Unexpected turn of event!
CHASTY --
.
"Good morning every one! Welcome to,A Minute with.." itinapan ni Pevin ang kamay nya sa studio audience.
"PEVIN!" sabay na sigaw ng mga tao kasunod ng palakpakan.
"Chasty,pumunta ka na sa back stage,dun ka lalabas." sabi sa akin ng floor director,tumango ako at sinunod sya.
"Alam kong excited kayo para sa episode na ito. Ako din,ito kasi ang first time na maiinterview ko siya,so lets watch this." ani Pevin at ngumiti.
Nagsalita ang voice over at ipinakita ang mga luma kong pictures sa malaking screen.
"Lumaki sya sa piling ng hindi nya tunay na ama at dumanas ng maraming hirap. Sa kabila ng kanyang kasarian ay matapang nyang hinarap ang mga pagsubok ng buhay. Hindi lingid sa kanya kung saan sya nagmula,at dahil sa likas syang mabait na tao ay pinagbigyan ng Diyos ang hiling nya,ang makita ang tunay nyang pamilya." tapos ay pinakita ang mga pictures ko kasama ng pamilya ko sa korea,kahit nasa back stage ako ay hindi ko mapigilang maiyak,I really missed them.
"Nang dahil sa isang insedente ay natagpuan nya ang kanyang pamilya,ang ama nyang Prime minister ng South Korea ang naging daan para mas makilala sya. Mabait at mapagmahal syang kaibigan at anak,kaya mahal na mahal sya ng mga taong nasa paligid nya,saglit lang sya sa showbiz sa korea dahil mas gusto nya ng normal na buhay."
Sunod na pinakata ang tinutuluyan ko,at yung mga clip na may ginagawa ako. Namatay na ang screen,nagpalakpakan ang mga tao.
"Wow!" ani Pevin. "Excited na ba kayo? Ladies and Gentlemen's,lets give him a warm welcome,CHASTY PARK!"
Nagpalakpakan ang mga tao,lumabas ako at kumaway. Pinaupo ako ni Pevin sa sofa,at sya ay sa katabing couch.
"How are you feeling right now?" ani Pevin. Ngumiti ako bago sumagot.
"Kinakabahan,baka kung anong tanungin mo eh." sabi ko na ikinatawa ng lahat. Wow! Bumenta sa kanila yon?
"Hindi no. Hindi namin itatanong sayo yung mga bagay na yon. We just want to know you more. Youve been in such a hurricane life,at ngayong nalampasan mo ang mga iyon,anong masasabi mo?" ang sabi naman ni Pevin,mula sa aking puso ang isinagot ko.
"Syempre,hindi ako makapaniwala. Una palang sinabi ko na sa sarili ko na gusto ko ng simpleng buhay,pero hindi nangyari iyon,dumadating talaga ang pagsubok para patatagin tayo. At masasabi kong kahit papaano ay naging matatag naman ako,sa tulong ng pamilya ko,at ng mga kaibigan kong lagi akong itinatayo tuwing nadadapa ako at nawawalan na ako ng pag asang tumayo at lumaban pa."
"Wow. Lalo mo akong pinapahanga,bihira lang ang tulad mo." ani Pevin.
"Salamat." nakangiti kong sabi.
"Mahal na mahal ka ng mga taong nakapaligid sayo. Watch this." at itinuro nya ulit yung screen. Nagulat ako ng nasa video ang tropa,magkakasama.
Peach: Si Kyuti Chasty? I love him with all of my heart,una palang namin syang nakita ni Bunny gusto na namin sya,sya yung tipong tahimik sa una,pero pag nagtagal nakaka sabay na.
Bunny: Tama! Theres something in him na wala sa iba,yung tipong you always want to be near him,yung tipong ayaw mong matapos ang oras pag kasama mo sya.
Napangiti ako,kailan kaya kinunan ito? Hindi sila nagsasabi sa akin. Tumutok ang camera kay Jaigo,nakangisi ito at medyo kinabahan ako.
Jaigo: Si Chasty? Tahimik,maldita,minsan iyakin pero napatino nya ang gagong si Keyven! HAHAHAHA saksi ako kung paano sila nagsimula,pero ganon talaga ata ang buhay. Nako! Yang si Chasty yung tipo ng taong gusto mong iuwi sa bahay at Alagaan!
BINABASA MO ANG
Rebel Heart! (boyxboy) - COMPLETED!
Fiksi UmumLumaki si Keyven Montenegro sa isang pamilya/clan na open sa same sex relationship. Nasaksihan nya ang mga ito habang lumalaki sya at hindi nya maintindihan kung bakit ganon. Kaya pinangako at isinumpa nyang hindi gagaya sa mga tito nya na pumatol s...