Alam mo, kung binabalewala ka lang nung taong mahal mo,
Kahit na effort ka na ng effort, siguro panahon na rin para
intindihin mo ang sarili mo. Hindi lahat ng oras eh ikaw ang
bigay ng bigay. Matuto ka rin magpahinga. Alam mong ginawa
mo na ang lahat para iparamdam sakanyang mahal mo siya,
pero siya, dedma? Kuha lang ng kuha? Nako. Take a break muna.
Have a KITKAT. Chot.
Pero ‘di nga? Kung kaya niyang ganyanin ka, kung kaya niyang
mabuhay ng wala ka, aba siyempre mas kaya mo noh? Naku,
minsan, parang tini-take for granted ka na. Hinahayaan niya
lang na bigay ka ng bigay sakanya ng effort, kasi alam niyang
hindi ka magsasawa. Alam niyang kahit anong gawin niya, hindi
ka mapapagod. Wag mong hayaan ang sarili mong mabulag at
mabingi sa mga kasweetan niya. Kung talagang mahal ka rin niya,
patas lang dapat kayo. Mageeffort din siya para makita at makausap
ka at ipaparamdam niya sayong mahalaga ka. Hindi lang yung
sasabihan ka ng “MAHALAGA KA SAKIN” tapos wala naman siyang
ginagawa. Tss.
-- Repost from TUMBLR