Chapter Twenty
UNANG araw iyon ng kanilang klase. Nagtaka si Julianna dahil hindi pa nadi-dismiss ang una niyang klase ay nasa labas na ng classroom niya si Sachi.
"Beshie, may pogi. Kilala mo?"
Kinikilig na comment mula sa likuran niya. May dalawang babae roon na nakaupo at nagbubulungan. Kanina pa nga siya naiinis sa mga ito kasi hindi niya masyadong maintindihan ang lecture ng Prof nila dahil parang mga bubuyog na ewan. Ang hina pa naman ng boses ng Prof nila dahil medyo may katandaan na.
"Oo nga, ang pogi. Mukhang taga-Engineering Department 'yan."
Dukutin ko na kaya ang mata ng mga 'to, gigil na saloob-loob ni Julianna.
Ayaw niyang lingunin ang dalawang babae dahil natatakot siyang maging kamukha ng mga ito ang baby niya. Hindi naman masasabing mga pangit, nasobrahan lang sa make-up kaya mga nagmukhang clown. Mas gusto niyang si Sachi lagi ang tinititigan paggising sa umaga. Mukha ngang napaglilihihan niya ito.
"Mukhang may sinisilip dito."
"Baka ako?"
Patuloy ang bulungan sa likuran niya. Hindi niya napigilan ang sariling lingunin ang mga ito para naman makahalata. Pero sa halip ay irap ang natanggap niyang reaksyon mula sa dalawa. Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa na parang inuuri ang kanyang pagkatao.
"Don't look at me like that. I bet you can't even afford my bath soap," hindi napigilang sabi niya .
It sounds petty and vaunting. Pero masyadong maiksi ang pisi niya para magpa-intimidate sa katulad ng mga ito. They don't even know her.
"'Kalokah. At ano naman ang pake namin sa bath soap mo, aber?"
"Wala ka ngang pake kaya kung puwede itikom niyo 'yang mga bibig niyo dahil hindi lang kayo ang tao sa room na 'to, gets niyo? Kung gusto niyong magtsismisan, doon kayo sa labas. Bumalik na lang kayo kapag interesado na kayong mag-aral. And by the way, that rouge lipstick doesn't look good on you. It clashes with your skin tone."
Their reactions look so comical. Parang biglang pinutulan ng dila ang mga ito na sandaling hindi nakaimik bago sabay ring nanlisik ang mga mata na gusto na siyang sunggaban. But she just ignored them. Wala namang magagawa ang mga ito sa kanya.
Nag-vibrate ang cellphone niya. Naka-silent iyon dahil may klase siya.
Mahal, ibinili na kita ng miryenda mo.
Napangiti siya. Kinilig. Kanina pa nga siya nagugutom. Ang bilis-bilis niyang magutom. Nag-aalala nga rin siya na baka bigla siyang lomobo, mahahalata kaagad ang tiyan niya.
Thank you, mahal. I'll be out in a while.
Tumagal pa ng fifteen minutes ang klase niya. Nang lumabas ang prof ay sumungaw ang ulo ni Sachi at sinilip siya. Kaagad na nabahiran ng ngiti ang kanyang mga labi. Sinamsam niya ang kanyang mga gamit. Patayo na sana siya nang may biglang humila sa buhok niya.
"Ouch!"
"Hey!"
Dali-daling pumasok ng classroom si Sachi para protektahan ang nobya.
"Ang arte mo! Akala mo kung sino ka, ha?"
"Hindi mo kami kilala kaya huwag mo kaming babanggain."
"Awat na, awat na," mabilis na ikinulong ni Sachi sa mga braso ang nobya para hindi ito masaktan.
Ang iba namang kaklase ni Julianna ay umawat na.
"Ginger, tama na."
"Teray, awat na. Mahiya naman kayo."
BINABASA MO ANG
The Heiress and the Manwhore
RomanceIn a society divided by power, wealth, and social standing, two unlikely souls collide. Sachi had nothing, not even a good name. He used to be a male escort, a prostitute, skilled at fulfilling his clients' most private desires. He has long accepted...