Kabanata 6

1.4K 31 0
                                    


Pagkatapos ng nangyari sa rooftop, sinama na ako ni Edward papunta sa canteen.

Hindi niya ako iniwan kanina dahil matapos ang pag iyak ko, nakatulog ako sa balikat niya.

Hindi na daw siya nag abala pang gisingin ako dahil alam niyang kailangan ko daw munang magpahinga.

Pagdating namin sa hallway, hindi maiwasan ng ibang estudyante na magtapon ng tingin samin.

"Naku, nakabalik na pala si Papa Edward"

"Edward, tingin ka dito please"

"Bakit magkasama sila?"

"Kailan pa kaya siya nakabalik?"

Hindi na ako naninibago kung pinag-uusapan siya ngayon lalo na't magkasama kami.

Matagal na panahon din siyang nawala. At sa pagkawala niya, nawala na din noon ang mga haters slash bashers ko.

Nadala niya ata papuntang Seoul eh.

"What do you want?" tanong niya saken matapos niya akong ikuha ng mauupuan.

"Anything" tipid kong sagot sa kanya

Napapangiti ako kahit papano. Paano ba naman kasi, sa kabila ng pananakit ko sa kanya, mabait parin siya saken.

Pagbalik niya sa table namin ay saka naman dumating sina Kent kasama sina Adrian, Florens at si Pinky, yung bago daw niyang girlfriend. Kasama din nila yung iba pa nilang mga kaibigan na naging kaibigan ko rin dati.

Pagkaupo ni Edward, napunta ang atensyon ko sa direksyon nila. Nakatitig si Kent samin pati narin si Adrian at Florens habang abala naman sa kamanyakan moves tong si Pinky.

"Raniella, I want you to know that he doesn't want this shit to happen."

Naalala ko ang sinabi saken ni Florens kanina.

Sinungaling si Florens. Kung hindi talaga to ginusto ni Kent edi sana, gumawa siya ng paraan para magkausap kami, diba?

"Something wrong?" nakakunot noong tanong ni Edward sabay tingin sa likuran niya kung saan nakapwesto sina Kent at ang tropa nito.

"Wala naman. Kumain na tayo" nagpeke ako ng ngiti sa kanya at kumain na.

Kumain narin siya.

Kahit nakaharap ako sa pagkain, nakatitig na mga mata ni Kent ang nakikita ko.

Blangko ang mga ito.

Ni hindi ko mabasa kung anong iniisip niya.

Nakatingin parin kaya siya sa direksyon namin?

"Ran, would you mind if I ask you for dinner tonight? Okay lang ba?" tanong ni Edward saken habang nakangiti

Aaminin ko. Gwapo rin si Edward. Matangos na imong, mapupungay na mga mata, magagandang pilikmata at maninipis na mga labi.

Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Bigla nalang siyang magsasalita sa gitna ng katahimikan kaya nagulat tuloy ako.

"Ano, is it okay? Wala ka namang gagawin diba?" tanong niya ulit saken

"Sige" nagdadalawang isip kong sagot sa kanya

Matapos ang break ay pumasok na ako sa klase ko. Classmate ko din pala si Edward.

Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon