#AGBGfirstweekinkorean
ISIAH's POV
'Di ko namamalayan na naka one week na pala kami dito sa Korea. Madami din kaming dinanas na lungkot nang mga nagdaang araw, isang linggo na din pala akong broken nang malaman kong mag on si Storm at Toria.Namasyal ako sa garden ng hotel, napakaganda naman dito, lalo na may butterfly garden sila. Sa kalagitnaan nang pamamasyal ko ay nakasalubong ko si Victoria.
"Nandito ka pala? Ang pagkakaalam ko kasi pinasara muna to ni Storm para ma solo niya ako."
"Ah, ganun ba? 'Di kasi ako ininform ng taga hotel tungkol dito." Wika kong napapakamot sa noo ko. "Well anyway... I'll go ahead."
Palabas na sana ako nang makasalubong ko si Storm. Nagkatinginan kaming dalawa, 'yang mga titig na 'yan ang ayaw ko makita, kasi nasasaktan lang ako.
"I'm sorry 'di ako na inform na pina close mo 'to para ma solo siya."Pagturo kay victoria
"Ah, its okey."
Nakita kong may dala siyang flower at box, ano 'to? Mag-po-propose na ba siya kay Victoria? may kung anong sakit ang naramdaman ko sa mga iniisip ko, lalo lang ako nasasaktan.
Lumagpas si Storm sa'kin, kahit 'di ko nakita alam ko na hinalikan niya si Victoria. Mukhang mahal na mahal na nga nila ang isa't isa. Lalabas na sana ako nang marinig kong sinabi ni Storm na..
"Flowers for you babe, happy one week of love"
Ah, naka one week na pala sila, narinig ko din na nag I love you-han sila sa isa't isa, ba't 'di ka pa umaalis Isiah? Anong inaantay mo? Na makita mo kung pano sila maghalikan?
"Will you marry me baby?"
Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang sinabi ni Storm. Talagang kumirot ang puso ko, halos nanamlay ako sa sakit na nararamdaman ko, bago pa man tumulo ang luha ko ay umalis na ako, 'di ko na inantay pa na sumagot si Victoria.
STORM's POV
Nakita kong walang lingon na umalis si Isiah, kaya tahimik ko lang na tinitigan ang pag-alis niya. Nang mawala siya sa paningin ko ay napayuko na lamang ako.
"Storm kaylan natin ipapaalam sa kanila ang plano nating kasal?" Napatingin ako kay Toria nang marinig ang sinabi niya.
"Seguro sa lalong madaling panahon."
Nakita kong napangiti si Victoria at niyakap ako, ano naman kaya ang iniisip nito? Na subra ko siyang mahal at minamadali ko? Nagkamali ata ako sa pagbigkas, pero wala na 'di ko na mababawi at nasabi ko na.
"Mukhang gustong gusto mo na talaga na makasal tayo agad at nagmamadali ka." Nakangiti niyang wika. "Natakot ka ba na maagaw ako ng iba?"
Sabi ko na nga ba, at yun ang iniisip niya, kaloka. Sa totoo lang 'di ko rin maisip ba't naging iba ang ugali ni Victoria. Basta pagkatapos nlng party ni Isiah ay naging wild siya at naging aggressive.
Siya nga ang unang nagyaya sa'kin ng sex. Nag-inum siya that time at mukhang may malaki siyang problema, nasa bar siya ng mga panahon na 'yon, tinawagan ako nang isang staff sa bar na yun na lasing daw si Victoria.

BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romance"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...