon at hindi parin ako handa sa mga ganoong bagay, ang pumasok sa isang relasyon.
Ilang lingo ang nagdaan ngunit hindi ko na nakikta o napapansin si Randy sa school hindi na pala siya pumapasok, hindi ko naman alam ang dahilan kong bakit hindi na siya pumapasok sa school. Nahihiya din naman akong tanungin ang kanyang pinsan na classmate ko at mula noon ay wala na akong nagging balita sa kanya.
Nang makapagtapos ako ng High School ay hindi muna ako tumuloy sa pag-aaral ng kolihiyo, dahil hindi pa kami kayang pag-aralin ng sabay-sabay ng aming mga magulang dahil narin sa kahirapan sa buhay.Kinausap ako ng aking mga magulang na hindi muna ako mag-aaral ng dalawang taon para makapagtapos ng kolihiyo ang aking ate ako naman raw ang mag-aaral pag nakatapos siya. Pumayag naman po ako para narin makatulong sa kanila.
Pinasok ako ni mama bilang kasambahay ng kakilala at ka-church namin. Hindi rin nagtagal ay na-assign ako sa kanilang grocery store.Talagang challenge sa akin ang pagtatrabaho sa ibang bahay, dahil first time ko yon at iyon rin ang unang pagkakataon na mahiwalay ako sa aking pamilya. Unang araw ko pangalang sa trabaho ay nakabasag na agad ako ng isang baso.
Marami akong kapalpakan na-experience sa unang trabaho ko na iyon. Katulad na lamang ng pinapalinis ako ng posit, akalain mo ba naming itinapon ko ang mga mata ng pusit. Nagulat na lamang ang amo ko ng kaunti nalang ang ulam na niluto ko samantalamang marami iyon.
Pangalawa pa lamang yan sa nagawa kong kapalpakan sa aking unang trabaho at marami pang sumunod. Pinapatimpla ako ng amok o ng Juice dahil may bisita siyang Co-Teacher rin niya. Nagtaka sila kong bakit isang petsil ang inilagay kong tubig samantalang isang pack lang naman ng Juice ang pinapatimpla nila, ng matikman nila ay tamis na lamang ang nalalasahan at hindi na ang Juice dahil sa dami ng tubig na aking nailagay at asukal.
At ito pa, nagluluto ako ng hapunan ng bilang nag Brown-Out, ang ginawa ko ay nagsindi ako ng kandila at ipinatong sa koi yon sa itaas ng termos habang nagluluto ako ay naalala ko ang kandila na ipinatong ko doon ngunit laking gulat ko ng Makita ang termos na mistulang tunaw na kandila dahil sa pagkasunog ng itaas nito.
BINABASA MO ANG
Ang LSK (Love Story Ko)
AdventureUna sa lahat ay nagpapasalamat ako sa tiwala at pagbabahagi ng estoryang ito ate Carly 😘😘😘 Ang estoryang ito ay basi sa tunay na buhay. Ang mga pangalan ng bawat tauhan ay sadyang binago ayon sa hiling ng ating sender. Nawa ay magbigay ito ng ara...