Mabilis ang naging byahe namin dahil sa private jet na pagmamay ari ng mga magulang ni Yna.
Paglapag nito,agad na bumungad samin ang anim na bodyguards para alalayan kami sa pagbaba.
"Ma'am,Welcome back!"bati nila pagkababa namin.Tinanguan ko lang sila at agad na pumasok sa Van na sundo namin.
"Ma'am saan po tayo didiretso?Sa condo nyo po ba o sa mansyon?"tanong ng driver pagkaupo ko.
"Doon nalang po sa mansyon kuya para may magbantay kay Yna pagka uwi."
"Sige po."sagot nito at agad na pinaharurot ang sasakyan.
Nakatingin lamang ako sa bintana at inaalala kung kamusta na ang mga taong iniwan ko.Napabuntong hinanga nalamang ako at pinagmasdan ang labas.Marami nang nagbago sa Manila.
Naaalala ko pa noon ang karinderyang kinakainan namin ni mama namg nadaanan namin ti,lumaki na ito at lumago.Mapangiti ako ng makita si Aling Delia na nagmamay ari ng karinderyang yon.Tsk!Tsk!Tsk!Dati rati pawis na pawis ito habang nagtitinda pero tignan mo naman ngayon paupo upo nalang sya.Ganyan talaga pag umaasenso na.Madami na talaga ang nag bago.Haysst!!😏
Umiglip muna ako dahil nakakapagod parin talaga kahit panandaliang byahe lang iyon.
"Ma'am andito na po tayo."naalimpungatan ako dahil nagsalita si manong.Lumabas na ito para sana pagbuksan kami ng pintuan.
Sinenyasan ko sya ng saglit lang at agad itong tumango.Napatingin ako sa paligid at napabuntong hininga.Wala parin talagang nagbabago sa mansyong ito.Malawak at malinis parin ito na mukhang inalagaan talaga.
Lumingon ako sa katabing upuan ko at napangiti nalang😊.Mahimbing syang natutulog na nakaupo at nakanganga pa.Napahagikhik tuloy ako ng mahina at pinagmasdan ito.Maganda,maputi,singkit,maninipis at mapupulang labi at kulot ang dulong bahagi ng buhok,yan ang itsura ng napakagandang batang ito.
Ilang saglit ko lang syang tinitigan at nang nakuntento na ay tinapik ko ito sa binti upang magising sya ngunit mukhang pagod talaga ito that's why i decided to lift her up.
Kinatok ko ang bintana at agad na napabaling ang driver sa gawi namin at nang nakita akong sumesenyas na buksan ay agad nitong sinunodKatapat ng van ang pintuan ng mansyon.Pagkababa ko ay agad kong binuhat si Yna para dalhin sya sa kwarto nito.Marami ang nag alok na sila nalang daw ang magbuhat dahil mabigat daw ito pero umiling ako dahil gusto ko talagang ako ang mag alaga sa kanya
"Ms.Milan,Welcome back!" Sabay sabay nilang sabi ng papasok na kami ng bahay at lahat ng kasambahay ay nakahilera sa dadaanan namin.
Tinanguan ko nalang sila dahil tinatamad akong magsalita at dahil narin siguro sa pagod.Dumiretso ako sa nakahandang kwarto nito at nilapag ko sya sa kanyang kama.Tinanggal ko ang kanyang sandal at jacket upang makagalaw sya ng maayos.Kinumutan at iniwan ko na sya sa kanyang kwarto upang makapag ayos din naman ako sa aking kwarto.
Pagkapasok ko natanaw ko kaagad ang pamilyar na tanawin dito.
Agad akong nalungkot dahil sa mga ala ala na naiwan dito😔.Pinagmasdan ko ito saglit at nang nakuntento ay agad akong naghanap ng pangpalit na damit sa aking maleta para makapag bihis at makaiglip saglit dahil mahaba habang araw nanaman ang gugugulin ko bukas para makapag enroll.
BINABASA MO ANG
Ephemeral
General FictionA life who never wanted to have,A love who never wanted to believe.