KABANATA 9 : TAONG NAGBABALIK MULA SA NAKARAAN

124 4 0
                                    

*Sa tanong niya bigla akong nanigas, di ko alam kong anu ang isasagot ko pero ng mga sandaling iyon isa lang din talaga ang nasa isip ko at iyon ay ang salitang oo.*

"Oo Seth I will." sagot ko naman sa kanya.

*Sa pagkakaraning niya sa sinabi ko ay agad niya akong niyakap ng pagkahigpit. Wala na rin akong nagawa pa kundi ang yumakap na din sa kanya. Alam ko sa sarili ko na mahal ko na talaga ang taong to mula palang nung una kaming nagkita sa parke kahit na medyo naasar talaga ako noon.*

[ Narrator's (POV) ]

*Dahil sa unang pagkikita at nasundan pa ay humantong sa isa na namang panibagong damdamin at pag-iibigan. Ngunit kasabay ng pag-usbong ng panibagong pag-ibig ay ang siya naman pagbabalik ng mga ala-ala mula sa nakaraan ni JP. Ulit, may mga larawan na naman na nagpapakita sa isipan niya at ang ikinagulat ni Seth ang ang pagbigkas ni JP ng pangalan ni CJ.*

*Sa unti-unting pagbabalik ng mga memorya ni JP ay kasabay din ang pagbabalik ng mga tao mula sa nakaraan niya. Sa pag-uumpisa ng buhay nilang dalawa bilang magkasintahan ay buong saya nilang hinarap ito. Pero sa pagbabalik ng mga tao mula sa nakaraan ay yayanigin na naman ang kanilang pagsasama.*

----------------------------------------

[ Jude Paolo (POV) ]

*Magdadalawang buwan na ng maging kami ni Seth. Sa katunayan mula noong naging kami ay alagang-alaga niya ako. Hatid sundo sa skwela ko. Di ko alam na ganito pala siya ka lambing at kasweet. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa tuwing magkasama kami at walang lumipas na araw na talagang hindi niya ako napapangiti. Di ko talaga alam kung anu bah talaga ang mayroon sa lalaki na ito bakit ganito ko nalang ito kamahal.*

*Mag-aalas dies na ng umaga ng biglang may bumusina sa harap ng bahay namin. Tiningnan ko ito kasi nga medyo familiar din sakin ang bosina na iyon. Pagkatingin ko ay si Seth pala at nakangiti sa akin. Ito talagang tao na ito kusa nalang talaga sumusulpot dito sa bakuran namin. Wala na akong nagawa kundi ang lumabas at magpakita sa kanya.*

"Good morning babe." bati niya sakin sabay halik sa labi ko.

"Good morning din babe. Bakit naparito ka?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Babe gusto ko sana na dumalo ka pagtitipon na gaganapin mamayang gabi sa resort namin." pagyaya niya sakin.

"Huh? bakit naman? Anu pala ang mayron?" tanong ko naman sa kanya.

"Kasi nga nabili na ni Mommy ang isa sa pinakamalaking resort dito sa Sta. Fe at gusto niyang magpasalamat." sagot naman nito sakin.

"Ganun bah? Pero wala akong maisusuot ehh." sagot ko naman sa kanya.

"Okay lang yun. Wala din naman masyadong tao tayo-tayo lang din." sagot niya naman sa akin.

*Sa mga ngiti at pagpupumilit niya sa akin wala na akong nagawa kung hindi kusa na ding bumigay ang malambot kung puso sa mga ngiti niya.*

"Sus! Kung di lang talaga kita mahal babe ewan ko lang." sabi ko sa kanya na nakataas ang kaliwang kilay.

"Babe naman ehh." sagot niya sakin sabay hawak sa baywang ko.

"Babe anu bah nasa public tayo ohh. Baka makita pa tayo ng ibang mga tao ano pang sabihin nila." sabi ko naman sa kanya sabay awat sa kanya.

"Basta babe huh sunduin kita mamaya. Wag ka mag-alala nakapagpaalam na ako kina tatay at nanay." sabi nito sabay kindat.

*Iba rin talaga ang karisma ng taong ito kahit na sina nanay at tatay napapasagot niya sa mga gusto niya. Sabagay sino bah naman kasi ang di bibigay sa taong ito. Napakaswerte ko na siguro kasi nga sweet, matalino at mabait pa ang taong ito. Di ko alam kung anu ang gagawin ko pag nawala pa ang taong ito.*

BOOK 2: MY ENEMY MY LOVER (BoyXBoy) - [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon