"Wala po ba kaming pwedeng gawin para mahiram ang libro?" Tanong pa ni elena dito na kaagad ko namang sinangayunan.
Nasa harapanna kami ngayon ng librarian desk. At nakatayo kaming tatlo nila elena at ginoong antonio sa harap nito.
"Kailangan niyo sigurong makausap ang principal namin, pero wala kasi siya ngayon dito, pwede kayong bumalik sa lunes" sabi nito sa amin kaya naman napatango na lamang kami at bagsak ang balikat na bumalik sa bahay nila elena.
"Sayang...pero ang galing noh? Nagawa ni joselito ito, sinulat niya ang lovestory ng ate niya at ni ginoong antonio" pagkamangha ni elena.
Tahimik lamang akong naglalakad habang nakasunod lamang sa amin si ginoong antonio.
"Wag kang mabahala binibini...konting panahon na lamang ay maglulunes na" pagpapagaan nito ng aking loob kaya naman nilingon ko ito at tsaka nginitian.
Napaiwas kaagad ako ng tingin ng suklian niya din ako ng ngiti, mas lalo kasing lumalabas ang pagkagandang lalako niya.
"Sino pa kaya ang pwedenh tumulong sa atin, alam mo curious na curious na din kasi talaga ako sa kwento nina ginoong antonio eh" sabi ni elena habang naghahanda kami ng mirienda pagkabalik namin sa tahanan ni ginoong antonio.
Hindi ako nakasagot sa kanya. Lumilipad din kasi ang utak ko, ang dami ko ding iniisip.
"Kasi di ba, kung sabay sabay silang namatay nung 1899 dahil sa pagsabog sa malolos...edi dapat sabay sabay din silang nareincarnate. Kung nabuhay si ginoong antonio pagkatapos nuon at muling namatay nung 1946. Nasaan ka?" Pagpapaliwanag niya at tanong pa niyang muli sa akin.
"Ako?" Magulong tanong ko.
Napatango si elena, pagkatapos ay napabaling ako sa nakikinig lamang sa amin na si ginoong antonio.
"Hindi ko alam, baka nabuhay din?" Hindi pa siguradong sagot ko sa kanila.
"Kung ganun bakit hindi ka nakita ni ginoong antonio?" Tanong pa ni elena sa akin.
Mas lalong nagkabuhol buhol ang laman ng utak ko. Hanggang sa nakita ko kung paano gustong hawakan ni ginoong antonio ang kamay ko.
"Marahil ay may mali..." malumanay na sabi niya sa akin.
Kumunot ang aking noo. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.
Dahil sa aking pakikipagusap kay ginoong antonio ay kaagad na napahinto si elena sa paginom.
"Andito siya?" Tanong niya sa akin.
Napatango ako. "Kanina pa" sagot kaya naman nanlaki ang kanyang mga mata at mas pinili na lamang na manahimik.
"Paano kung, may pumigil na magkita tayong muli sa pangalawang pagkakataon?" Sabi nito sa akin kaya naman napaisip ako.
Muli kong naalala yung napanaginipan ko. "Ang natatandaan ko, ilang araw bago sumabog ang malolos ay hinatulan ng bitay si celestina, pagkaraan ng ilang araw ay sikreto kang dumalaw sa kanya para itakas siya" kwento ko dito.
Kumunot ang noo niya at napaisip din. "Wala akong matandaan..." pilit niyang pagalala pero nakita ko ang frustration sa kanyang mukha.
"Clue yan, i mean...kung malalaman lang natin kung bakit hinatulan ng bitay si celestina nuon. Mapagtatagpi na natin kung bakit nangyayari ang lahat ng ito" singit pa ni elena.
Napatango ako. "Kailangan talaga nating mahiram ang libro" sabi ko pa.
Pagdating ng lunes ay kaagad kong kinausap si andrea. "Hindi pwedeng hiramin, dapat daw ay makipagusap pa sa principal" sabi ko dito kaya humaba nanaman ang nguso niya.
BINABASA MO ANG
His last Comeback
Historical FictionHanggang saan mo kayang ipaglaban ang iyong pagibig na hinubog ng mahabang panahon? "Muli tayong mabubuhay, at hinihiling kong muli tayong magkita mahal ko..." "Susubukan ko" nakayukong saad ng lalaki. Sunod sunod na tumulo ang luha ng babaeng ngay...