Kung Sana (One Shot)

68 7 0
                                    

"Hi Sehun!" Urgh! Si Aira na naman! Kelan ba ako tatantanan nitong babaeng'to?

"Ano na naman?" asar kong baling sa kanya.

"Heto oh, Tanghalian para sa'yo. Ako ang nagluto nyan!" nakangiti  nyang sabi at nilapag sa mesa ko ang isang lunchbox. Kelan ba mauubusan ng energy 'tong babaeng'to? Lagi nalang nakabuntot sakin. Asar!

"Oh ano nagyon? Sa tingin mo kakainin ko yan?" sagot kong muli sa kanya. Agad namang nawala ang ngiti sa mga labi nya subalit muli syang ngumiti at tuluyang umupo sa tabi ko. 

Hindi ba sya nangangawit sa kakangiti? Ang bilis pa magbago ng mood. -_-

"Masarap yan! Siguradong magugustuhan mo!" Leche. Ang tagal magbell.

"Kaya kong bumili nga maraming pagkain at mas masarap pa dyan! Baka nga ang mga ingredients nyan sa tabi-tabi mo lang binili." agad namang nagtawanan ang mga tao sa cafeteria sa sinabi ko at nakita kong napayuko si Aira. Tsk. Napahiya ko na naman sya. Kasalanan nya naman eh. Ang kulit-kulit.

Tumayo ako at iniwan sya sa loob kasama ang kahihiyan. Nagtungo ako sa Gym ng school at doon ay nagpahinga.

Ako nga pala si Sehun. 18 years old. Isa lang ang tangi kong maidedescribe sa sarili ko. I'm Handsome. Yan ako, hindi sa pagmamayabang pero totoo naman kasi. Halos lahat ng babae sa paaralang ito ay may gusto sa akin. What's new? Tsk. 

Yung babae kanina. Si Aira. Isang babaeng napakakulit, Lagi saking sinasabi na mahal ako. Obessed na masyado sakin. Hayy nakoo. 2 years ko na syang kaklase at 2 years na din syang nakasunod sakin. Naiinis ako sa presensya sya. Lagi syang nakabuntot sa akin, dinaig pa ang bodyguard ko nung bata pa ako.  Walang araw ang hindi nya ako kinakausap. Dadaldalan. Patatawanin pero hindi naman nakakatawa. Lagi syang nagvovolunteer sa mga assignments ko na sya ang gagawa. Pero ewan, oo pumapayag ako, syempre iwas gawain. Hindi ko nga alam eh, sa dami ng mga gawain sa school nakakasama pa sya sa top, ang to think of it Top 3 sa school. Talaga naman!

Ok. Too much information about her.

"Hoy tol! Trip mo at nandito ka? Walang practice ah!"parang kabuteng sulpot ni Kai. Bestfriend ko. Hindi ko pala nasabi, basketball player ako. Ako pa!

"Hindi ako tanga. Alam ko, ayaw ko lang munang lumabas, mamaya nandyan na naman si Aira." bored kong sagot

"Haha, si Aira your loves? Nako naman pare, bakit ba ayaw mo dun? Maganda naman sya ah. To top of it, matalino pa!" sabi nya naman

"Lul! Edi iyong-iyong na!" ako

"No thanks pre, Loyal ako kay Shen ko." ay nyeta. Oo may girlfriend na nga tong gagong 'to. 3 years na nga sila eh. Matatag! XD

"Whatever." i just simply said at lumabas na nga gym. gusto ko ngang mapag-isa nandun naman yung Kai na yun. Anubayan.

Pumunta nalang ako ng rooftop at nagcut ng class. Boring eh. Makikita ko na naman yung Airang yung. At oo, kaklase ko sya. Matalino parin naman ako nho! 

Mahimbing akong natulog at mga ilang oras ay nagising na ako ng maramdaman kong may nagyuyugyog sakin.

"Sehun!Sehun!"  ah shit. Sino ba tong hinayupak na'to?

Dinilat ko ang aking mga mata at nakita ko ang isang napakagandang anghel. Patay na ba ako?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kung Sana (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon