23

126 7 1
                                    


Neil:

Pre.


Ako:

Oh?


Neil:

Ayaw daw tumigil ni Coleen.


Ako:

Alam mong kinakausap niya ako?


Neil:

Oo naman.


Ako:

Lintik na. Bakit ka pumayag?


Neil:

Mahal ko, e.


Ako:

Ang gulo niyo. Bagay nga kayo. Tol, girlfriend mo 'yun! Bakit mo pinapayagan makipagusap sa iba? Dapat nga possesive ka, hindi yung ganyan. Gago ka.


Neil:

Hinay-hinay naman sa pagmumura pre. Pasensya na. Mahal ko p're.


Ako:

Ang martyr mo gago.


Ako:

Tangina naman kasi, pinaikot niyo ako. Hindi ko naman magawang magalit sayo kasi tanga ka sa pag-ibig.


Neil:

Mahal ko talaga, e.


Neil:

Kahit nung hindi pa kami magkakilala, nung hindi pa kami.. matagal ka na niyang gusto. Hanggang ngayon. Pero inamin niya sa akin, mahal ka niya dati. Gusto nalang ngayon.


Ako:

Oh? Talaga? Pero diba ikaw na mahal niya?


Neil:

Hindi ko alam.


Ako:

Bakit hindi mo alam?


Neil:

Nagkakalabuan na naman kami.


Ako:

Ayusin niyo yan. Neil, ayokong makasira ng relasyon.


Neil:

Pre tulungan mo naman ako oh.


Ako:

Oo. Tutulong ako. Ayoko ngang makasira ng relasyon, hindi ba? Anong klaseng tulong ba?


Neil:

Hindi ko kasi alam kung ako padin ba mahal niya, e. Baka kasi bumalik feelings niya sayo.


Ako:

Hoy teka tawag ako


Neil

Dialing...


Ako: "P're."

Neil: ("Tangina, naiiyak ako.")

"Tanga! Wag kang umiyak."

("Ang sakit kasi.")

"Ganun talaga kapag nagmahal ka. Masasaktan ka rin. Magkasama kaya 'yun."

("Hugot ba 'yan pre?")

"Gago! Brokenhearted ka ba talaga?"

("Mukha bang hindi?")

"Yes. Mukha kang timang."

("Uy! Arnold..")

"Ano??"

("Tulungan mo ako.")

"Ano bang tulong, ha?"

("Ewan.. Hindi ko alam.")

"Uh... Sige, lalayuan ko siya para sa'yo."

("Eh hindi ka rin naman niya tinitigilan, e.")

"Paano mo nasabi?"

("Pinipilit nga akong kausapin ka. Sabihin ko daw na h'wag mo daw siyang layuan.")

"Ano ba yan. Pagbawalan mo nga yan!"

("Natatakot akong mawala siya sa akin kapag ginawa ko 'yun.")

"Teka nga. Tangina naman, e. Ang gulo niyo! Akala ko kaibigan lang turing n'on sa akin. Tinraydor ako."

("Wag mo naman siya pagsalitaan ng ganiyan.")

"Hindi bagay sa'yo yung muntanga. Gago ka."

("Bakit?")

"Parang may lamay. Ano ba yan."

("Sorry naman.")

"Bagay kaya kayo ni Coleen. Parehas kayong makulit."

("Thank you, p're. Kaya mahal na mahal kita."

"Mas bagay kami.."

("Ano p're? Ang hina ng boses mo. Ano 'yun?")

"Wala, p're. Kakausapin ko siya para sayo. Ipapaintindi ko nang matauhan na. At ikaw naman, wag kang tanga. Papagawan kita ng rebulto sa pagiging martyr mo."

("Tangina nagpatawa ka pa. Pero salamat p're. Matutulog na ako.")

"Sige, good night."


Neil

Call Ended


Napabuntong hininga ako, "Sasabihin ko ba sakaniya? Ugh, hindi ko alam! Ba't ko ba kinakausap sarili ko? Naku naman, Arnold! Malala na 'to. Anong nangyari sa dating ako?"


Arnold & Crunch (Ineedit ng bonggang-bongga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon