#AGBGherbrokenheart
SEVEN's POV
Habang pabalik na ako sa kwarto, sa veranda ng hotel may nakita akong babae na naka puti, dagdagan pa ng hangin na nagwawasiwas sa kortina.
Lintik na 'yan! Kaylan pa nagka multo sa lugar na 'to? Dahan-dahan akong lumapit sa pinto ng veranda, sinisiklaban ako ng takot, pero pinili ko pa ring tumuloy. Nanginginig pa ang mga kalamnan ko nang marinig ko siyang umiiyak, nako po, nakakatakot naman 'to, umiiyak pa.
Dahan-dahan siyang lumingon, parang nahinto ang oras ko, pati mga nerves ng katawan ko parang nahinto. 'Di ako makagalaw, gusto kong tumakbo pero ayaw kumilos ng katawan ko. Nang tuluyan na siyang nakatingin sa akin ay bigla ngang natigil ang mundo ko.
"Ahhhh!!" Sigaw ko.
Yun na lang huli kong natandaan at everything went black, 'di ko alam kung ano ang nangyari, 'di ko na maalala.
-------------
***************
"Seven"Mahinang boses na narinig ko, dahan-dahan kong dinilat ang mata ko nang maaninaw ko siya ay napasigaw nanaman ako, sa gulat niya napaupo siya.
"I-Isiah?"
Gulat kong tanong sa kanya, inikot ko ang paningin ko, at nandito pa din ako sa pinto ng veranda nakahandusay.
"A-anong nagyari? Ba't nakahiga ako dito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya.
ISIAH: "Ewan ko sa'yo, nagulat na nga lang ako at nagsisigaw ka.." Aniya sa tumayo siya. "Tumayo ka na nga diyan."
Bumalik siya at umupo, tumayo naman ako at pinagpagan ang sarili ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, siya ba 'yung nakita ko kanina?
"I-isiah, ikaw ba 'yung nakita ko?"
Tumingin muna siya sa'kin, saka binalik ulit ang baba niya sa pagkakapatong sa tuhod niya, parang may problema siya.
"B-baket akala mo ba multo ako?" Sabay lingon niya sa akin. "Kaya ka ba hinimatay?"
Namula ako at mabilis na lumapit sa kanya, naupo ako sa tabi niya.
"Ba't naman kasi naka ganyan ka? At ano ang ginagawa mo dito sa ganitong oras ng gabi?" Tanong ko sa kanya.
'Di lang siya umimik at patuloy pa rin siya sa kalungkutang nararamdaman niya. Nagtataka na ako sa kanya at 'di naman siya ganito, alam ko masayahin siyang babae.
"Isiah may problema ka ba?"
Nabigla ako nang bigla na lang siyang humikbi, mukhang matindi ang problema niya. 'Di na lang ako umimik at hinayaan ko na lang na umiyak siya.
'Di ko alam kong ilang oras siyang walang imik, at panay iyak lang. 'Di ko alam kung hanggang kaylan siya ganito, pero hinayaan ko lang siya, hanggang sa mapagod siya.
-----------
*******
"Okay na ba?" Tanong ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romance"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...