40 Days

3 1 0
                                    


Ako nga pala si hmm itago nalng nating sa pangalang "Entong" 2nd year college na ako at kinuha ko ang kursong criminology at may nag kagusto sa aking babae at same kami ng kinuha, maganda namn yong babae at jolly tapos wala syang pake kong nakakahiya yong ginawa niya, mapagkamalhan mo rin syang baliw, at paranoid, basta ang weird nyang babae sya lang ang nakilala kong babae na ganyan yong ugali, minsan hindi mo maiintidihan mga sinasabi niya

Lage din siya tumitingin sa akin tuwing nag lelesson kami, natatakot na nga ako minsan ehh baka kung anong gawin sa akin, pero isang araw sa canteen, habang kumakain ako bigla siyang tumabi at sinabing
"pwede ba tayong mag usap?" seryosong sabi niya at ngayon ko lang siya nakitang seryoso
"di nga kita kilala ehh tapos makikipag usap ako sayo? naku sabi ng mama ko dati don't talk to stranger, kaya hindi kita kakausapin" sabi ko, sa totoo lang di ko talaga kilala ang baliw na babaeng to, oo mag kaklase kami pero hindi ko alam pangalan niya, ang tawag namn ng iba sa kanya ay Dang.
"pls" pagmamakaawa niya kaya tumango ako, bigla namn niya akong hinila at dinala sa court ng school namin, wala akong ideya kung bakit dito niya ako dinala, may plano ba syang pakipaglaro sa akin ng basketball? o ano
"bakit dito mo nga pala ko dinala? maglalaro ba tayo?" takang tanong ko, hindi namn siya umimik at pina upo niya ako
"hmm entong alam kong hindi mo ako kilala,alam ko rin na hindi mo ako gusto, kasi sa tuwing ngingitian kita lage kang nakasimangot sa akin, sa tuwing nagpapasaya ako ng tao kapag nandyan ka hindi mo namn napapansin, minsan nga naisip ko na tumigil na ako, pero sabi ng puso ko wag hindi pa huli ang lahat, kaya ginawa ko ang lahat para mapansin mo pero waley ehh, nasabi ko nga sa sarili kk na ang tanga ko nag pakatanga ako sa isang tulad mo na walang pake sa akin, alam kong sa kalagayang ito na weiweirdohan ka sa akin, alam ko rin na hindi mo talaga ako gusto, pwede bang humingi ng favor? ikaw lang kasi ang gusto kong lalake ehh simula high school pa tayo, pwede mo ba akong maging girlfriend in 40 days? just 40 days lang namn" sabi niya, hindi ko alam ang mga pinagsasabi niya, tama nga sila ang weird niyang tao,
"weird mo" yan lang ang nasabi ko, bigla namang tumulo ang luha niya, kaya nabahala ako, at paulit ulit niyang sinabi na "40 days lang pls", sabi ko namn "pag iisipan ko" at pag kasabi ko non umalis na ako ng court.
Makalipas ang dalawang araw napag isipan ko na kaya nong nakita ko siya sinabi ko agad na payag na ako kahit labag sa loob ko
"talaga? pumapayag kana?" nakangiting tanong niya tumango namn ako at umalis, habang naglalakad ako nakatanggap ako ng message galing kay dang

Dang
May rule ha pero isa lang namn
Rule no.1: mahalin mo ako

Yan ang natanggap kong mensahe sa kanya, hindi ko namn siya nereplyan, hinding hindi ko matutupad ang rule na yan.

Simula nong pumayag ako lage na syang sumasabay sa akin sa canteen, lage siyang sumasabay sa akin pauwi, lage nya akong kinakausap, at natatawa namn ako sa mga sinasabi niya.

Sabado ngayon at pang 20 days na naming nagpapanggap ni dang na mag jowa, papunta ako ng bar para uminom, habang umiinom ako naaninag ko sa di kalayuan si dang papunta siya dito sa inuopuan ko, ng makalapit na siya biglang nag sa lubong ang kila niya nag taka namn ako.
"anong ginagawa mo dito?" tanong ko hindi namn sya umimik at inagaw ang basong hawak ko, kaya nagallit ako at nasigawan ko siya pero hindi siya natinag
"sino ang babae mo?" tanong niya kaya natawa namn ako, ano bang pake niya
"pake mo?"
"tss! Pake ko? Syempre may paki ako kasi boyfriend kita!" pagkasabi niya non natawa namn ako ng malakas, siya lang ang nakarinig ng malakas kong tawa ng dahil sa ingay dito sa bar
"boyfriend mo ako? baka nakakalimutan mo fake lang ang lahat ng ito! wala namn talagang tayo at isa pa gumising kana! alam mo namn na hindi kita gusto at hindi kita girlfriend kaya wag kang umasta na tunay kong girlfriend kasi wala akong girlfriend na baliw!" pagkasabi ko non bigla syang umiyak at tuluyan ng umalis ng bar
Makalipas ang sampong araw hindi na nagpakita sa akin si dang, hindi narin siya nag tetxt sa akin,
Pang 35 days na, nakita ko si dang sa room na tahimik lang na naka upo, ng lapitan ko siya para kausapin bigla namn siyang umiwas.
36days
Nakita ko si dang sa canteen na kumakain lalapitan ko na sana ng makita niya ako bigla siyang umalis
37days
Nakita ko si dang na umiiyak sa likod ng room namin, kaya tinabihan ko siya at kinausap
"dang sorry" sabi ko, iyak parin siya ng iyak
"sorry sa nangyari sa bar, hi-hindi ko sinasadya yong mga sinabi ko non sorrt kong nasigawan kita, sorry sa lahat, sorry din kasi hindi ko pa nagagawa ang rule mo sorry" habang sinasabi ko yon, naaalala ko yong mga pinaggagawa ko sa kanya, yong mga pananakit ko sa kanya
"hindi mo namn kaylangang mag sorry, kasalanan ko namn ehh kasi nahulog ako sayo kahit na mali,kahit alam kong hindi mo namn ako gusto, sorry kasi nagpakatanga ako sayo, sorry entong" sabi niya at bigla namn siya tumayo at umalis.
38days
Dalawang araw nalng at matatapos na ang pag papanggap namin ni dang
39days
Habang nasa court ako nakita ko si dang na pumasok at lumapit sa akin
"entong may gusto lang ako sabihin" sabi niya, tumango namn ako
"hmm entong salamat ha, salamat sa lahat, salamat kasi kahit labang sa kalooban mo pumayag ka paring maging boyfriend ko, alam mo ba kahit pag papanggap lang yon? inisip ko na totoo yon inisip ko na totoo lahat yon, sa tuwing kausap kita para na akong nanalo ng loto sa saya, entong mahal kita pero titigil na ako sakit na ehh alam ko namn na hindi mo talaga ako magawang mahalin, salamat ha salamat sa pansamantalang saya *bigla tumulo luha niya* sge entong hanggang dito nalng ako" pag ka sabi niya non, hinalikan niya ako sa labi ng matagal bago siya umalis
40days
Ito na ang huling araw namin ni dang habang naglalakad ako may narinig akong mga bulongbulongan
"guys nabalitaan nyo ba na kasal na si dang?"
"ha kaylan pa?"
"kahapon pa"
"grabe ang aga namn niyang ikasal"
"tss hindi nyo ba alam na may sakit yon sa puso? kaya nga sya ikinasal ng maaga at sabi nila hindi namn daw talaga siya mag papakasal sa isang mayaman na lalake kong hindi lang dahil sa sakit niya, gipit kasi sila kaya ayan nagpakasal sya ng maaga"
Yan ang mga naririnig kong bulungan sa kanila, pag karinig ko non, dali dali namn akong pumunta ng court at don nalng tumambay, hindi ko alam kong bakit ako nag kakaganito, simula nang sinabi ni dang lahat nyang gustong sabihin, lage ko nalng syang hinahanap, bigla namang tumutulo luha ko ewan ko kong bakit
"ahhhhhhhh!" sigaw ko at sinuntok ang pader, wala akong pake kong nagdudugo na kamay ko, ang gusto ko lang ngayon ay ang makita siya, susuntukin ko na sana ang pader ng may biglang mag salita,
"bro kawawa yong pader"
"paki mo?"
"may paki ako bro kasi may nagpadala ng sulat para sayo" sabi niya at inilapag ang sulat sa upuan at tuluyan ng umalis ang lalake, kinuha ko namn ang sulat na binigay niya at binasa ko ito

Dear entong

Sorry kung hindi ko ito personal na naibigay pero laking pasalamat ko sayo kasi nandyan ka lage sa aking tabi, kahit alam kong ayaw mo sa mga pinapagawa ko sayo ginagawa mo parin, naalala mo ba nong pumunta tayo ng mall? tapos may pinalaro ako sayo non tapos ang kapalit ay human sized baymax? sobrang saya ko non kasi favorite ko si baymax ehh, naalala mo rin ba nong ginawa kitang babae? Hahaha sa totoo lang bagay sayo ang maging babae tapos mag kapatid tayo pero hindi yon mangyayari kasi lalake ka at mahal kita hindi bilang kapatid, classmate, kundi mahal kita kasi gusto kita, kaya entong wag kang iiyak ha pag nawala ako sa tabi mo hahaba hindi ka namn talaga iiyak kasi ayaw mo maging bakla sa paningin ng iba, basta entong mag iingat ka palagi, kong may liligawan ka wag na wag kang susuko, hanggang dito nalng ako entong mag kikita rin tayo, hindi mn ngayon pero sa tamang panahon pero wag ka ng umasa na gusto pa kita may pamilya na ako nyan ehh at ikaw rin, bye entong and ilove you.

Nagmamahal
Dang ❤

"ahhhhh dang! bakit ka kasi sob duma sob ting sa buhay ko bakit ikaw pa, dang hindi ko pa nagawa ang rule no.1 dang ehh pero umalis ka bigla, ahhhhhh! sabay sabunot sa sarili
Makalipas ang 5 taon

Nandito ako sa park umuupo habang tinitingala ang langit may narinig akong batang babae na umiiyak,nilapitan ko ito
"ayos kalang ba bata?" tanong ko sa bata
"ayos lang po" sabi niya at pinahid mga luha niya
"hmm ano nga pala pangalan mo bata"
"Dally po pero tawagin niyo nalng akong dang" pagkasabi niya non naalala ko namn si dang at bigla namang tumulo luha ko "dang kamusta kana " bulong na tanong ko at bigla namn tumulo yong luha ko
"ayos lang po ba kayo manong" tanong ng bata
"ahh oo sge punta kana sa mama mo" sabi ko at pinahid luha ko
"hindi napo kaylangan hihi nandyan mama ko ohh sa likod mo po" sabi niya lumingon namn ako at nakita kl si dang, ibig sabihin si dang ang ina ng bata
"da-dang?" tanong ko
"manong magkakilala po kayo ng mama ko?" tanong ng batang babae
"ahh anak mauna kana sa kotse naghihintay na daddy mo don" sabi ni dang sa anak niya tumango namn ang bata at nauna sa kotse
"Hi entong"
"dang kamusta kana? okay ka lang ba? ayos kana ba? dang naalala mo paba ko? nakikilala mo paba ako?" sunod sunod na tanong ko, bigla namn syang tumawa
"oo naaalala pa kita OA mo namn masyado at okay lng ako ano kaba, masaya nga ako ngayon kasi nakita na kita, masaya ako kasi may pamilya na ako, at masaya ako para sayo" sabi niya napangiti namn ako, akala ko kasi naka limutan na niya ako pero ang laki ng pinag bago niya
"hon? hindi paba tayo aalis?" tanong ng lalake sa likod niya asawa nya yata
" hmm sge entong mauna na ako ha, mag iingat ka palagi''sabi niya at tuluyan ng umalis
"dang ilove you"

The End



Sana nagustohan nyo

40 Days (one shot)Where stories live. Discover now