Chapter Twenty Four
NAKAPIKIT na kinapa ni Julianna ang nag-iingay na cellphone. Ang bilis niyang mapagod lately. Pagkagaling ng school ay nakakatulog na siya kahit alanganing oras. Napaka-antukin niya kahit sa kalagitnaaan ng klase. Masyado rin siyang demanding kay Sachi na gusto niya ay parating katabi ito. Halos ayaw niya itong mawawala sa kanyang paningin. At kung dati'y selosa siya, mas lalong nadoble pa yata iyon. Mawala lang ito ng isang araw ay nagdududa na siya kung sino ang kasama nito.
"Hello?"
"Have you decided yet?"
Kumunot ang noo niya sa bungad ng kausap. Nang unti-unting luminaw ang isip niya kung sino ang nasa dulong linya ay parang biglang nagpanting ang kanyang tenga. Si Drigs.
"Fuck you."
"We already did."
"And what a lousy fuck you are. Hindi man lang kita maalala."
"Tsk. Don't trick me with your fake bravado, Jules. Once I opened my mouth it will be end game for you. Tell your parents that you--"
Pinutol na ni Julianna ang tawag bago pa man makumpleto ni Drigs ang sinasabi nito. She also blocked his calls. Umaalon ang dibdib niya sa matinding inis. Kailangan na niyang putulin ang ilusyon ng walanghiya.
"May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Sachi. Kalalabas lamang nito ng banyo at bagong paligo. Nakatapi ito ng tuwalya at tumutulo pa ang buhok mula sa shower.
Saglit na parang na-magnet ang mga mata ni Julianna sa perpektong pangangatawan ng nobyo. Sumunod ang tingin ng mga mata niya sa tumutulong tubig sa katawan nito.
"Mahal na kondesa?"
"Huh?"
"Sabi ko ano ang problema? Sino ang kausap mo kanina?" tumingin ito sa cellphone na hawak niya.
"A, w-wala."
Matiim itong tumingin sa kanya.
"Si Drigs," aniya. Hindi siya makapagkakaila kapag ganoon ang tingin nito sa kanya.
"Tinatakot ka?"
"Yes. Pero hindi niya ako masisindak."
"Mas mabuti siguro kung kausapin ko na siya."
"No. I can handle him."
"Sigurado ka?"
"Yes." Naniniwala siyang may makukuha siyang impormasyon para itapat sa pamba-blackmail ni Drigs.
Inabot ni Sachi ang tee-shirt nito sa may paanan ng kama at nagsimulang magbihis.
"Nakapagluto na ako ng hapunan. Nagugutom ka na ba?"
"Medyo."
"Sige, maghahain na ako."
"Tutulungan na kita. Maghihilamos lang ako."
Bumangon na siya at pumasok ng banyo. Nasamyo niya ang ginamit na sabon ni Sachi. Awtomatikong nilanghap niya iyon. Her libido is going overdrive. Mukhang totoo ang sinabi ni Max. Na ang mga buntis ay maiinit.
Nang makapaghilamos ay lumabas na siya ng silid. Naghahain na si Sachi nang mapasukan niya sa dining room. Uupo na lang siya at kakain. Napailing si Julianna. Ini-spoil siya talaga ng nobyo. Lahat na lang halos ay ito ang gumagawa. Siguro kung hindi siya nagpapa-laundry ay ito rin ang maglalaba ng mga damit niya. Pero ganoon na nga rin pala, ito ang naglalaba ng mga undies nila.
"I'll do the dishes later, okay?" aniya.
"Hindi pa nga tayo tapos kumain 'yan na kaagad ang iniisip mo. Kain na," ipinaglagay siya nito ng kanin sa plato.
BINABASA MO ANG
The Heiress and the Manwhore
RomanceIn a society divided by power, wealth, and social standing, two unlikely souls collide. Sachi had nothing, not even a good name. He used to be a male escort, a prostitute, skilled at fulfilling his clients' most private desires. He has long accepted...