ANG LIHAM...

324 5 4
                                    

Ang kwentong ito ay narinig ko sa classmate ko…

Na si Edna…at ako na ang mag papakalat ng kwentong ito…

So! ENJOY…!!!!

Peru ang tutuo ang nag sabi nito kay edna ay ang kambal niyang clasm8 na si MARIA at MARTHA..

……..“Ano ka ba, pag ang letter “V” ay nasa pagitan

ng mga consonant ito ay binabasang letter “U”

at pag ito naman ay nasa pagitang ng ng mga

vowels o kaya naman ay sinusundan ng mga vowels,

ito binabasang letter “V” - Maria

MORITVM TE SALVTAMVS EST DEXTRVMI

CVRITE AVE VERSVS CRISTVS VERVM DE TREVI

VERMI EST REFLEXVM ARVM DRI TRIPVM

DEXTRVMI LENTENVM AVE SATANI

Eto lamang ang huling ala-ala ng kakambal kong si Maria bago siya namatay…

September 12, 2002… Tandang-tanda ko ang araw na ito.

Ito ang sumunod na araw matapos bombahin ng mga terorista ang twin tower sa US noong nakaraang taon ng 2001.

Ito rin ang araw kung saan ko huling nakasama pauwi ng bahay ang kakambal kong si Maria.

Mga bandang alas-kwatro y medja na ng hapon.

Nakasakay kami ng kambal kong si Maria ng bus pauwing Cavite City ng may nakita siyang isang lumang wallet ng lalaki sa lapag ng inuupuan naming bus.

Medyo luma na ang wallet na ito; kulay itim at medyo laspag na.

May isang litrato sa loob.

Tama kami ng hinala, lalake nga ang may may-ari ng wallet.

Medyo may kalumaan na ang litrato.

Malutong na ang papel at black and white or should I say brown and white pa ang kulay ng litrato.

Bukod sa litrato ay mayroon ding mga nakaipit na tarheta (calling card) , papel na may sulat, reseta ng doktor, mga tickets sa bus at P78.

Wala naman talaga akong habol sa wallet maliban sa P78.

Gusto ko sana ay paghatian naming magkapatid yung pera, pambili kahit man lamang ng burger. Ngunit iba si Maria.

Sa aming magkapatid masasabi ko talagang mabait siya ng higit kaysa sa akin.

Gusto niyang isauli namin ang wallet sa mayari dahil baka mahalaga raw ito sa kanya dahil nga may resetang nakaipit sa loob.

Noong mga oras na iyon gusto niyang ibigay na lamang sa driver ng bus ang wallet.

Kaya naman agad-agad akong nag-isip ng paraan upang huwag na niyang magawa ang binabalak niyang pagsaoli ng wallet sa driver.

“Para!”

Kahit mga dalawang kanto pa ang layo ng bababaan namin ni Maria ay pinahinto ko na ang bus.

Dahil sa hindi pa handa sa pagbaba ay nataranta si Maria dali-daling inayos ang mga bitbit niyang gamit at bumunot ng pamasahe namin sabay bayad sa driver.

“Eto pong bayad, dalawa galing Tanza.”

Matapos magbayad at masuklian ay bumaba na rin siya.

“Ano ka ba Martha, dalawang kanto pa ang layo ng bahay natin dito sa pinagparahan mo”

Biglang bumalik sa akin ang sisi. Medyo may kalayuan nga talaga ang pinagparahan ko ng bus.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ANG  LIHAM...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon