"Sino si EJ?"- ang tanong ulit sa akin ni kuya
"Classmate ko daw po siya sa Speech Communication eh"-ang sagot ko sa kanya
"Bakit may daw?"-ang usisa niya sa akin
"Eh hindi ko naman po kasi siya kilala eh"- paliwanag ko
"Huh, bakit hindi mo kilala?"- tanong niya ulit
"Eh kasi po iba ang course ko sa kanila, diba naubusan ako ng slots sa engineering para sa subject na speech communication kasi nga po na late ako ng pag eenrol, kaya no choice po ako, eh sa History lang ang may natitirang slots para dun, saka laging sa likod ako umuupo kaya wala pa akong kakilala sa kanila, tapos after ng class lumalabas agad ako kaya ganun po"- ang mahaba kong paliwanag sa kanya
"Ah ganun ba. buti ako hindi ako naubusan ng slots sa mga subjects ko.. hehehe"
"Di ikaw na nga kuya. hehehe.."- sabi ko naman
"Kuya naaalala mo ba nung magkasama tayo pumunta sa bayan nung sabado?"-tanong ko
"Oo, bakit anong meron?"-tanong din niya
"Naalala mo ba ung lalaking bumati sa akin?"-tanong ko ulit
"Oo"- sagot niya
"Siya pala si EJ"-ang sabi ko
"Ah siya pala ung lalaking matangkad na payatot, pero pwede na din. hahaha"-ang malakas niyang tawa
"Pwede na ding ano?"-ang tanong ko naman
"Pwede na ding pag tyagaan ng mga Chicks. hahaha"
"Grabe ka naman kuya. hehe"
Gaya nga ng nasabi ko si EJ ay history student, 5'6 ang kanyang tangkad, maputi, slim ang katawan pero gwapo din naman.
Naalala ko pa nung unang pumasok ako sa klase namin sa speech communication, dahil sa late ako nag enroll, second week na ako nakapasok. Naka free style ako noon dahil pag second week ng pasukan ang mga engineering ay mga naka free style kasi aabutin ka ng isang linggo pag eenroll sa sobrang dami ng population namin.
Pumasok ako sa room at ako lang ang naiiba ang ang suot dahil lahat sila ay naka uniform. Damang dama ko ang sobrang kaba dahil wala akong kakilala sa mga bago kong classmate. Lahat sila nakatingin sa akin pagpasok ko. Sa unahan ako umupo dahil iyon lang ang bakante. Ilang sandali pa dumating na ang aming professor.
“Good Morning Sir”- ang bati ng mga classmate ko
“Good Morning din”-ang bati ni sir
Agad naman akong napansin ni sir dahil ako lang ang bukod tanging naka free style sa klase.
“New Comers?” –tanong niya
“Yes Sir”- ang sagot ko naman sabay abot ko ng registration form at classcard ko.