A/N: Hello everyone. First time ko palang to na gagawa ng story. Sana magustuhan nyo. :DD.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
(KATHRYN's POV)
Kinakabahan ako , First day of CLass na . Ngayon , 1st year college na ko. Napakalawak naman ng University na to. Sosyalin kasi si Mama , dito pa ako inenroll . Pero ayos lang, 1st day palang ang dami ko ng natatanaw na boylet. Ang daming cute guys. Ang dami ring cute girls , syempre ako ang pinakaCUTE . Hahaha Joke . Pinapawala ko lang yung kaba ko. Baka kasi maligaw ligaw ako dito sa lugar na to. Wala pa akong kakilala kaya di pa ko makadaldal ng husto. Siguro maya maya lang meron na kong friends. Siguro naman sa dinami dami ng mga estudyante dito eh meron namang mga Friendly :DD. Mas masaya siguro kung may lalapit sakin at magsasabi na :
" Miss ang Cute mo naman . Can I get your number ? "
Hahaha. Malandi lang ako? Bahave muna dapat ako. Masyado akong excited sa mga pwedeng mangyari eh.
Napatingin ako sa relo ko at malapit na pala magtime kaya hinanap ko na yung room ko. Dahil nga napakalawak ng University na to, time na, di ko parin nahahanap yung room.
" Patay! 1st day na 1st day late agad? Shushunga shunga nanaman ako. "
Nagpatuloy ako sa paglalakad and after 5 mins, nakita ko narin yung room ko.
" My God. Patay ako. Start na ata. " sabi ko sa sarili ko.
" Excuse me Sir, " sabi ko dun sa mukang masungit naming Prof.
" Get inside we will start na. " sagot nya sakin.
" Hay salamat. Di pa pala nagsisimula. " bulong ko.
Pagpasok ko, meron pang 3 vacant seats sa likod. Malapit dun sa vacant seats, may nakaupong SUPER DUPER CUTE GUY.
" Miss, dito ka nalang umupo. " sabi nung cute guy sakin.
" Sige, Salamat. " sagot ko with Beautiful Smile.
Kinilig ako grabeee .
Pagkaupo ko, di ko naman maiwasang di tignan yung katabi ko. Ang cute nya kaya grabeee. Makakapag aral kaya ako kapag dito ako nakaupo? Di ko pa alam name nya pero Crush ko na sya. Walang aangal ha. Crush lang naman eh. Siguro di ako makakapagconcentrate sa lessons namin pag dito na talaga ako umupo. Lipat nalang kaya ako? Baka manganib grades ko kakatitig sa kanya. Pero dito nalang ako, sayang ang NapakaCUTE na view. Hahaha.
" Okay class, let me introduce myself to you. I'm Alex De Guzman. You may call me Prof. Alex. Dahil 1st day, isa isa ninyong iintroduce ang sarili nyo. " sabi ni Prof.
Then isa isa ng nagpakilala yung mga kablockmate namin at ako na ang next.
" Uhm, Hi. I'm Kathryn Samonte. Nice meeting you guys. " pakilala ko sa kanila.
Dahil magkatabi kami ni Cute Guy, sunod sya sakin at excited na ko malaman ang name nya. OhMyGoshhhhh. Ayan na. Ayan naaaaa !
" Hi. I'm Drew Gonzales. " sabi nya.
Wow , ganda ng name nya. Drew! Drew! Drew! Drew My Labs? Hahaha. Ako na ata pinakamaharot dito eh. Joke lang. Pero kinikilig talaga ako. Sana nga lang di nya napapansin na tinitignan ko sya, nakakahiya kaya.
After 3 hours, natapos na rin yung subject ni Prof. Alex.
Break Time na. Dahil ako ay Shy type, nakaupo lang ako sa upuan ko. Bakit ako aalis dito? Eh feeling ko nasa langit na ko dito sa kinauupuan ko at may anghel sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Can We Fall One More Time ?
RomanceThis is a Story about a college girl who wants to have a beautiful lovelife with her love . Let's see how her College life and Lovelife would be . This will be interesting ♥