My Lady

23.1K 828 44
                                    

Chapter Sixteen

"KAYA mo ba kung magko-commute na lang tayo?" tanong ni Sachi nang lumabas ng kuwarto si Julianna.

"Why? May problema ba ang kotse?"

"Wala. Ang inaalala ko lang ay wala kaming garahe, wala tayong puwedeng pag-iwanan ng kotse mo. Luxury car pa naman 'yon, mainit sa mga mata ng carnappers."

"Oh."

"Mag-taxi na lang tayo para komportable ka sa biyahe."

"Okay. Pero dumaan muna tayo ng market, let's buy something for your Mom."

"Kahit huwag na."

Napasimangot si Julianna sa sagot niya.

Napangiti siya nang alanganin. "Sige na nga."

Nang iabot niya rito ang kamay niya ay nakangiti nito iyong tinanggap. Magkasalikop ang mga palad na lumabas sila ng apartment ng nobya. Pumara ng taxi si Sachi at nagpahatid sa malapit na supermarket.

"Huwag po sa Clover Leaf," ani Julianna.

Naisip ni Sachi na nag-aalala marahil  itong may makakilala rito sa supermarket na pag-aari ng pamilya nito at mai-report ito sa mga magulang.

"Doon na lang po sa J-Mart, Kuya," aniya sa driver.

Nang pisilin ni Julianna ang kamay niya ay isang nakakaunawang ngiti ang ibinigay niya rito at hinagkan ito sa sentido.

"You're not mad?" worried na tanong nito na bahagyang tumingala sa kanya.

"Hindi. Bakit naman ako magagalit?"

"Kasi baka iniisip mong hin--"

"Sh," mabilis na tinakpan ni Sachi ng hintuturo ang mga labi ng nobya. "Wala akong anumang iniisip kundi ikaw lang."

Bigla itong namula.

Napangiti siya at masuyo itong hinagkan sa noo. Nang huminto ang taxi sa tapat ng J-Mart ay dumukot ng pera si Julianna para magbayad. Pero pinigilan ito ni Sachi.

"Ako na."

"Pero baka maubusan ka ng allowance."

"Huwag kang mag-alala." Inabutan ni Sachi ng pera ang driver bago maingat na inalalayan ang kasintahan pagbaba ng sasakyan.

Pagkakuha ng sukli ay magkahawak-kamay na pumasok sila ng supermarket. Kumuha ng grocery basket si Sachi.

"May favorite food ba ang Mom mo? You also have a cousin living in your house, right?"

"Favorite food, hindi masyadong mapili si Mama. Maski ano, kinakain no'n. Si Rialyn, mahilig 'yon sa mga tsitsirya. Kahit tigpipisong Boy Bawang masaya na 'yon."

"You two must be very close."

"Para na kasi kaming magkapatid. Kami na ang itinuring niyang pamilya mula nang hindi na siya balikan ng nanay niya."

"Oh, that's sad. I mean, I thought those things only happen in a tv drama. 'Yong mga magulang na nagagawang iwanan ang mga anak nila."

"You should go out more often, mahal na kondesa. Bakit sa palagay mo maraming batang-lansangan ang nagkalat sa kalye?"

Napalabi ito. "Sorry naman po. Hayaan mo, simula bukas mamamalimos na ako para maging aware ako sa mga bagay-bagay."

Natatawang hinapit ito ni Sachi sa balikat.

Cake at prutas ang naisipang bilhin ni Julianna. Pumili rin ito ng ilang snack food na sa suggestion ni Sachi ay magugustuhan ng pinsan nito. Nang babayaran na sana iyon ni Sachi ay hindi ito pumayag. 

The Heiress and the ManwhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon